Chapter 2

1937 Words
"Mommy..” Mom cupped my face. "Everything's gonna be alright my princess." She smiled at me. I returned a smile of relief. And after what happened, mom remains strong for me. I sighed as we go back to our table. We're having dinner with 'his' parents. They offered our marriage and mom accepted it ofcourse for my sake. A week had already passed since what happened. Sa isang linggong iyon ay halos gumuho ang mundo ko. I was completely drunk that night but I know I wasn't really forced, kaya hindi ko masabing rape ang nangyari. I completely remember how I responded to him and even when it hurts to know that I gave my virginity to someone I don't know, I am still at fault and I'm aware of that. We couldn't sue him, we were clueless of what we should do for days. Nagkaroon kami ng meeting ng manager ko, she can't remove me as a model dahil pag-aari ni mommy ang agency but I will have to rest. Kung hindi mahahanap ang lalaki at mapapanagot ay kailangan kong magpahinga, iyon ang gusto ni mommy. Alam ko sa sarili ko na walang pananagutan ang lalaki. We were both drunk and in a club, it's more of a one night stand. Wala akong karapatang maghabol dahil hindi naman ako buntis at malabong mangyari iyon because I take pills regularly. Ang naging problema ay ang nakatakdang pagpapakasal ko kay Lance, sa bestfriend ko. We couldn't tell his family yet pero nasabi ko na ito sa kaniya. He was furious but he said he will still marry me if we push the engagement, bagay na hindi ko pa rin mapag-desisyunan. And mom changed her mind. She wants to find the guy and make him marry me.  Two days ago, we asked for the CCTV footage at the club. Misty helped us with its owner kaya hindi kami nahirapan. We watched the CCTV footage that night and it turns out that the owner of Elixir Club knows the guy. He said he's a friend and he visits the club almost every night and he's popular. Pero sa halip na ang lalaki ang kausapin ay mas minabuti ni mommy na mag-reach out sa mga magulang nito. Bago ang dinner na ito ay kinausap na sila ni mommy ng personal. I found out that his parents are mom's colleagues wayback in college. Hindi sila close pero they knew each other. His parents were in shock but they wanted to meet me too, kaya narito kami ngayon sa isang restaurant.  "I know my apologies won't take back the time but I'm still sorry hija." His mom looked at me apologetically. "Seije is quite a rebel and it has been really hard for us to tame him. He engages on dangerous things like drifting and gambling. He's way out our hands hija." Napatango ako, halos hindi makapaniwala.  "Still, we want him to settle down and maybe we can also do it this way. We can marry you to my son hija, if you will accept it." Nilingon ko si mommy. Should I really marry him? Nginitian ako ni mommy. "We should marry them as soon as possible then?" Tanong nito sa mag-asawa. I sighed. Then I'm really marrying him. I wonder, is this better than marrying Lance? Si Lance na tatanggapin ako, si Lance na mas kilala ko, si Lance na mas mapapanatag ako. But I think he doesn't deserve me, kung ayaw kong pakasal sa kaniya noon ay mas ayaw ko na ngayon. Hindi ko kayang samantalahin na tanggap niya ako. All of these happened dahil sa kapabayaan ko sa club ng gabing iyon, kapabayaan namin ng lalaking iyon, kaya kami ang dapat na magsama at magdusa sa kasalanang ginawa namin. "Aine?Anak?Are you listening?" I returned back at my senses when I felt mom's hand on my back. I saw worry in her eyes and I don't like that. Ayokong masyadong mag-alala si mommy sa akin.  "What is it mom?” I asked. "Can we plan the wedding right now?" Tita Sandra asked. "Can we..can we plan it even when he's not around? I mean..we're not sure yet if he's marrying me.." She smiled at me, "It's hard to tame Seije but we can find a way to marry him off. Matagal na naming sinasabi sa kaniya na naghahanap na kami ng mapapangasawa niya, he didn't show any action against it so I think it's fine with him." "Besides mas hindi iyon makakatanggi kung ikaw ang pakakasalan, we will call him right now so he can come and plan with us." Dagdag naman ng kaniyang ama. Halos masamid ako doon. Ngayon agad ang pagplaplano? At hindi ako handa, hindi pa ako handang makilala siya ngayon. "We're doing this for the sake of your name Lorraine, your mom told us about your modeling career." Tita Sandra flashed a smile at me. Hindi ko naman mapigilang hindi humanga sa itsura niya. She's beautiful and very elegant, kitang-kita ang karangyaan sa kutis ng kaniyang balat at pananamit. Tito Ed beside her looks completely the same, iyon nga lang ay medyo singkit ito dahil half Korean pala sila.  Tumango ako. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil naiintindihan nila kami ni mommy. And I think they really want to marry off their son. Kumain kami habang hinihintay ang lalaki. Nagkwentuhan din sila mommy at Tita Sandra tungkol sa college days. Kahit hindi sila close noon ay masasabi kong okay sila sa isa't-isa. I heard ka-batch din nila si Tito Ed. Halos katatapos lang naming kumain nang dumating ang isang lalaki sa aming table. Sa tangkad at tikas ng katawan nito ay nalaman ko kaagad na siya iyon. Idagdag pa ang pabango niyang pamilyar na sa aking pang-amoy. Ipinakilala ito ng kaniyang mommy, "This is Seije hija." Sinikap kong ngumiti kahit na hindi ko alam kung bakit abot-abot ang kaba sa aking dibdib lalo nang tapunan ako nito ng tingin. His eyebrows shot up like he recognized me. He smirked, umupo ito matapos maipakilala. Ipinaliwanag ng mommy niya ang lahat habang ako'y nakatitig lang sa kaniya. He really looks good, handsome is understatement. Ang makakapal na kilay nito ay nagdedepina sa kaniyang madidilim na mga mata. His jaw looks rough, and even his facial features. Sa ilang taon ko bilang modelo ay hindi pa ako nakakita ng ganito ka-perpektong mukha. Agad akong nagbawi ng tingin nang sumulyap ito sa akin. Hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan, ni hindi ko namalayang nakatitig nalang ako sa kaniya. Inabot ko ang isang basong tubig at ininuman iyon. Nagplano ang aming mga magulang para sa kasal habang tahimik nalang kaming sumasang-ayon ni Seije. Hindi ko alam kung bakit hindi siya tumatanggi kahit na nakikita kong hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. Sa huli ay napagdesisyunang gaganapin ang kasal sa susunod na linggo. It will be a church wedding at mayroon kaming isang linggo upang maghanda. Bukas ay magpapasukat na ako ng gown at imimeet ang mga wedding organizers.  Hindi ako makapaniwala. The last time I remember ay ayaw ko pang ikasal, I went to the club to forget a bit pero mas lumala ang sitwasyon at ngayon ay ikakasal ako sa lalaking hindi ko kilala. * Engrande ang naging kasal. Maraming kilalang pangalan ang dumalo, be it from the modeling industry from my side to business tycoons from Seije's side.  Everything went so smooth, katulad ng plano ay akala ng lahat na ikinasal kami dahil mahal namin ang isa't-isa. Seije's kiss was really intense at alam kong laman iyon ng dyaryo at magazines sa isang buong linggo. We went to Ariara Island in Palawan for our honeymoon. Hindi ko alam kung bakit ipinilit pa ng mga magulang niya ang honeymoon gayong alam naman nila ang katotohanan. Ang sabi nila'y makakatulong daw iyon para makilala namin ang isa't-isa at magkaroon kaagad ng magandang memories. Bagay na hindi naman nangyari. We actually spent three days in that place doing our own things. Halos hindi nga kami magkita. Hindi ko naman inaasahan na magkakapalagayan kami agad ng loob, especially that he looks so aloof and scary. Itinuring ko nalang na bakasyon ang honeymoon na iyon. Kailangan ko rin naman mag-unwind matapos ang mga nangyari. Maybe I don't really have to treat Seije as my husband, maybe we should just be civil with each other. Nang makauwi kami sa Manila ay kinailangan na naming tumira sa iisang bubong, a thing that horrified me so much. I've been living with my co-models in a dorm and now I have to move out. Isang bahay ang regalo sa amin ni mommy na hindi ko inexpect. Buong akala ko ay ayos lang kung hindi kami magsasama. Do we really have to work out?  Tinignan ko si Seija nang nasa sasakyan na kami patungo sa aming magiging bahay. I have never heard him saying a thing against all of these kaya hindi ko alam kung dapat ba ay ganoon din ako?  Nang makarating kami sa bahay ay naging maayos naman. There were enough rooms at sinabihan na rin ako ni mommy na kung hindi ako magiging kumportable na magsama kami ng kwarto ay pwede naman akong humiwalay at iyon ang ginawa ko. Seije took the master's bedroom habang ang isang kwarto naman ang inokupa ko. We never talked the whole time at naging maayos naman ako. I think that's better than trying to converse with him. Kung doon kami kumportable ay ganoon na nga lang siguro. Drake's POV "Tol, hindi ka pa ba uuwi?Baka hinihintay kana ng asa--" "Shut the fvck up Tyler!" Asik nito kay Tyl.(Pronounced as Tile) Nagkatinginan nalang kaming apat at saka tumahimik.Masama pa rin siguro ang loob niya sa kasalang naganap.I understand him pero it’s the consequence for his carelessness.Seije is a man who doesn’t care about how many girls are there on his bed.Ang mahalaga,makalimot siya.He keeps on doing things to forget about the past. That night,nung may mangyari sa kanila nung babae,lasing na lasing kaming lahat.It was the second death anniversary of the girl he loves,the reason behind his foolishness now.Kaya siguro hindi na rin niya alam ang nagawa niya.Mapili rin kahit papaano sa babae si Seije at alam niya kung sinu-sino ang dapat at hindi dapat isama sa mga babaeng dinadala niya sa kung saan man. His parents knew all of his shits.Ilang beses na silang gumawa ng paraan just to keep him away from all of these pero lahat naman yun ay nonsense.They can’t keep him away from womanizing,fighting,drinking and all of his stupid stuffs.And we’re not like the type of friends who’ll push him to the light.We’ll go wherever it takes us to be together.It’s a brother’s code. Maya maya biglang tumahimik sa loob ng bar,dahilan para mapatingin kami sa kung sino ang dumating.Hindi na kami nagulat nang makita namin sila.Parte na ng sistema namin ang makita ang mga nakakabwisit nilang mukha na akala mo naman ay kung sino silang magaling. Pinanood lang namin ang leader nila nang lumapit ito kay Seije at tumayo sa harapan niya.Hinihintay lang namin ang mga sumusunod na mangyayari na para bang nanonood kami ng sine. Maya maya ay bigla nang nagsalita si Shaw. "Kamusta ang bagong kasal?" Tanong nito kay Seije na abala sa pakikipaghalikan sa babae niya.Tumigil naman ito sandali at tinignan si Shaw,isang naka-iinsultong tingin. Ganun lang pero hindi sumagot si Seije.Tahimik lang ang mga tao sa barat walang may gustong gumawa ng ingay dahil lahat sila takot mapagbalingan ng dalawang grupo. "Pasensya na kung hindi ako nakarating sa araw ng kasal mo.May mahalagang bagay lang akong ginawa.Wag kang mag-alala kapatid,babawi ako sa inyo ng asawa mo." Walang kabuhay buhay na tinapunan namin siya ng tingin.Siraulo talaga 'tong kuya ni Seije.Palagay ba niya matatakot niya si Seije sa ganiyan lang?Hindi ko alam kung paano ba sila naging magkapatid e.Pero oo nga pala,magkapatid sila but it’s an entirely different case. "Wala akong pakialam." Simpleng sagot ni Seije bago bumalik sa ginagawa niya.Parang tanga namang ngumiti si Shaw."Alright.Sinabi mo yan ha." And then they stormed out. Napailing nalang ako. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD