Maaga akong nagising kinabukasan para maghanda ng almusal namin. I'm used to it, dahil wala rin naman kaming maid sa dorm at ako din naman lagi ang unang nagigising.
Besides, marami akong kailangang gawin ngayong araw. Ihahabol ang mga photoshoot ko para sa monthly release ng CALM magazine. It's a magazine that features the four biggest models of our agency, and it's also named after us.
Tambak ang photoshoots ko at rehearsals na rin para sa mga upcoming mall tours dahil naging abala ako sa mga nakalipas na linggo dahil sa nangyari. Ni hindi na rin ako nakapag-attend ng catwalk na ginanap noong nakaraang araw.
Isang simpleng almusal ang inihanda ko, bacons and eggs at nag-brew na din ako ng kape, just in case Seije likes coffee. Pagkatapos magluto ay bumalik ako sa kwarto ko upang maligo at magbihis.
Paglabas ko ng aking kwarto ay siya ring paglabas naman ni Seije sa kaniya. Bahagya pa akong natigilan nang magtama ang mga mata namin. Sinikap ko lamang ngumiti upang bumati.
"Good morning,"
Tila wala naman itong narinig at nagdiretso ito kaagad sa pintuan ng unit. Humabol ako upang ipaalam na naghanda ako ng breakfast.
"Uhm I cooked breakfast," alanganin kong sinabi.
Tumigil ito at lumingon, halos mapaatras ako sa malalamig nitong mga mata. "I don't eat breakfast."
Iyon lang at pagkatapos ay umalis na. Ni hindi man lang nito sinabi kung saan pupunta. Napahinga ako ng malalim nang mag-isa kong harapin ang mga pagkain sa lamesa. So much for you effort Lorraine, bigla tuloy ay namiss ko ang mga co-models ko.
Nang matapos kumain ay naglinis ako sa kusina. Alas-otso nang bumusina ang van ng agency na maghahatid sa akin patungo sa studio. Pagdating doon ay kinausap na ako agad ng manager ko tungkol sa mga schedule ng photoshoots, malltours at catwalks na dadaluhan ng CALM. Nakinig naman ako at binasang mabuti ang schedule.
"How's married life Aine?" Tanong ng manager ko.
Ngumiti ako, "Okay naman po." I lied. Ayoko namang ipagsabi pa na hindi kami okay ng asawa ko.
Tumango ito, "Ikaw nalang ang may photoshoot today dahil nauna na ang tatlo. You can proceed to the studio and get started para maaga kang matapos at makauwi."
Tumango ako at nagpasalamat. So far, iyon lang pala ang gagawin ko ngayong araw. Hindi rin naman mabigat ang mga susunod na araw at may mga bakanteng araw din ako na palagay ko ay gagamitin ko nalang sa gym.
Natapos ang photoshoot nang alas-onse. Mas mabilis iyon dahil ako lang mag-isa ang inaayusan at kinukuhanan. I tried to call Misty to know where are they pero palagay ko ay nagsiuwi sila ngayon sa kani-kanilang mga bahay. It's our rest day, dalawang araw iyon na nakalagay sa aming schedule.
Nagpasya nalang akong umuwi at sa bahay ko na rin balak maglunch. Kailangan ko pa ding ayusin ang mga gamit naming inilipat doon.
Hinatid ako ng van sa bahay. Nagluto ako ng pananghalian at pagkatapos ay nagsimula na sa mga dapat gawin. Hindi pa kumpleto ang mga gamit sa bahay. Mom said I should choose them on my own dahil hindi niya naman alam kung ano ang mga gusto ko.
Kaya naman nag-online shopping ako ng mga furnitures at ilan pang mga gamit sa bahay. Nag-enjoy ako ng husto kaya hindi ko na namalayan ang oras. Natigil na lamang ako sa pagsscroll sa online site nang magring ang phone ko sa isang tawag.
It's an unregistered number at ang unang pumasok sa isip ko ay si Seije kaya naman sinagot ko iyon kaagad.
“Hello?”
"Lorraine Park?" Boses iyon ng lalaki pero hindi iyon si Seije.
"Yes this is Lorraine speaking, sino po sila?"
"Shaw Park, my sister-in-law."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam na may kapatid siya dahil wala namang dumating noong kasal at nagpakilala at wala ring nabanggit ang parents niya.
"Uhh..sorry hindi ko alam na may kapatid pala siya. Anyway, he's not here right now."
"Oh, ofcourse he didn't tell you." He chuckled, "And I couldn't attend your wedding because I was away. I called right now to congratulate you."
"Thank you, ayos lang din naman kung hindi ka nakarating dahil biglaan din ang kasal." I wonder if he knew about the reason? He was away he said, alam niya kaya?
"I would like to atleast meet you if that's okay? I met my brother earlier and I already congratulated him. I just want to meet you."
Tumingin ako sa aking relo, "Ngayon ba? Hindi naman ako busy kaya ayos lang." At curious din naman ako. Seije is kind of aloof but his brother seems like friendly.
"Yeah kung ayos lang sayo?"
Sa huli ay pumayag ako dahil wala din naman akong iba pang gagawin dito sa bahay. And I think it will be nice to meet his brother para naman may malaman akong mga bagay tungkol sa kaniya. I'm just really curious about Seije.
Tyler'sPOV
"Bro wag kang madaya!Talo kana e!" Eto nanaman at nagkakadayaan nanaman kami sa baraha.Talaga ‘tong mga ‘to.
"Loko ka Brent!Habang may buhay may pag-asa."
"Ulol!" Binato naman siya ng baraha ni Brent.
“Oy mga pare may natuklasan ako.”
“Ano?” Sabay naming tanong ni Brent kay Kysler.
“Yung mga cute pala palaging busy?” Sagot niya habang nakahawak pa sa baba niya.
“Ano?Pano naman nangyari yun?” Tanong ni Brent.
“Sandali tol,mamaya ko na iexplain busy pa ‘ko.”
Pinagbabato namin siya ni Brent ng baraha.Siraulo e.Ang lakas talaga ng topak niyan.Maya maya pa ay dumating si Drake na tila nagmamadali at inilapag ang isang papel sa harap namin.
“Ano ‘to tol?”Sabay sabay naman nila akong binatukan.“Aray ha!Bakit niyo naman ako binatukan?!”
“Gunggong ka kasi,kitang papel yan nagtanong ka pa!" Binatukan din siya ni Kysler.
“Isa ka pa e!Use your brains naman mga pare!”
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na napahiyaw. “WOAH!KYSLER MERON KA NUN?!”
“Mga sira!”
Napailing nalang ako sa kagaguhan namin.Dinampot ko na yung papel at binasa ng malakas ang nakasulat.
“Another name for the death list.”
Nagkatinginan naman kami.“Saan galing ‘to Drake?” Tanong ko.
Umupo siya sa couch at kumuha ng beer bago sumagot.“Sa labas ng pintuan.”
“Galing sa mafia?”Nagkatinginan kami ulit.Anong another name for the death list?Sinong pwedeng idagdag doon that concerns us?
Parang sabay sabay na may mga bombilyang umilaw sa tuktok ng mga ulo namin nang mapatingin kami kay Seije.Could it be?That’s possible!Wala namang ibang pwedeng idagdag sa death list kundi ang asawa niya!
He just shot us a bored look na parang alam niya na rin ang tinutukoy ng black note.Pero wala man lang pagbabago sa ekspresyon nito.Wala talaga siyang pakialam?
"Pare,kakakasal mo lang.Sino bang pwedeng idagdag sa deathlist kundi ang asawa mo?"Biglang sabi ni Drake.Tumigil naman si Seije atsaka kami tinignan.
"Wala akong pakialam."
"Seryoso ka ba?Asawa mo pa rin yun ah" Dugtong ni Drake.
Ilang sandali kaming natahimik lahat.Silang dalawa lang naman ang magkalapit ang ugali.Sa isa’t isa lang din sila nakikinig.Maya maya pa,tinungga nalang ni Seije yung beer niya atsaka tumayo at dire-diretsong sumakay sa motor niya.Nagkatinginan kami bago nagpasyang sumunod sa kaniya.
Medyo malayo rin ang tinakbo ng mga motor namin pero magkakasunod lang din kami sa kalsada,mas mabilis lang si Seije.Nang huminto siya sa tapat ng isang bahay ay huminto na rin kami.
Sumunod kami agad sa kaniya nang pumasok siya.Naabutan nalang namin siya na nagmumura sabay tapon sa isang papel na pinulot ko naman at binasa ang nakasulat.
Seije!Hindi ko alam number mo eh kaya sulat nalang ha?Wag kang mag-alala,kasama ko kapatid mo.I’ll be safe,ikaw din.
Natawa tuloy ako.Mukhang cute at walang kaalam alam sa asawa niya itong si Lorraine.“Aba Seije!Hindi yata takot ang--” Natigil ako sa pagsasalita.Tinignan ko ulit ang nakasulat sa papel at napamura nalang din ako.She’s with Shaw!
*
Puta,dalawang oras na kami dito sa bahay nila pero wala pa ring Lorraine na dumarating.Aish!Saan ba dinala ng hinayupak na Shaw na yun ang asawa ni Seije.Kung hindi pa kami pinadalhan ng note ng mafia na yun hindi pa namin malalamang magkasama ang dalawang yun!Right,mafia.Hindi lang simpleng mga gang ang kalaban namin.We fight,but not with just plain gangsters,but with a powerful underground society.
Pinagbibintangan si Seije sa pagkamatay ng isang importanteng tao sa loob ng society nila at dahil dun kaya kami hinahabol ng walangyang mafia na yan.Naghahire sila ng mga assasins para ipapatay kami pero hindi sila nagtatagumpay kaya ang mga inaatake nila ay ang mga taong mahahalaga sa amin.Hindi ko rin alam kung bakit pumapalpak ang mga hinahire nilang assasins,madali lang namin silang napapatumba o di kaya naman may kakaiba na sa kanila kapag nakakaharap namin sila.Parang may sumasabotahe lang din sa mga ipinapadala nilang assassins.
Maya maya,huminto ang isang pulang Bugatti peyvron sa harapan namin.Alam na alam namin kung sino ang may ari ng kotseng yan.Ang lakas ng loob niyang iparada pa yan sa harapan namin.
Agad na lumapit si Seije at sinalubong ang papalabas palang na si Shaw.“Nasaan siya?”
Ngumisi si Shaw.“Akala ko ba wala kang pakialam?” Nakangisi ito na parang demonyo.
“NASAAN SIYA?!” Kasabay nun ay pinakawalan ni Seije ang isang malakas na suntok na tumama sa mukha ng kapatid niya.Napaupo naman ito sa lakas ng impact.
Maya maya pa,lumapit si Seije sa sasakyan ni Shaw at binuhat si Lorraine palabas na walang malay,pero mukha namang nakatulog lang ito.Nagsimula nang maglakad si Seije papasok ng bahay nang muling magsalita si Shaw.
“I like her.”
*