Chapter 18 3rd POV Ngayon ang araw na hinihintay ni Patricia, na umuwi si Jason. Miyerkules ngayong araw, kaya ito ang inaasahan niya na pag-uwi ni Jason, ngayong linggo. Buong araw wala siyang ginawa kundi ang maglinis ng kanilang bahay. Ayaw niya kasing maabutan ni Jason, na marumi ang kanilang bahay gusto niya komportable ang kaniyang asawa pag-uwi nito sa bahay nila. Pinalitan niya ng punda ang mga unan nila pati na rin ang sapin ng foam na tinutulugan nilang mag-asawa. Pagkatapos mag-almusal nila si Danica at Aling Jucy, umuwi naman ito sa kanila. Kasalukuyang nagwawalis si Patricia sa bakuran nila ng dumating naman si Mark. "Good morning, Patricia. Mukhang abala ka yata?" nakangiting bati ni Mark kay Patricia. Huminto muna sa pagwawalis si Patricia at humarap kay Mark. Ngum