Episode 4

1768 Words
Episode 5 Young Burning Light JACK definitely hate when someone outsmart him. Ayaw na ayaw niyang nalalamang ng kung sino man. Bata pa lang siya, selfish na ito. Brat, and he admit it, so what? Palibhasa ay nag-iisang anak siya ng Mommy at Daddy niya kaya naman laki siya sa luho. Sanay siya na nasusunod ang gusto niya. He is a bit manipulative and very immature. Nalaman na lang ni Jack na namatay ang isa sa mga ninang niya. He felt sad that time, but his sadness turns into a grudge, noong malaman niya na aampunin ng mga magulang niya yung anak ng namatay na ninang niya. Ulila na kasi raw ito. She remembered that girl. Nagkikita lang sila tuwing Pasko o kaya naman ay may lakad ang mga Mommy nila. Laging napapatulala sa ganda ni Jillian si Jack. Jack always felt that abnormal heartbeat towards that little girl. It is an admiration that time. A puppy love? 'No!' Sa isip ni Jack. 'Kinukulam ako ng babae na iyon,' said by his little immature head. Kaya naman pilit na umaakto si Jack kay Jillian na parang kinaiinisan niya ito. Para magkaroon siya ng dahilan para kausapin ang bata Jillian. The boastful, arrogant and brat little Jack is shy towards that beauty. Sa isip ni Jack ay aminado naman siya. Jillian is so beautiful. Bata pa lamang siya ngayon. Pero kakikitaan na siya ng natatanging ganda. Yung ganda na lilingunin ng kahit sinong lalaki. Kaya nga naiinis siya kapag may ibang batang lalaki na gustong makipaglaro kay Jillian. He hates that thought, that someone wants to steal that girl's attention. The young mind of the young Jack is full of question right now. But one thing is cleared for him. Masama ang epekto ni Jillian sa kanya. Para kay Jack, isang lason si Jillian na kung patuloy na papasok sa sistema niya. Hindi niya alam kung ano ang kalalabasan nito. Poor young boy. Lumabas ng kwarto si Jack. It is late in the morning. Napuyat na naman kasi siya kagabi. Not because of video game, or paglalaro ng kahit ano. Napuyat siya sa kakaisip ng kung anong ginawa niya kagabi. He is damn so embarrassed. Nahihiya siya na nilapitan niya kagabi si Jillian. And not just that! Kinausap pa niya. Hindi niya kasi maiwasan na hindi tiningnan ang maamong mukha ni Jillian kagabi. Na para bang ang repleksyon ng buwan ay sinisinagan ang magandang mukha ng batang babae. That night, on the yes of little Jack, Jillian is the pretties girl alive he have met. Kaya hindi alam ni Jack na nalapitan na niya kagabi si Jillian, and made a little conversation. Paglabas ni Jack sa silid ay nagtungo na siya sa hagdanan. In his mind, alam niya na wala na ang mga magulang niya. Maybe they are out for their family business. Sanay naman si Jack. Hindi naman siya nagkukulang ng atensyon sa mga magulang niya. Pagpunta niya sa kusina ay pinaghanda agad siya ng mga maid doon. They offered pancakes and cereals. Hindi ito kumakain ng kanin at ulam sa umaga. Masyadong raw mabigat sa tiyan ito para kay Jack. While he is enjoying his food, agad siya natigilan sa pagsubo noong maamoy niya ang mabanong aroma ng isang pagkain na paborito niya. 'Cookies! Chocolate cookies!' Iniwan ni Jack ang pagkain niya at pumunta sa kusina. He is craving for cookings. He won't let this day pass na hindi kumakain ng paborito niyang pastry. Pagpunta niya sa kusina ay bumungad sa kanya si Jillian kasama si Manang Mabel. They are baking... Nagmamasa ng dough si Jillian habang may ngiti sa labi nito. She is pretty too for Jack. Suot kasi ni Jillian ang isang cute na Hello Kitty na apron. And Jack admits, that Jillian right now is ao gorgeous. Young, vibrant and happy. He describe. Ngayon lang halos nakita ni Jack na nguniti ng ganoon si Jillian. A smile that almost make his heartbeat skip. He doesn't understand the emotion that is playing inside of his young heart. Nilabanan ni Jack ang emosyon niya. Pumasok ito sa kusina. He is watching that girl baking. May cookies sa lamesa. Nakalagay ito sa isang basket at mukhang masarap! He is silently wanting to munch those cookies. At parang mas espesyal pa ito sapagkat si Jillian ang nag-bake ng mga ito. Walang paalam na kumuha si Jack ng cookies sa lamesa. Kaya naman kita ni Jack ang paglukot ng magandang mukha ni Jillian, na kanina lang ay masaya ito. "Hoy, huwag mo namang ubusin," inis na sabi ni Jillian sa binata. Kaya nilayo ni Jillian ang basket kay Jack. Jack felt a bit annoyed with that. Nakakalimang piraso pa lamang siya! He wants more, because those cookies are so delicious! Matamis pero tama lang, may nutty flavor at tila ba crunchy and yet soft sa loob. Gusto pa niya! "Huwag mo nga akong pagdamutan. I want more!" inis na saad ni Jack. He is now turning into his usual brat mode. "Bakit? Nasarapan ka ba sa cookies ko. At saka huwag ka basta-basta kukuha ng hindi sa iyo... Magpaalam ka naman, okaya humingi ka. Bibigyan namna kita eh. Okay?" sabi ni Jillian. Jack is now embarrassed. But he won't say those words out loud! "Ha! Bakit ko naman sasabihin na masarap ang cookies mo? Hindi naman masarap e. Too sweet for my taste. At bakit naman ako hihingi sa iyo? This is our kitchen, I bet those ingredients you used are ours! Kaya may karapatan ako sa mga cookies na iyan. Akin na iyan!" animo ay brat na saad ni Jack kay Jillian. Napailing na lang si Jillian. ''You know what? You are so annoying! Akala ko pa naman bumait ka na kagabi. Malaki pa rin pala ang sungay mo." Nakita ni Jack na bumaling si Jillian kay Manang Mabel na iniwan na ang mga nagbabangayan na bata. "Manang, pabantay na lang po itong mga cookies na ito. Ibigay niyo na lang sa batang uhugin na ito. Baka umiyak e." At saka na umalis si Jillian at iniwang tulala si Jack. 'Did she talk back?' "Ayaw ko na sa cookies mo! Hindi naman masarap e!" pahabol na sigaw ni Jack. Pero sa loob-loob niya ay gusto pa niya ng cookies. Those cookies are heavenly and delightful. Kaya naman kahit na kita ni Jack na natatawa si Manang Mabel, dahil parang ewan si Jack na hinihintay na maluto yung mga cookies. He waited, he patiently waited for those cooking. Those are so especial for him. At noong lumamig at naluto na ang mga cookies. Para lang dumaan sa plato ang mga ito. Ang bilis naubos. And that thing made his day. He is now ready to annoy some other kids on their village. Kilala kasi siya na batang maraming kalokohan. Lumabas si Jack na masaya. Pero nag-iba ang timpla ng mukha niya noong makita niya si Jillian na palabas ito sa bahay. May dalang basket ng mga cookies. 'Saan naman kaya pupunta ito? Hindi naman siguro...' He wants to confirm his theory. Ayaw niyang isipin na tama siya. Pero malakas ang kutob ni Jack. Para tuloy siyang isang stalker sa babaeng gusto niya. He never did this before. Pero hindi alam ni Jack kung bakit nga ba niya ginagawa ang bagay na ito. It is so weird for him. Natigilan na lang si Jack noong makita niya si Jillian na nasa partikular na bench katulad kahapon. Kasama na naman ni Jillian ang batang babae at yung singkit na lalaki na iyon. Jack suddenly felt the sudden change of mood. It turns sour and bitter. He hates that Jillian is laughing with that Kid! He doesn't want Jillian to laugh with another boy. He felt bad, he felt weirdly jealous. His young heart is turning insane with the same young girl, with undenial young beauty. Kaya nilapitan niya si Jillian and then decided. SHE decided that morning, she will bake some goods for his new friends. Kaya naman excited na bumangon si Jillian. Naabutan niya pa ang ninang at ninong niya na paalis. She bid goodbye and go straight to the kitchen. "Good morning po, Manang. Magbe-bake po ako. Mayroon po ba kayong mga ingredients diyan?" tanong ni Jillian kay Manang Mabel. "Good Morning din ija. Ano bang ingredients ang kailangan mo? Titingnan ko kung mayroon tayo." She recited her needs for baking some chicolate chip cookies. Butter, flour, chocolate... She remember that chocolate chip cookies is the favorite snack of Jillian and her Dad. Mag-aagawan pa sila sa isang piraso, tapos tatawanan lang sila ng Mama niya. She remember that days. Ang bilis, parang kahapon lang ay napakasaya ni Jillian. Ayaw niyang sirain ang araw niya. Ayaw niya munang malungkot ngayon. Kaya sinimulan na niyang gawin ang dapat niyang gawin. Buti at kumpleto ng ingredients kaya naman mabilis siya nakapag-bake. She is wearing Hello Kitty apron na regalo pa ng yumao niyang magulang. Matapos niyang ma-bake ang unang set ng cookies niya ay malaki ang ngiti ni Jillian. Tama lang ang pagkakaluto. Masarap, tama lang ang tamis, at and texture? Sobrang sarap! Ang Mama niya ang nagturo sa kanyang mag-bake. Kaya sobrang espesyal ng cookies na ito. It hides some good menories with his diseased parents. Okay na sana ang mood niya e. Kaso um-epal ang anak ni Taning na si Jack, para kay Jillian. That guy is so evil and at wala pang manners. Hakot na hakot ng cookies ni Jillian. Kaya naman inis na inis ang batang babae. Nagkasagutan pa nga sila e. Pero hindi nagpatinag si Jillian. She talk back to that brat, and she is proud. Matapos makaligo at makapag-ayos ni Jillian ay bitbit na niya ang basket na maraming cookies. Pumunta sa kusina si Jillian at tinanong ni Jillian kay Manang kung nasaan ang mga cookies. "Manang, nasaan na po yung mga cookies? Ubos na?" Nakangiti si Manang Mabel. "Hay na 'ko Jillian. Inubos nga ni Sir. Mukhang sarap na sarap sa cookies mo. Alam mo bang tinambayan pa niya iyang oven para hintayin ang mga cookies mo?" Jillian cannot help but to feel proud to herself! 'That brat, aayaw-ayaw pa siya sa mga cookies ko. Pero inubos naman niya pangit pala ang lasa a?' Umiling na lang si Jillian habang nakangisi. Lumabas ng bahay at saka pumunta sa park. Hindi nga siya nagkamali. Nandoon ang magkapatid! Nilapitan niya ang dalawa. Seb is smiling, mas gumwapo ang chinitong ito sa paningin ni Jillian. And Mey is so cute with her pink dress. Okay na sana ang lahat. Ang kaso may um-epal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD