Episode 5

1740 Words
Episode 5 Warm Smile Towards JILLIAN felt so weird. I mean, for her, masyado ng kakaiba ang ikinikilos ni Jack. Hindi na ito yung normal na brat boy na si Jack. Hindi niya nornal na ginagawa na, pati itong tumatabi sa kanya. She always thought that this brat, is annoyed, and hated her presence. "Anong ginagawa mo rito, Jack?" mahinang tanong ni Jillian sa batang Jack na tila seryoso na naglalaro. They are on the same picnic mat. Nakapabilog sila sa pagkain. Nasa pagitan si Jillian ni Seb at Jack. "Bakit? Sa iyo ba itong park? Ha?" pabalang na wika ni Jack. He looks annoyed. 'Eh bakit ba nandito itong sutil na ito? Nakakasira siya ng laro! Dapat masaya ito e. Pati tuloy si Seb at Mey, hindi makaimik. Ang awkward!" ani Jillian sa isip niya. "Umalis ka nga rito! Nasisira laro namin e. Kanina ka pa niyaya ng mga kaibigan mo. Doon kayo, maglaro raw kayo ng videogames." Lalong nalukot ang mukha ni Jack. "Umuwi ka, tapos makikipaglaro ako sa mga kaibigan ko. Hindi ba, sabi ko huwag ka maglalaro rito!" sigaw ni Jack. Kaya naman nahihiya si Jillian. Nahihiya siya sapagkat dinig iyon ni Mey at Seb. "Umalis ka na nga rito Jack. Isusumbong talaga kita sa mga magulang mo! Wala akong pakialam sa gusto mo. Basta lubayan mo ako at lalayuan din kita." Kita ni Jillian ang pag-ismid nito at pagkrus ng mga braso. "Thrn I will play here." 'Yabang talaga.' Wala ng nagawa si Jillian. Nagsimula na silang kumain ng miryenda. Masama man sa loob ni Jillian ay pinakilala niya si Jack kay Seb at Mey. "Seb at saka Mey. Ito pala si Jack. Anak ng Ninang ko. Sa kanila ako nakatira." "Nice to meet you kuya Jack!" magiliw na sabi ni Mey. Tumango naman si Jack. "Nice meeting you too." Tipid naman na ngumiti si Seb. "Seb." Pero hindi naman nagsalita si Jack. Nabastusan doon si Jillian para sa kaibigan niya. 'Bwisit talaga itong sutil na ito. Sana umuwi na siya. Nakakasira siya ng laro. Panira siya ng araw!' Nagsimula na silang kumain. Nakakakwentuhan niya madalas si Mey. Habang hindi naman pinapansin ni Jillian si Jack na kung ano-ano ang ginagawa, para mainis siya. Kaya naman namumula na ang mukha ni Jillian sa inis. "Ang sarap naman ng cookies na ito, ate Jillian! Saan po ninyo binili! Magpapa-buy din ako kay Mommy!" magiliw na saad ni Mey. May hawak ito na dalawang cookies sa kamay. Natawa naman si Jillian. Kinuha niya ang isang panyo at saka pinunasan niya ang labi ni Mey na makalat din na kumakain. "Ang kalat mo kumain Mey, haha. Actually, hindi ko naman binili iyang cookies na iyan e. Ako ang nag-bake niyan... Heto o, kuha pa kayo. Ikaw Seb, gusto mo pa?" tanong ni Jillian. Tumango naman si Seb. Kaya naman kukunin na sana ni Jillian ang basket na may sampo pa ata na piraso ng cookies. Ang kaso inagaw na ito ni Jack. "Jack!" babala ni Jillian. "Ibigay mo nga iyang basket ng cookies. Ang dami mo ng kinain kanina a? Baka naman sumakit ang ngipin mo niyan? Mapapagalitan pa ako kay Tita Ninang at Tito Ninong!'' "But I want more!" saad ni Jack. Sa isip ni Jillian ay umiiral na naman ang pagka-brat nitong bata na ito. "Ang dami pa niyan Jack. Huwag ka masyadong swapang! Akin na!" Ang kaso ay tumakbo na ito. Napailing na lang si Jillian at binalingan ang dalawa. "Pasensya na kayo roon