RAYMOND

2102 Words
Chapter 9 Cindy's Point of View Nang pakiramdam ko, okey na uli ako. Naisipan kong mag-aaply na uli ng trabaho. Natanggap ako bilang IT sa isang malaking telecom company. Mas malaking sahod, mas magaang buhay. Nakalimutan ko na ang pagmamahal kay Mark ngunit hindi ang sakit ng kanyang ginawa sa akin. Ang tanging alam kong paraan para gantihan siya ay ang ayusin ang aking buhay. Gusto kong ipakita na hindi pa din ako talunan. Gagantihan ko siya sa paraang lalo pang pagpapayaman. Umayos ang buhay ko kasabay ng pag-angat ng aking career. Hindi nga talaga natutulog ang Diyos. Pinagpapala niya ang mga sinaktan at inapi. Napalitan ko ang lumang kotse ko na namana ko pa sa aking mga magulang. Isang magara at mamahaling SUV ang napili ko.  Nang minsang may nakita akong nagtitinda ng buko juice ay ipinarada ko ang aking sasakyan. Ibinaba ko ang salamin para bumili. “Kuya, pabili hong buko juice.” “Tigsampu po ba o… Cindy?” nanlaki ang mga mata ng nagtitinda ng buko. “Tang-ina, ikaw nga Cindy!” Napalunok ako. Hindi ko inaasahang makita ko siyang muli sa ganoong pagkakataon at sa ganoon niyang sitwasyon. Natameme ako. Wala akong maapuhap na sasabihin. Itinaas ko ang aking salamin. Bumunot ako ng malalim na hininga. Nagulat lang ako sa biglaan naming pagkikita. Kinatok niya ako. Bakit nga ba ako iiwas? Bakit ako ang kailangang mahiya? “Mark,” Tumango lang ako. “Yung buo na lang, lagyan na lang sana ng straw kung meron?” magalang kong sabi. “Okey.” Matipid niyang sagot. Pinagmasdan ko siya habang kumukuha siya ng isang buong buko sa kariton niya. Wala na yung kapogian nito. Bungal na siya at sunog na ang kanyang balat. Sadyang napakabilis ng karma. Ang dating hinangaan kong kakisigan at kapogian niya ay pinanis na nang panahon at hirap ng buhay. May naulinigan akong iyak ng bata. Hinanap ko kung saan galing iyon. Nakita ko ang kasama niyang babae na noon ay may kargang sanggol bukod pa sa isang batang humihila sa blouse niya. Ang dating magandang girl friend niya, ngayon ay parang magbabasura na lamang. “Magkano?” tanong ko. “35 lang Cindy.” “Heto. Ingat at baka matapunan ka.” Magalang niyang pag-abot sa akin sa buko. Nakita ko ang panginginig niya. Hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso. “Hinahanap kita e. Kumusta na.” pinunasan niya ang kamay niya sa likod ng kanyang maong at kupasing short. “Bayad oh.” Inabot ko sa kanya ang isangdaan. “Keep the change.” Itinaas ko ang salamin ng aking kotse ngunit kumakatok siya. Ibinaba ko muli ang salamin. “Yes?” tanong ko. “Kumusta na? Baka pwedeng makuha ang number mo.” “Para saan?” “Para namang wala tayong pinagsamahan niyan e.” “Meron ba?” Pinilit pa rin niyang ngumiti. Kita ko ang kanyang pagkabungal. Biglang naisip ko kung ito na ba yung lalaking iniyakan ko noon at halos ikamatay. Hindi pala talaga siya worth. “Big time ka na pala talaga. Sa dati ka pa din ba nakatira?” “Pinaparentahan ko na ‘yon.” “Kaya pala iba nang nakatira nang pumunta ako do’n.” “Pumunta ka ro’n?” “Oo. Nagbabakasakali lang na hanapin ka.” “Hanapin ako? Bakit?” “Wala lang, baka lang…” “Baka lang pwedeng maging tayo pa? Baka lang babalikan pa kita? Baka lang pwede mo pa akong perahan?” “Hindi naman sa gano’n.” Ngumiti ako, “Gano’n yon Mark. Ganoon lang ako sa’yo noon.” “Alam ko namang mahal mo talaga ako eh baka naman pwedeng-.” “Yung bakla mo, anong nangyari?” “Wala na. Namatay sa sakit sa puso nang nalaman niyang nabuntis ko na si Lhyne.” “Lhyne? Yang asawa mo?” “Oo. Ano kita tayo mamaya?” “Bakit hindi ka nag-apply ng trabaho noon?” “Wala eh. Napag-tripan akong binugbog. Nasira ang ngipin ko pati mukha. Wala naman alam na gawin saka ayaw rin naman ni Lhyne na pumasok ako sa bar.” “Hindi k aba nakatapos?” “Hindi e. Nawala lahat nang nawala yung bakla ko at nawala ka.” “Iyon lang ba ang alam mong trabaho? Ang mangdenggoy?” “Grabe ka naman magsalita. Ano? Kita tayo mamaya?” “Mark, hindi sa iniinsulto kita ha pero tignan mo nga hitsura mo at hitsura ko, hindi ka ba nakaramdam man lang ng panliliit o kaya di ka ba tinatablan man lang ng hiya?” matapang kong sagot. Iyon na hiihintay kong pagkakataon. Ibibigay na ng langit sa akin na ibalik sa kanya ang lahat ng sakit na ipinadama niya sa akin nang panahong hawak pa niya ang buhay ko. “Mark ano ba! May mga bibili. Yung mga anak mo, gutom na wala pa tayong kita. Punyetang buhay ‘to oh!” singhal ng asawa niya. “Tang-ina naman, sandali lang! Sampalin kita diyan e!” Napailing ako. Huminga ng malalim. “Batuhin ko yang sasakyan na ‘yan punyeta ka!” singhal pa rin ng babae. “ Tang ina mo! Anong ginagawa mo diyan, ikaw ang magbenta!” Muli kong itinaas ang salamin ng aking sasakyan. Kahit pa kinakatok niya ako ay inabante ko na ang aking sasakyan. Kitang-kita ko pa ang lakad-takbo niyang paghabol sa akin. Itinapon ko sa nakita kong drum ang binili ko sa kanyang buko juice. Justice had been served. Bulong ko sa aking sarili habang nakangiti kong binilisan ang aking pagpapatakbo.   Ngunit sadyang hindi ka talaga napapasaya ng career mo lang at pera. Nang naghilom ang sugat at alam kog naghihirap na si Mark ay muli kong binuksan ang puso ko sa ibang tao. Minsan mapaglaro talaga ang tadhana. Makikilala mo ang taong mamahalin mo minsan sa mga lugar na di mo inaasahan. Sa bar ko nakilala ang sumunod kong pag-ibig. Dadaan lag dapat ako papunta sa CR ng mga babae nang nakita ko siyang parang lango sa alak. Para siyang lango sa alak noon dahil nakalabas nga ari niya na nakatutok sa urinal malapit sa pintuan at hindi niya isinasara ang pintuan. Medyo nakaharap pa sa akin. Nakapikit siya. Gusto kong hilain ang pintuan noon para hindi na siya masilipan ng mga dumadaan para natigilan ako. Napatitig ako noon sa alaga niyang sadyang talagang malaki at mataba. Hindi maugat katulad ng iba. Para akong asong laway na laway sa buto. Titig na titig ako dahil gusto kong ma-picture iyon sa utak ko. Biglang dumilat ang estrangherong lalaki at huli na nang ibaling ko sa iba ang aking paningin at dumaan na lang sana na parang wala lang. Nakakahiya kasi. Kababae kong tao, namboboso. Mabilis akong naglaka at pumasok agad ako sa CR ng mga babae. Doon ay napahawak ako sa aking dibdib. Natatwa. Kinikilig sa nagawa kong kalokohang. Hanggang sa nang matapos akong mag-CR ay lumabas na ako. Naabutan ko siyang nakasandal na sa pader. Parang hinihintay niya ako. Nakikiramdam siya dahil ang namumungay niyang mata ay nakatingin sa akin. “Sorry ha? Lasing lang. Pasensiya na kubg may nakita ka kanina.” Buo ang boses. Lalaking-lalaki. Kinilig ako. “Okey lang. Sorry din. Balak ko sanang isara yung pintuan ng CR ng lalaki kanina kaso-“ “Kaso ano? Nagustuhan mo ang nakita mo?” Ngumiti siya habang nilalaro niya sa kamay niya ang sigarilyong hindi pa niya nasisindihan. “Sige. Mauna na ako.” “Dito ka muna. May naghihintay ba sa’yo?” “May mga friends akong kasama.” “Boyfriend o friends lang.” “Friends lang.” “Friends lang naman pala e. Dumito ka muna. Wala rin kasi akong kasama eh.” Pinagmasdan ko siya. Ang gwapo talaga niya. Hindi ko na siya noon maiwan lalo pa't nakita ko na ang napakagandang hubog ng alaga niya, patay na patay ako sa lalaking-lalaki niyang tindig. Dahil maganda rin naman ako kaya nagiging pihikan din ako sa pagpili sa panlabas na anyo ng lalaking aking magugustuhan. Ang sa akin noon, basta guwapo at lalaking-lalaki, magiging patok iyon sa akin. Para makaiwas ako sa kanya, muli kong sinubukang magpaalam. Sumunod din siya sa akin. Binalikan ko ang mga kaibigan kong medyo lango na rin. Tinignan ko siya sa salamin ng bar. Tumingin din siya sa akin mula sa kanyang kinauupuan. Ako ang unang nagbaba ng tingin dahil kahit papaano ay nakaramdam din ako ng hiya at takot. Mukha kasing lasing pa siya. Ngunit sadya yatang may kapusukan talaga ako. Kinuha ko ang iniwan ko kaninang inumin at pasimple ko siyang tinignan habang tinutungga ko ang alak ngunit nasa tabi ko na siya. "Pasensiya ka na sa nakita mo kanina, Miss ha. Medyo hilong-hilo pa ako sa kalasingan.” Bulong niya. Naramdaman ko ang bibig niya sa aking tainga. May kung anong kuryente na dumaloy sa lahat aking himaymay. "Ayos lang." matipid kong sagot kahit nginig pa ako. Napakalapit na kasi ng kanyang katawan sa akin. Nagtinginan ang mga kaibigan ko. Ang ilan ay kinilig. “Nag-CR ka lang may nakilala ka na agad. Ipakilala mo naman kami,” biro ni Leigh, ang kasama ko sa trabaho. Hindi niya pinansin si Mond. Nasa akin lang ang kanyang buong atensiyon. "Raymond nga pala pangalan ko, Miss. Ikaw?" nakangiti siya. Buo ang mapuputi niyang ngipin. Lalo tuloy siyang pumogi sa paningin ko. Nakita kong nakalahad na ang kaniyang kamay. "Cindy." Inabot ko ang palad niya. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil. “Cindy,” tumango siya. “Magandang pangalan.” “Uyy ano ba, ikilala mo naman kami.” Pangungulit ni Leigh. “Raymond po, pwede bang ipagpaalam si Cindy sa inyo kung okey lang.” Nagkatinginan kami ni Leigh. Tumingin din sa akin ang iba pa naming kasama. “Well, si Cindy lang ang makakapag-decide if she wants to join you. Kung ayaw niya, pwede naman ako.” lantarang paglalandi ni Leigh. “No, si Cindy lang ang gusto ko.” Seryoso niyang sinabi iyon. Halatang napahiya si Leigh. “Pwede ba, Cindy?” Naalangan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pinandilatan ako ng mga friends kong mga bakla. Waring sinasabi nila na huwag kong sasayanging ang pagkakataon. I-go ko na dapat ito. “Sure,” sagot ko. Itinuro niya ang kanyang iniwan na table. Sumunod ako sa kanya. “Gusto mo bang dito lang tayo? Maingay? Magulo? Parang ang hirap kakuwentuhan ka? Gusto mo bang lumipat?” sunud-sunod niyang tanong kaya hindi ko siya agad masagot. Nabibilisan kasi ako sa pangyayari. Tinignan ko siya pataas-pababa. Mukha siyang mayaman. Mga kasuotan, relo, sapatos, damit at kulay pati ang kanyang kilos at pananalita mukha namang class. "May place ka?" diretsuhan niyang sagot. "Ha? Anong place?" hindi sa hindi ko alam ang tinutumbok niya. Nagulat lang ako na diretsuhan niyang pagsasabi ng ganoon sa akin. "Room? Condo? Bahay?” “Bakit?” “Sorry, baka nagkakamali ako ng akala pero nakita ko kasi kung paano ka tumingin kanina sa akin." Napakunot ako ng noo. Hindi ko kasi alam kung kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Muli akong tumayo para balikan na lang sana ang mga friends ko. "Okey. Sorry. Mali nga ako ng akala.” Tumango lang ako. “Nice meeting you, Cindy. I have to go. Akala ko lang kasi, may makakausap ako. May taong kahit papaano gusto akong pakinggan lalo na yung hindi ako huhusgahan. Yung stranger na hindi ako pipintasan sa mga pinagdadaanan ko. I have to go. Salamat ha?” Napakabilis ng pangyayari. Pumunta na siya agad sa counter para siguro magbayad ng kanyang mga nainom. Ako naman ay naiwan doon. Hindi alam kung babalik na ako sa friends ko. Pero nakakahiya yatang bumalik rin ako agad sa kanila lalo pa’t nakita kong marami sa kanila ang nainggit na nakilala ko si Raymond. Na sa dami namin, ako ang pinili niya. Ako ang natipuhan niya. Pagkabayad na pagkabayad niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Kumaway. Tinungo na niya ang exit ng bar. Parang bigla na naman ako nataranta. Paano kung siya na nga at ito lang yung chance na magkrus ang aming landas? Hindi ko basta pwedeng pakawalan ang isang pagkakataon. Hindi maaring pagsisisihan ko ang sandaling ito. "Ahm, Raymond, right?" Tawag ko. Hindi siya lumingon. Mukha yatang hindi na ako narinig. Binilisan ko ang aking paglakad para habulin siya. "Raymond! Wait!" Hinawakan ko ang braso niya. Mainit iyon. May kung anong kuryenteng naglakbay papunta sa akin. Huminto muna siya sa paghakbang. Lumingon at ngumiti. Kinindatan niya ako. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Gusto kong subukan muli. Sana ito na. Sana siya na nga talaga kahit hindi ko pa lubos na kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD