Chapter 24

1584 Words
Lorraine's POV "Oooopsss .." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko silang nakatingin sa aming dalawa.Sigurado akong pulang pula ang mukha ko sa kahihiyan.Si Seije naman ay tumahimik lang at sumandal sa pader na parang walang nangyari.Hindi man lang ba siya nahiya sa kanila?Ghad.They saw us kissing ..na parang walang bukas. "A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko pero hindi naman ako makatingin ng diretso sa mga mata nila.Hiyang hiya ako,gusto ko nalang lumubog ngayon dito sa kinatatayuan ko. "Well,bibisitahin ka sana namin.Bawal ba?" Lumapit si Misty doon sa side table ko at kumuha ng isang mansanas. Pinunasan niya ito gamit ang laylayan ng suot niyang t-shirt bago ito kinagatan. "Hindi naman pero paano kayo nakapasok dito?" Tanong ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukha namang wala silang balak magsalita ng kung ano tungkol sa nakita nila. Kinakabahan kasi ako at baka asarin nila ako dahil sa nakita nila. "Nakabukas kasi yung gate niyo kaya pumasok nalang kami.Tao po kami ng tao po eh wala namang sumasagot tapos balak ka nalang sana naming i-surprise pero kami pa ang nasurprise." Napangiwi ako.Bakit kailangan pa niyang sabihin yun?Pakiramdam ko tuloy pahiyang pahiya ako sa kanilang tatlo.Samantalang parang wala lang pakialam si Seije na nakatayo at nakapamulsa.Pero bakit ang gwapo niya pa rin?Kahit anong ayos niya walang pagbabago sa itsura niya.He looks like a greek god,handsome is an understatement. "Bakit naman kasi bigla kayong napadalaw?" Tanong ko nalang habang sinusubukan kong itaboy yung awkward atmosphere.Ayoko nito. "Hindi ka kasi nagpaparamdam.Akala tuloy namin kung ano nang nangyari sayong masama." Pagkabanggit doon ni Aubrey,bigla nalang kaming nagkatinginan ni Seije.Oo nga pala,hindi nila alam ang nangyari.Pero dapat ko pa bang sabihin? Mukhang nakuha naman ni Seije ang ibig iparating ng tingin ko sa kaniya dahil umiling siya.Meaning to say,hindi ko na dapat pang sabihin sa kanila.Kung sabagay,may mga bagay na dapat ding itago.Isa pa,kapag sinabi ko sa kanila ay baka mag-freak out lang sila at mag-alala.Tapos naman na eh,dapat ko na rin sigurong kalimutan na nangyari yun. Binigyan ko si Seije ng isang tipid na ngiti bago ako muling bumaling sa mga kaibigan ko. "Kumain naba kayo?" Tanong ko. "Pagtiyatiyagaan ko ba 'tong mansanas na'to kung kumain na kami?" Misty answered sarcastically.Napangiti nalang ako.Parang namiss ko rin sila. "Hm.Sige,ipagluluto ko kayo.Tara sa baba." "Kami nalang ang magluluto." Pagvovolunteer ni Claire.Tinignan ko sila Aubrey at tumango naman sila. "Osige,tara sa baba." "No.What I mean is kami nalang.Maiwan muna namin kayo ni Seije dito.Ituloy niyo na yung--" Natigil si Claire sa pagsasalita nang pinanlakihan ko siya ng mata.Nakakainis naman eh!Kailangang i-bring up ulit? Nagpeace sign naman siya.I sighed. "Osige na,mauna na kayo sa baba.Magbibihis lang ako." Naalala kong naka-pajama pa nga pala ako. Tumango naman sila at nagsilabas na sa kwarto ko.Tinignan ko si Seije dahil hinihintay kong lumabas din siya pero nakipagtitigan lang din siya sakin. "Uhm,magbibihis ako." Sabi ko.Akala ko lalabas na rin siya pero nagulat ako nang umupo siya sa kama ko. "Go on." I looked at him in disbelief. "Seryoso kaba?" Tanong ko. "Aine ano mo ba 'ko?" "Asawa." Mahina kong sagot. "Yeah,we're married.And starting today,let's make it real." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Anong ibig niyang sabihin dun?Oh ghad,pinagpapawisan na ako ha. "Come here." "What?" "Come here wife." Hindi ko alam kung bakit pero nang banggitin niya ang salitang yun,kusang kumilos ang mga paa ko at lumakad palapit sa kaniya.He stared at my eyes but this time,may kakaiba sa mga mata niya,something that I can't figure out.Ang alam ko lang,kinakabahan ako. Tumayo rin siya at pumantay sa akin.Hindi ko na malaman ang ibang detalye sa kung ano ang nangyayari.Ang alam ko lang,malakas ang kabog ng dibdib ko.At mas lalo pa iyong lumakas when he caressed my cheeks in a strange way that I felt goosebumps. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang mga labi niya sa labi ko.And I felt that sensation again.That tingling sensation that makes me want for more.Unknowingly,I pulled his head towards me to deepen the kiss.Hindi ko na pansin yung tangkad niya na kailangan ko pang tumingkayad para lang maabot ko siya.All I know is that I'm drowning with his kiss.This kissing monster is making me crazy. I'm actually ready.Alam kong hindi ito ang unang beses kung may mangyayari man sa amin.But this will be the first time that I will let him have me.He's right,we are married and I know this is my part. Pero hindi ko inaasahang titigil siya.He cupped my face and put his forehead over mine.Nagtatanong ang mga mata ko pero ngumiti lang siya at hinalikan ang noo ko. "This is not the time Lorraine.We'll get there,in time." Nauna ng bumaba si Seije,nandito rin kasi ang mga kaibigan niya.Nagpaiwan naman ako sandali para ayusin ang sarili ko.Naghilamos ako