ha? Ganoon talaga iyon, suwail. Palibhasa ay spoiled siya, tapos madalas na brat. Hindi na ata magbabago iyon e." "Okay lang. Gusto mo ba sa bahay namin tayo maglaro bukas?" aya ni Seb. Inisip niya na pwede naman siguro. Kung papayagan siya ng mga foster parents nito. "Magpapaalam muna ako a? Hindi pa sure. Pero gusto ko," ngiting saad ni Jillian. "Yehey! And thank you ate. Laro tayo sa room ko ha? May mga barbie roon, tapos mag-tea party tayo. Tapos ate, please? Bake ka po ng cookies kapag ganon. Tapos papatimpla ako ng hot choco sa yaya namin. Ha? Ate?" sabi ni Mey. Natawa na lang si Jillian. "Haha, Mey, wala namang problema sa akin iyon e. Sige, magbe-bake pa ako ng maraming chocokate chip cookies. Dadagdagan ko rin ng muffins at cupcakes. Ha?" Mukhang natuwa naman si Mey, at kita naman iyon ni Jillian. Nagsalita naman si Seb. "Jillian, baka makaabala naman kami sa iyo, ah?" Natawa naman siya ng mahina. "Hindi ah, ayos lang iyon. Masaya kaya ako na may natutuwa sa mga bini-bake ko." Bandang before lunch ay umuwi na si Jillian. Sabi niya ay bukas naman. Hindi kasi mahilig si Jillian na maglaro sa tuwing hapon na. At saka gustong-gusto ni Jillian na natutulog sa tuwing tanghali, mahilig siyang mag-siesta. Antukin talaga si Jillian e. Pagkauwi niya ay kumain na siya ng tanghalian. Wala pa si Jack, nasa kaibigan daw. Tapos iyon naligo na si Jillian at saka natulog. Ang sarap nga ng tulog ni Jillian. Napagod kasi siya sa kakalaro nila kanina. Kahit pa nasira iyon, dahil nga sa batang sutil- na ang pangalan ay Jack. KINABUKASAN ay naabutan niya ang tita ninang niya at tito ninong na nasa kusina. Nag-uusap ang mga ito. Hindi na lang siya nakinig. Hindi kasi ugali ni Jillian na mag eavesdropping. Turo kasi ng mommy niya, na masamang makinig sa usapan ng mga matatanda. Nagpatimpla na lang siya ng hot choco at saka pumunta sa garden. Doon siya nagtungo. Malamig kasi ang hangin sa labas. Nais ni Jillian na langhapin ang malamig na hangin sa umaga. Ang sarap ng hangin. Iniisip ni Jillian na isnag buwan na lang pala ay pasukan na. Mag-iiba na naman siya ng buhay. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula ulit. Another set of friends? Another adjustment? It is all blurry to her. She wish that she can get throught with all of it. Hindi namalayan ni Jillian na katabi na pala niya si Tita Ninang niya. "Pwede bang makiupo ija?" tanong ng ginang sa kanya. Jillian cannot help to be amazed with the Filipina beauty of her Ninang. Mestisa, bilugan ang mata, at hindi mo aakalain na may anak na demonyito at kampon ng kadiliman. "Pwede naman po Ninang." "Hot choco again? Mahilig ka pala talaga sa tsokolate. Mahilig din ang anak ko diyan sa tsokolate. Narinig ko na nagustuhan niya yung ginawa mong chocolate cookies. Napakagaling mag-bake ng Mommy mo, noong nabubuhay pa siya. Malamang ay namana mo ito. "Medyo lang po." Nalungkot bigla si Jillian. Hindi ganoon kadali na mag-adjust para sa kanya. She still feels the sadness. May mga 'sana' pa rin siya. May mga nararamdaman pa rin diyang hinanakit. Pero hindi na lang niya ito pinapakita. She feels that she needs to be strong, if she wants to survive this loneliness. Gusto niyang tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanan na maikli lang ang buhay ng tao. At madaya ang tadhana, dahil maagang kinuha Niya, ang magulang ni Jillian. "Kung hindi naman nakakahiya sa iyo Jillian. Can you bake again? For my son? Bukas na ang birthday nito. Gaganapin sa hotel na pagmamay-ari namin. Can you do it? Okay lang naman if hindi. Nalaman ko lang kasi na, gustong-gusto ito ng anak namin." Agad naman ng sumang-ayon si Jillian. Nakakahiya namang tumanggi. Dahil napakabait ng pamilya o mag-asawang Thompson sa kanya. They welcomed her. Kaya para sa utang na loob ay ginawa na niya. At isa pa ay para rin sa brat boy na iyon daw. Para may regalo na siya. "Okay lang po sa akin. Gagawin ko na po mamaya para po makarami ako ng bake. Wala pong problema iyon, hehe." "Thank you Ija. Magpatulong ka na lang sa mga maid. Para ma-assist ka. Okay?" "At saka pala Ninang. May itatanong po sana ako, kung pwede po?" sabi ni Jillian. Ngumiti naman si Mrs. Thompson. "Sure ija, anything. Ano ba iyon?" "Kasi po, gusto ko pong makipaglaro sa bagong mga kaibigan ko rito sa subdivision. They are inviting me on their house. Pwede po ba?" tanong ni Jillian. "Sino ba yung mga new friends mo ija?" "Seb and Mey po. Diyan lang po sila. Sa pagliko ng bahay po ninyo." "Ahh,I see. Yung anak ng Hapon na si Mr. Yamamoto. Natatandaan ko na. Okay lang sa akin. Basta huwag masyadong late, umuwi sa oras at ihahatid sundo ka ni Manang Mabel. Dala mo rin lagi amg phone mo in case of emergency, and contact us. Okay?" sabi ni Mrs. Thompson na ikinatuwa naman ni Jillian. She is happy to know it. Na payag ito. "Maraming salamat po!" AFTER lunch ay ginawa ni Jillian ang mga cookies at isang box ng muffins. Nagpatulong si Jillian kina aling Mabel at ate Rose. Para mas mabilis ang pag bake ng mga ito. She is satisfied with her baked goods. Kaya naman sa araw ng party ay kinakabahan si Jillian. She is now on the hotel. Suot niya ang white dress na binigay sa kanya ng Ninang niya. It is simple. Pero dahil sa ganda ni Jillian ay mukha itong espesyal. Kaya rin naman marami ang pumupuri sa kanya. At nakadikit lagi sa kanya ang birthday boy, na mukhang Biyernes Santo. "Bakit ganyan ang mukha mo, Jack?" tanong ni Jillian. "Wala." Tiningnan naman niya ang paligid. Other girls like her age, shows insecurity towards her. Habang ang ibang lalaki ay tahasan na pinapakita ang crush nila kay Jillian. For Jillian, ayaw niya sa mga events na ito. Kasi nakikita niya yung mga bata na may magulang pa. And she kept being insecure and jealous to them. They are still family. Kaya naman gusto ng umalis ni Jillian. Kung hindi lang nakakahiya sa mga foster parents niya. Kinuha na ni Jillian ang regalos niya para sa birthday boy na kakatapos lang magsalita para sa birthday niya. Binata na ito. Sana mag-isip mature siya... Para kay Jillian. Ibinigay na ni Jillian ang gift niya. It is a simple gift. Chocolate chip cookies at isang box ng muffins. "Ahh, Jack. Happy birthday pala. Sana magustuhan mo ang regalo ko. I know that it is not value that much. But I give an effort just for that." And Jillian didn't know how to react anynore. Ngayong may ngiti sa labi ni Jack. It is new to Jack. A genuinely smiling Jack. A Jack with a warm smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD