Lorraine’sPOV
Unti unti kong dinilat ang mga mata ko pero mas naramdaman ko ang pagsakit ng panga ko at ang paghapdi ng balat sa pisngi ko.
"I’m glad you're awake Aine." Nagulat ako nang makita kong nakaupo si Lance sa isang upuan sa tabi ng kama.Agad akong napaupo bago ko inilibot ang paningin ko sa lugar at nalaman ko nalang na nasa bahay niya ako.
"Lance." I called his name.Tinignan niya ako,pero maya maya lang din ay tumayo siya at niyakap ako.Doon na rin ako nagsimulang umiyak. "Lance ." It felt safe to call his name.
"Sshh.Aine,don't cry.Stop crying." He said as he caress my back.Gustuhin ko mang tumahan pero hindi ko naman magawa.Hindi ko nga alam kung ano bang iniiyakan ko,kung yung presence ba niya o yung nangyari kagabi,o lahat na ng nangyayari ngayon.Ang gulo kasi,everything seems like a blur.
"Hush now.Tell me what happened."I closed my eyes.Dapat ko bang sabihin sa kaniya?Pero kasi parang mali e.Wala siyang kinalaman at ayokong maging problema niya ako.Lance Fukuda is a good guy,maalalahanin at maalaga.He's close to perfect,those things I failed to appreciate.
"Sinaktan kaba niya?Sinaktan kaba ng asawa mo Aine?" Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako agad nakasagot.Hindi ko alam ang sasabihin ko,ayokong magsumbong,alam kong mali yun pero .."Sinaktan ka niya." Pero alam kong malalaman din niya.Lance Fukuda is my bestfriend.He knows me well na kaya niyang tukuyin ang isang bagay sa pamamagitan lang ng mga nagiging reaksyon ko.
He cupped my face and wiped the tears down my cheeks, "Stop crying.I'll talk to him."
Agad naman akong nagreact. "No Lance.Wag na.I can handle that.Please?" Ayokong madamay si Lance.I believe Seije is different,iba siya and he's different in his own way.Hindi sila pareho ni Lance.Lance is ..well restrained and calm.While Seije is ..way scarrier.Natatakot ako na baka saktan niya si Lance,I don't want that to happen.
Tinitigan niya ako as if calculating the looks in my eyes.Then he pulled me again for another hug."Okay.But next time he'll hurt you,ako mismo ang magfafile ng divorce para sa inyo."
Tumango ako at yumakap din sa kaniya.I badly want to strangle myself dahil tinanggihan ko ang arranged marriage sa aming dalawa.Kung sa kaniya ba ako nagpakasala,masaya kaya ako ngayon?I sighed.That’s possible,kasi alam kong mahal naman namin ang isa’t isa kahit na hanggang pagkakaibigan lang.And I am certain na hindi malayong matutunan ko din siyang mahalin.But that will never happen now,because I’m married to someone.Someone who can actually hurt me just like a piece of cake.
Maya maya ay biglang may kumatok sa pintuan."Kuya?"Tinignan muna ako ni Lance bago niya pinagbuksan ang kapatid niya.
"Bakit Leigh?"
"May mga tao po sa baba." Bigla namang sumilip sa akin si Leigh.
"Hinahanap po nila si ate Aine."
Agad kaming nagkatinginan ni Lance tapos tumingin naman siya ulit sa kapatid niya."Wag ka ng bumaba Leigh,go to your room.Kami na ng ate Aine mo ang bahala sa kanila." Tumango lang si Leigh tapos ay umalis na rin.Isinara ni Lance ang pinto at kaagad na lumapit sa akin."I think I know who are they.Just stay here--" Natigil siya nang hawakan ko ang dalawang kamay niya.
"Lance sasama ako." Hinawakan niya rin ang kamay ko.
"Aine --"Pero hindi ko ulit siya pinatapos. "Please."
I saw hesitation in his eyes pero later on,tumango nalang siya.Agad akong bumaba sa kama.Ayokong si Lance lang ang bumaba para sa kanila.Natatakot ako sa pwede nilang gawin sa kaniya.Natatakot ako kasi hindi ko pa sila ganoon kakilala.
Hawak ni Lance ang kamay ko nang lumabas kami ng kwarto niya.Kinakabahan ako habang pababa kami sa hagdan.Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari nanamang hindi maganda ngayon.Natatakot na ako.
Humigpit ang hawak ni Lance sa kamay ko nang makababa na kami.At hindi ko alam kung bakit nagtago ako sa likod niya nang makita ko si Seije at ang mga kaibigan niya na naghihintay sa amin sa sala.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako.
Katahimikan.Walang kahit anong ingay akong narinig sa nakalipas na limang minuto.Hindi ko alam ang nangyayari dahil nakatago ako sa likuran ni Lance.Pero habang tumatagal,habang wala akong naririnig na nagsasalita ay mas tumitindi ang kabang nararamdaman ko.At mas nadoble pa iyon nang marinig ko ang boses niya.
"Let's go home Lorraine." Ganun lang ang sinabi niya pero parang naninikip na ang dibdib ko,hindi ako makahinga.It was like his stern voice is enough to induce fear on my body.
"Hindi siya sasama." Nagulat ako nang sumagot si Lance.No Lance,please wag ka nang magsalita,parang awa mo na.Humawak ako sa braso niya at bumulong. "Lance .."
"Wag kang makialam.Iuuwi ko na ang asawa ko." And then,in just a blink of an eye,he was infront of us,holding my arm but not pulling me totally,because Lance held my left arm."Para ano?Saktan mo ulit?Who--"
"Lance." I stop him.Tinignan ko siya at alam kong naintindihan niya ang gusto kong mangyari.Pero umiling siya.Wala na akong nagawa kundi ang tanggalin na mismo ang kamay niyang nakahawak sa akin.I’m doing this for his own sake.Natatakot akong baka kung anong gawin nila sa kaniya.Sana maintindihan niya.I gave him an apologetic look and then I faced Seije.
Pero nang magtama ang mga mata namin,nang makita ko ulit ang mga matang yun,para akong pinanlambutan sa takot.Bigla ko nalang naramdam ang pag-ikot ng paningin ko.Pero naging mabilis si Seije at nahawakan niya kaagad ako sa bewang.I even heard him cussed.
Mabilis ding nagreact si Lance pero tinapunan lang siya ng isang masamang tingin ni Seije.Nagulat nalang ako nang buhatin niya ako kaya napahawak ako agad sa batok niya. "Let's go."
Wala na akong nagawa dahil tangan niya ako.Tinignan ko nalang si Lance at nakita kong nakatingin lang din siya sa amin.I sighed.Atleast he's safe and now,I’m back to my husband,to my scary husband.
**