Chapter 17 Patricia Dalawang araw na ang lumipas simula ng mag-duty si Jason sa Holand. Sobrang nami-miss ko na siya. Hindi na ako makapaghinatay na sumapit ang merkules na araw. Iyon kasi ang uwian ni Jason, galing sa Holand. Mag-isa lang ako rito sa bahay ngayon dahil maaga pa ang umalis si Tita Jucy at Danica. Kahapon sumama ako sa kanila sa pag-harvest ng tea. Naaliw naman ako sa pag-harvest ng tea. Nag-aagiw ako sa loob ng bahay nang dumating naman si Mama. "Patricia, may ginagawa ka ba?" sigaw nito sa labas. Itinabi ko muna ang walis at nagtungo sa pintuan. Nakita ko si Mama na may dalang ropero na may mga lamang labahan. "Nag-aagiw ako Ma, bakit po?" tanong ko sa kaniya. "Iha, pwede bang maki-washing ako? Ang dami na kasi ng labahan namin ng Papa mo. Sumasakit na kasi a