at saka humarap sa salamin and as I see my reflection,mukha ni Seije ang naiisip ko.Hanggang sa mapatingin ako sa labi ko at kitang kita ko kung paano mamula ang mukha ko. Maya maya lang din,I realized something.Napatitig ako sa sarili ko sa salamin. "Hindi ko siya gusto." Napahawak ako sa kaliwang parte ng dibdib ko,the exact place where I always feel those irregular heartbeats.Saka ako napabuntung-hininga. Yung pagbilis ng t***k ng puso ko,yung pamumula ng mukha ko at yung kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko kapag nandiyan siya ..they are all the signs that I'm inlove with him. Hindi ko siya gusto dahil mahal ko siya,mahal ko na siya.Pero paano ko sasabihin yun sa kaniya?Paano ko sasabihing mahal ko na siya?Paano kung ..paano kung hanggang pagkagusto lang ang nararamdaman niya sakin? Naghilamos ako ulit.No,alam kong hindi malabong mahalin niya rin ako.I should look at the positive sideof this story.Isa pa,mahal ko siya,mahal ko siya at hindi ko hinihiling na mahalin niya rin ako. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na rin ako sa kusina para tulungan sila Claire.Nadaanan ko pa sila Tyler na naglalaro ng playstation sa sala.They waved at me and I waved back.Papasok na ako sa kusina nang matigil ako sa tapat ng pinto dahil sa mga narinig ko. "I'm not good with this.Bakit ba hindi nalang natin sabihin sa kaniya?" I heard Aubrey's voice na parang naiinis and at the same time ..frustrated.Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila kaya hindi nalang muna sana ako papasok pero natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ko. "Lorraine might freak out.Paano natin ipapaliwanag sa kaniya na gangster ang asawa niya at miyembro pa ito ng Gangster Mania?Paano natin ipaiintindi sa kaniya na wala silang--" Napahawak ako sa gilid ng isang lamesa at hindi ko sinasadyang matabig yung flower vase.Nabasag ito at lumikha ng ingay na nagpatigil sa kanilang tatlo. And as if on cue ay sabay sabay silang napatingin sa direksyon ko.Para namang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita kong rumehistro ang takot sa mga mata nila.Pinatunayan lang nilang hindi biro ang mga narinig ko. "A-Aine .." Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanila. "Gangster Mania?" Halos ako nalang ang nakarinig sa sinabi ko.Hindi ako makapagsalita dahil pilit kong nilalabanan ang pagbagsak ng mga luha ko. "Aine .." Pero hindi ko na rin napigilan nang makita kong nangingilid ang luha sa mga mata nila.My tears fell hanggang sa manlambot ang mga tuhod ko at mapaupo nalang ako sa sahig. Agad silang nagsilapit sakin pero hindi ko magawang magsalita.Naitakip ko nalang ang mga kamay ko sa mukha ko.And then the memories of the past rushed vividly to my mind. "Good catch!Good catch!" Isang maputing lalaki na may kataasan at kung titignan ko ay kaedad lamang ng kuya ko ang pumapalakpak at tila natutuwang makita ako ngayon.Matipuno ang kaniyang pangangatawan at napansin ko ring may tattoo ng isang korean symbol siya sa braso. Pero nabuo ang takot sa buo kong katawan nang maunawaan ko ang symbol na yun.Nakita ko na rin yun noon,isang araw na lumabas ako ng bahay at may nakita akong nakaparadang kotse sa tapat ng bahay namin.May tatak na ganoon sa harap ang kotse.Hindi ko lang nakilala ang sakay nun dahil tinted ang bintana.Pero sigurado akong nakita ko na ang symbol na yun. "Nuguseyo?!" [Sino ka?] Sigaw ko habang palapit siya sa akin.Pero hindi siya natinag,sa halip ay nginitian niya pa ako.Parang nagtayuan naman ang mga balahibo ko. Nakakatakot siya,nakakatakot ang aura niya. "Gaseyo!" [Lumayo ka sakin!] Sigaw ko ulit nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.Pero marahas niyang iniangat ang mukha ko sa pamamagitan ng paghawak sa baba ko.He didn't speak but he's staring at my face like he's examining me. "Dangsineun areumdapda." [You're beautiful] Lalo akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko.Natatakot ako na baka kung ano ang gawin nila sakin. "Nuguseyo?" [Sino ka?] Pinilit kong salubungin ang tingin niya.Kailangan kong malaman kung sino siya. "Naneun Jeong Min Lee imnida.Mannaseo bangawoyo Lo Rin." [I'm Jeong Min Lee.It's nice to meet you Lorraine.] Jeong Min Lee.Wala akong kilalang Jeong Min Lee.Sino ba siya?Anong kailangan niya sa akin?Napatingin ako sa mga lalaking dumating kaya napatingin din siya sa kanila.Sinenyasan niya ang mga itong lumapit at nang makalapit na sila,nakita kong may tattoo rin sila sa braso katulad ng tattoo ng sa palagay ko ay leader nila. Nag-usap sila pero hindi ko na narinig pa kung anuman ang sinabi niya sa kanila.Ang alam ko lang,iniwan niya ako sa mga lalaking iyon.At ang tagpong iyon ang pinaka hindi ko malilimutang sandali sa buhay ko. Hindi na kaya pa ng utak ko ang mga ala-alang bumabalik sa isip ko.The memories are stil fresh at natatakot ako,nang marinig ko ang mga salitang iyon ay biglang nabuhay ang lahat ng takot sa katawan ko. And before I knew it,everything went black. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD