Chapter 19 3rd POV Nakaabang si Patricia sa pintuan ng bahay nila sa pagdating ni Jason. Excited na siya na mayakap ang asawa. NANG marinig niya ang tunog ng motor ay dali-dali siyang tumayo at gustong salubongin sa lubak na daan si Jason. Nang matanaw niya ito ganoon na lang ang kaniyang tuwa. Bumaba si Jason sa motorsiklo nito at binuhat ang isang carton na may mga pasalubong kay Patricia. "Babe!" Sigaw ni Patricia sabay, kaway sa asawa nang makita niya na patungo na ito sa kinaroroonan niya. Bago kasi makarating sa bahay nila Patricia at Jason,may dalawang kahon pang palayan ang kanilang daanan bago makarating sa kanila at sa kalsada na lubak-lubak Tumakbo si Patricia, at wala siyang pakialam kahit na madapa siya sa pilapil. "Babe, dahan-dahan! Baka mamaya madapa ka at mapilaya