DESPERADA

2531 Words
  UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 8 Cindy's Point of View “Hayop ka!” bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. “Sinungaling ka! Sinabi mo sa akin noon na masaya ka na akin? Ano’ yon binola mo lang ako? Gusto mo lang ng pera kaya hindi totoo na naging masaya ka sa pilig ko?” “Masaya? Gusto mong marinig ang totoo? Oo masaya ako. Masaya ako dahil mula nang dumating ka naging magaan ang buhay sa akin dahil bukod sa ibibinigay nang unang bakla ko, may dagdag pa galing sa’yo ngunit sana huwag mong kalimutang kasal pa rin ako sa asawa ko at kahit kailan, hindi mo kayang ibigay ang tunay na ligayang maibigay ng asawa ko at anak. Nadinig mo na ang dapat mong marinig. Ano, di ka pa susuko? Babae ka lang na aking parausan at pinerahan. Di ako magmamahal sa kagaya mo kahit kailan!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha niya. Kinuha ko ang dos por dos. Gusto kong ipalo iyon sa ulo niya. Gusto ko siyang patayin. Gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko sa kanya. Ngunit hindi ko kayang ihataw sa kanya. Natatakot pa rin pala akong makapatay kaya umiyak na lang ako ng umiyak. Naisip ko na hindi talaga niya ako seseryosohin kasi ginawa ko na ang lahat pero hindi niya sinabing pakakasal na kami o sa akin na siya tuluyang titira. Sinasabi lang niya ang mga sinabi niya sa akin noon kasi kinukuha niya ang aking tiwala ngunit hindi talaga niya gagawin. Hindi niya ako iibigin. Walang kasinsakit kapag ipinamukha sa iyong kasinungalingan lang pala ang sinasabing mahal ka. Lalo pa't tuluyan kang pinaniwala. Kinalimutan ko ang dating takot ko na niloloko lang niya ako. Nagpakatanga ako. Nagpakamanhid ngunit iba pa din talaga kung ipinapamukha na ang katotohanan. “Ano? Okey na? Gusto mo ba akong hampasin niyang hawak mo? Gusto mo akong patayin nang makulong ka?” Binitiwan ko ang dos por dos ngunit nakatitig ako sa kanya. Kung nakasusugat lang ang titig paniguradong duguan na siya. “Nasampal mo na rin naman ako. Amanos na ba?” itinulak niya ako. “Alis ako at baka mabugbog pa kita!” Sandali ko lang naramdaman ang galit na iyon. Parang napalitan agad ng takot na muli akong mag-isa sa buhay. Naalarma na ako ng husto nang makita ko siyang binubuksan na niya ang pintuan ng bahay. Mabilis kong pinigilan at paluhod kong niyakap ang kaniyang baywang. "Ayaw ko beyb! Sorry na please!” “Sipain na talaga kita!” “Hindi ko kaya! Ayaw ko...ayaw ko...please..huwag mo akong iwan!" humahagulgol na ako. Mahal na mahal ko siya at hindi ko alam kung paano ko buuing muli ang buhay ko nang wala siya. "Nasampal mo na ako, pinahiya mo na ako sa harap ng maraming tao, nalaman na ng asawa ko ang tungkol sa’yo na muntik naming ipinagkahiwalay. Ano pa ba ang gusto mo ha?” “Gusto ko akin ka lang. Gusto ko huwag tayong maghiwalay, please?” “Hindi ka ba talaga nakukuha sa magandang pakiusap!" Malakas niyang tinanggal ang pagkayakap ko sa kaniyang baywang ngunit kahit anong mangyari ay ayaw ko siyang pakawalan. Lahat ng pagsusumamo ay sinabi ko na at tagaktak na ang pawis namin. Pawis ko sa pamimigil ko sa kaniyang lumabas ng bahay at pawis siya sa pilit pagtanggal sa pagkakayakap ko sa kaniya. Nang naubos na siguro ang kaniyang pasensiya ay naging marahas na siya sa akin. “Tang-ina mo ah! Ayaw mong mapakiusapan ah!” Sinipa niya ako. Napakalakas no’n na halos sumadsad ako sa sulok ng bahay. Hindi pa rin siya nakuntento. Nilapitan niya ako. Muli ko siyang niyakap. Sinuntok niya ako sa aking mukha ngunit hindi pa din ako bumibitiw. Hanggang sa ubod ng lakas niyang tinadyakan ang aking sikmura dahilan para tumigas iyon na para ko nang ikamatay dahil nahihirapan akong huminga. Nang matanggal niya ang kamay ko ay nagmamadali na siyang lumabas. Sapo ko ang aking sikmura habang pilit ko pa rin siyang sinundan. Wala na akong pakialam noon sa mga kapitbahay kong nakatingin. Hindi ko na inisip pa ang aking kahihiyan. Ang tanging bumabalot sa akin noon ay ang takot kong muling mag-isa. Hindi na ako sanay na ako lang. Hindi ko na alam kung paano pa magsisimulang muli. Mahal ko siya. Hindi man siya nagiging fair sa akin pero masaya ako sa mga ipinaramdam niya sa akin. Hanggang sa sumakay siya sa naka-park na sasakyan. Nakita ko ang baklang iyon. Ibig sabihin alam ng bakla na ako ang talunan. Iniutos ng bakla na hiwalayan na lang niya ako. Ramdam ko ang pagkatalo. Hindi ko lang alam kung paano ko tatanggapin. Kung paano akong magsisimulang muli. Bumalik ako sa kuwarto ko. Iniiyak ko ang lahat. Isinigaw ko ng paulit-ulit ang galit. Minura ko siya  at ng baklang kasama niya. Minura-mura ko ang sarili kong nagpapakatanga. Alam kong katangahan na ang ginagawa ko pero bakit hindi ko kayang kontrolin ang aking sarili? Bakit hindi man lang ako nag-iwan ng kahit katiting na respeto sa aking sarili? Tinungo ko ang aking banyo. Pinagmasdan ko ang duguan kong labi. Umiyak pa rin ako ng umiyak sa harap ng salamin. Gusto kong makita ang mukha kong nasasaktan. Baka sakaling kapag nasaksihan ko na ang sarili ko sa kalunos-lunos na katangahan ay magigising na agad ako sa katotohanan. Ngunit bakit parang hindi pa rin? Bakit ang kulit pa rin ng ng aking puso? Bakit hindi kayang gapiin ng damdamin ko ang tama at dapat na naiisip ko? Ngayon ko na lubos naiintindihan si Mama. Namamana ba talaga ang katangahan? Nasa dugo ko ba ag pagiging sawi sa pag-ibig? Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Laging siya pa rin ang nasa isip ko. Mabilis akong nagbihis. Kinuha ko ang mga gamit niya sa bahay. Isinilid ko iyon sa bag. Lahat ng luma niyang damit, lumang sapatos at tsinelas. Gusto kong may dahilan ang pagpunta ko roon kahit alam ko sa sarili kung bakit ako pupunta. Desperado pa rin akong makausap at mapabalik siya sa akin. Pinuntahan ko siya sa madalas kong pinaghahatiran sa kanya. Kumatok ako. Umaasang hinatid lang siya ng bakla niya sa bahay na nirerentahan nila ng kinakasama niya. Sana nakauwi na siya. Pinagbuksan ako. Kilala ako nang nagbukas ng pintuan dahil madalas na siya din ang nagbubukas kapag dinadaanan ko si Mark. Isa pa, estudiyante ko rin siya sa isang subject kaya nahihiya din siya sa akin. “Nandiyan si Mark?” seryosong tanong ko. “Wala siya rito, Ma’am.” “Pwede bang hintayin ko na lang siya sa kwarto niya. Tutal ako naman ang nagbayad diyan.” “Sarado ‘yon, Ma’am.” “Sarado o ibabagsak kita?” “Ma’am, malilintikan ho ako kay Mark niyan Ma’am” “Mamili ka, malilintikan ka sa kanya o malilintikan ka sa akin.” “Ma’am, huwag naman, Ma’am. Sabihin ko na lang pong dumalaw ka Ma’am,” pakiusap niya. “Tumabi ka. May karapatan ako sa kwarto niya dahil akong nagbayad niyan. Oo alam kong diyan din nakatira ang kinakasama niya ngunit anong karapatan nilang tumira sa kwartong sa akin kinukuha ang pambayad?” Walang nagawa ang binatilyo. Pailing-iling lang siyang tumingin sa akin. Hindi na ako kumatok pa. Mabilis kong binuksan ang di naman pala naka-lock na kwarto. Kahit alam ko na ang ini-expect kong makikita ko sa loob pero nagulat pa rin ako sa naabutan ko. Walang pang itaas na damit si Mark at nakakandong ang buntis niyang bata pa na kinakasama niya. Naglalambingan silang dalawa. "Tang-ina, anong ginagawa mo dito!" gulat na sambit ni Mark. "Akala ko ba hiniwalayan mo na 'yang babaeng 'yan! Ano pang ginagawa niya rito?" saad ng asawa niya. Tumayo ito mula sa pagkakandong niya kay Mark. Masakit ang tingin niya sa akin. "Nagkalinawan na nga tayo di ba? Anong bang gusto mong mangyari ha! May asawa ako. Ikaw ang kabit dito. Nakita mo ba ha? Buntis na siya!” “Huwag kang mag-alala. Hindi ako magtatagal. Dinala ko lang ang mga gamit na naiwan mo sa bahay.” “Sige akin na ‘yan at makakaalis ka na.” kinuha niya ang bag. Ngunit imbes na ibagay ko ang bag sa kanya, sinunggaban ko na ang pagkakataong iyon para hilain siya at mabilis na mayakap. “Balikan mo na ako please,” bulong ko. Puno iyon ng pakiusap. “Tang-ina naman e. Bakit ba ang kulit mo?! Ilang beses ko ba sa’yong sasabihin na hindi kita mahal at wala akong pakialam sa’yo putang ina mo!” “Okey na ako, kahit anong gusto mo, handa kong gawin ang lahat. Please. Sabihin mo lang kung anong gusto mo.” “Pathetic! Napakadesperada mo naman sa asawa ko? Pinagbigyan ka lang akala mo sa kanya ka na. Pasalamat ka mapera ka kasi kung hindi, noon ko pa sinabi sa kanya na hiwalayan ka!” singhal ng babae. Nakakainsulto ang kanyang ngiti. Parang napakasarap lang niyang sabunutan pero nagpigil ako. Naroon ako para makipag-ayos kay Mark at hindi ang lumikha pa ng panibagong gulo. “Puwede ba Cindy! Tigilan mo na kasi ako! Utang na loob dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo." "Huwag mo naman gawin sa akin ito, Mark. Please? Nakikiusap ako." "Umalis ka na rito!" tinulak niya ako. “Hindi ipinapakiusap ang pagmamahal. Matalino ka e. Instructor ka di ba? Oh, nasaan na ‘yong pagiging edukada mo?” "Mark, hindi ko alam. Basta ang nasa isip ko lang ay yung ayaw kong mawala ka sa akin. Hindi ko kakayanin na isiping tuluyan ka nang hindi akin.” “Hindi ako kailanman naging iyo. Nagtatalik lang tayo. Ibinibigay ko ang katawan ko sa’yo kapalit ng makuha ko sa’yong pera. Hanggang doon na lang tayo. Hayan ha, tao na akong nakikiusap sa’yo. Tama na Cindy. Please! “Paano ba ako hihingi ng tawad sa'yo. Sabihin mo please. Gagawin ko lahat patawarin mo lang ako!" "Honey," tawag niya sa asawa niya. "Tumawag ka nga sa barangay. Dahil kung ako ang maglalabas nito ay baka bugbog sarado ang aabutin nito sa akin." Marahas akong itinulak palabas ng apartment nila. Pinilit kong humawak sa lahat ng puwede kong mahawakan ngunit malakas niya akong itinulak na may kasamang sipa. Narinig ko ang tawanan ng mga estudiyanteng kasamahan niya sa apartment. Pinagtatawanan nila ako. Noon ko sinimulang nagsisigaw. “Mga putang ina ninyo! Anong pinagtatawanan ninyo! Ibabagsak ko kayong lahat mga bobo kayo!” sigaw ko. “Mga bobo daw? E, ano yang ginagawa niya, katangahan din naman.” Narinig kong sinabi iyon ng isang estudiyante. “Tang-ina, sinong nagsabi no’n? Sino!” singhal ko. Nakita kong may nagvi-video sa akin. Hahablutin ko sana iyon nang mabilis silang nagtakbuhan sa kanilang mga kwarto. Muli akong hinarang ni Mark nang pigilan ko ang sinasabi niyang asawa niyang magtawag ng barangay. Alam ko kasing hindi pa sila kasal. Sinasabi lang ni Mark na kasal sila pero mukhang wala pang 18 ang kinakasama niya. “Alam mo, ito na yung pinaka-worst na relasyon ko sa lahat ng pineperahan ko. Ikaw na ang pinaka-worst na babaeng nakilala ko.” “Talaga? Naisip mo ba kung bakit ako ganito ngayon? Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko sa buhay? Alam mong mahal na mahal kita at ikaw lang ang meron ako. Sa’yo lang ako kumakapit. Sa’yo lang akong sumaya ng ganito. Hindi gano’n kadali na basta mo na lang ako bibitiwan. Madali sa’yo kasi hindi mo ako mahal pero paano naman ako? Bakit parang lahat ng nangyayari ngayon sa akin ay pinalalabas mong kasalanan ko? Hindi ako madali maggive-up, oo, pero tang-ina sobra lang akong nagmahal kaya ako nagkaganito.” “Kaya nga, di ba lahat ng sobra nakakasama. Kaya please, umalis ka na.” Hindi na ako sumagot pa. Humahagulgol na lang ako. Ramdam ko na noon ang pagod. Alam ko sa sarili kong hirap na hirap na din naman ako. Ipinipilit ko na lang ang hindi pwede. Inilalaban  ko na lang ang huli kong alas. Kalmado na ako nang dumating ang mga barangay. Sumama ako sa kanila ng maayos. Hindi na nagreklamo pa si Mark kaya ilang oras lang akong namalagi doon at pinauwi rin kalaunan. Kahit pagod na pagod na ako, dumadating pa rin yung lungkot ko at pangungulila. Sa tuwing tinatamaan ako ng depresyon ay bumabalik pa rin ako sa apartment nina Mark. Paulit-ulit ding sinasabi nang mga kasamahan niyang lumipat na si Mark kasama ng girl friend niya. Para maniwala ay pinapasok pa nila ako. Ipinakita nila ang bakante na ngang kwarto. Hanggang sa sumuko na ako na dapat noong gabi na naktulasan ko tungkol sa kanyag bakla ko pa dapat ginawa. Ganoon pala kapag lulong ka na sa maling pag-ibig? Sobra ka nang nagpapakatanga, hindi mo pa alam. Kahit alam mong ginagamit ka na, hindi ka pa rin bumibitaw. Kahit nandiyan na ang mga patunay, ayaw mo pa ring maniwala. Napakatanga ko talaga. Mabuti na lang tuluyan na akong iniwasan ng lalaking unang minahal ko kaya malaking tulong iyon. Mahirap, masakit at halos para kong ikamatay. Bumaba ang timbang ko. Napabayaan ko ang pagtuturo ko hanggang tuluyan akong natanggal dahil na rin sa mga kumakalat na video na pagwawala ko sa bar at ang pagwawala ko sa mismong apartment nina Mark. Pinagpistahan nila ang buhay ko. Kinutya ng netizen ang katangahan ko. Napakaraming basher sa f*******: ko. Pinagtatawanan nila ang aking pagkatao. Nag-deactivate ako para lang tigilan na nila ako. Hindi ako nag-f*******: ng Ilang buwan para lang makaiwas na mabasa ang kanilang mga pamba-bash. Ang lahat ng sakit na ginawa ni Mark sa akin ang naging sandata ko para makapag-move on. Ang katagahan ko noong ginawa ang nagbukas sa aking mga mata para itindig ang aking sarili. Buwan din ang binilang bago muling nakabangon. Tinanggap ko na lang na hindi na nga ako babalikan pa ni Mark. Na hindi naman talaga niya ako minahal. Na pera-pera lang namang yung sa amin. Ako lang yung tangang nagmahal. Ang nagpakagumon sa di naman talaga akin. Pwede pala iyon? Hindi lang pala bakla ang pineperahan. Wala din sa hitsura ng pagiging biktima. Nasa lungkot ng buhay. Nasa kahinaan ng puso. Nang pakiramdam ko, okey na uli ako. Naisipan kong mag-aaply na uli ng trabaho. Natanggap ako bilang IT sa isang malaking telecom company. Mas malaking sahod, mas magaang buhay. Nakalimutan ko na ang pagmamahal kay Mark ngunit hindi ang sakit ng kanyang ginawa sa akin. Ang tanging alam kong paraan para gantihan siya ay ang ayusin ang aking buhay. Gusto kong ipakita na hindi pa din ako talunan. Gagantihan ko siya sa paraang lalo pang pagpapayaman. Umayos ang buhay ko kasabay ng pag-angat ng aking career. Hindi nga talaga natutulog ang Diyos. Pinagpapala niya ang mga sinaktan at inapi. Napalitan ko ang lumang kotse ko na minana ko pa sa aking mga magulang. Isang magara at mamahaling SUV ang napili ko.  Nang minsang may nakita akong nagtitinda ng buko juice ay ipinarada ko ang aking sasakyan. Ibinaba ko ang salamin. “Kuya, pabili hong buko juice.” “Tigsampu po ba o… Cindy? Tang-ina ikaw nga Cindy!” Napalunok ako. Hindi ko inaasahang makita ko siyang muli sa ganoong pagkakataon. Natameme ako. Wala akong maapuhap na sasabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD