Chapter 4. Immortals: The Arrival

2229 Words
King Dylan Duevez ay isang malawak na lugar sa loob ng kaharian kung saan ang mga imortal ay malayang makapag-ensayo at hasain ang kani-kanilang kapangyarihan. Isa itong patag na lugar na may malawak na espasyo at napapaligiran ng samu't saring bulaklak at kakaibang puno na nagtataglay din ng gamot sa kung sinomang nilalang ang dapuan ng malubhang karamdaman. Araw ng pagdating ng mga imortal na taga-lupa kaya naman ang lahat ay naghahanda at nag-aantay sa kanilang pagdating. Ang bawat isa ay may tungkulin at ang mga nilalang na higit kong pinagkakatiwalaan ay inatasan kong mag-ensayo sa mga imortal na parating. Kasalukuyan akong naririto sa Duevez at mag-isang nilalaro ang apoy sa aking palad. Ipinagsasalit-salitan ko ito at sa bawat hagis ay may abo na nahuhulog mula sa nagliliyab na apoy. Isa iyon sa dahilan kung bakit kinahuhumalingan ko na mag-ensayo at hasain ang sarili kong kapangyarihan. "Kamahalan, dumating na ang mga imortal na taga-lupa," ani ng isang kawal na ngayo'y na sa 'king likuran. "Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ko habang unit-unting sinasara ang mga daliri kong naglalabas ng apoy. "Opo, Kamahalan. Ngunit may isang nilalang na taga-lupa ang nagsisisigaw kanina, mabuti na lang ay napakalma ito ni Haring Spencer." nang sabihin niya 'yon ay agad akong natigilan. "Papuntahin mo silang lahat dito ngayon din," utos ko. "Masusunod, Kamahalan." mabilis itong umalis. Sandali kong inihanda ang aking sarili, at wala pa man ilang minuto nang umilaw bigla ang kwintas na suot ko. Muli, puti at pulang pagkislap ang makikita rito. Pero bakit? Anong kahulugan nito? Maya-maya lang ay nakarinig ako ng yapak ng paa mula sa mga paparating. Humarap ako sa mga ito, wala pa man isang minuto nang makuha ng isang babaeng taga-lupa ang atensyon ko. As soon as our eyes met, I knew the way of desire between us. Titig na titig ako sa kanya't 'di ko magawang alisin ito. Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko palapit sa kinaroroonan niya, at sa bawat yapak kasabay nang pagtitig sa kanya'y ramdam ko ang kakaibang pintig ng puso ko. I stood in front of her. She stared at me for a while, her eyes piercing through my soul. I felt a shiver run down my spine. The dark orbits of her deep black eyes make me feel vulnerable. Para akong isang libro na unti-unti niyang binubuklat upang salubungin ang bawat pahina habang binabasa ang bawat salita. Nagawi ang tingin ko sa 'king kwintas at laking gulat nang makitang patuloy pa rin ito sa pagkislap. Muling napunta ang seryoso kong tingin sa babaeng taga-lupa. It felt like a few minutes had already passed out but, none of us was willing to break a contact. Hindi ko mawari kung minsan na ba kaming nagkita dahil sa unang pagtatagpo pa lamang ng mata namin kanina ay para bang napaka-pamilyar ng mukha niya. "Siya si Samara," sambit ng kapatid kong si Spencer. Pinakatitigan ko ito at sinubukang basahin ang kanyang pagkatao upang kahit papaano'y magkaroon ako ng idea kung ano at saan ang tunay niyang pinagmulan pero… laking gulat nang mabigo ako. Hindi maaari. Sinubukan kong basahin ang pagkatao ng aking kapatid, nakita ko ang nakaraan nito kasama ako. Isa-isa kong tinitigan ang iilang prinsesa, at prinsipe at lahat ito'y nagawa kong basahin gamit lamang aking titig. Nang subukan kong titigan ang iilang imortal na kasabayan ni Samara ay laking pagtataka ko nang mapagtagumpayan ko na makita ang nakaraan nila. Ang iba ay dating prinsesa at prinsipe. Sa muling pagkakataon ay tinitigan ko si Samara, ngunit nanatili akong bigo. This was the first time such a mysterious and powerful creature had appeared in the Kingdom of Haleia. Hindi ako makapaniwalang ni isang porsiyento sa kanyang pagkatao'y 'di ko magawang basahin. Dahil ba isa siyang makapangyarihang nilalang? Akmang hahawakan ko ang kamay niya't babasahin sa ibang paraan ang kanyang pagkatao pero natigilan ako dahil ang dibdib ko'y biglang kumirot dahilan para mapahawak ako rito. "Kamahalan, ayos ka lang ba?" tanong ni Prinsesa Gracielle. Napalunok ako at sinubukang ulitin ang pag-abot sa kamay ni Samara pero… kirot sa 'king dibdib ang tanging nangibabaw habang ang kwintas ay walang humpay sa pagkislap ng kulay puti at pula. Hindi ko magawang hawakan si Samara, pero bakit? Para bang may isang kuryenteng nakaharang sa babaeng ito ang siyang nagdudulot ng kirot sa 'king dibdib. "Kamahalan, ano pong nangyari?" tanong ni Prinsipe Fharo. "Ano bang problema mo?" napatingin ako kay Samara na ngayon ay nakataas ang kilay. Marahil nagtataka siya sa aking ikinikilos. Huminga ako ng malalim, "Ikaw." Bakas sa itsura niya ang pagtataka pero wala akong pakialam. "Kailangan ko ng sapat ng oras para sa pagpapahinga. Sa paglubog ng araw ay saka niyo siya iharap sa 'kin." mabilis akong tumalikod kay Samara at saka kinalma ang aking sarili. Pagtataka at mga katanungan ang mababasa sa mukha ng lahat. Alam kong labis silang nababahala sa aking inasal, at maging ako ay hindi makapaniwalang gano'n ang senaryo kanina. Sino ba siya at anong kapangyarihan niya? Bakit hindi ko magawang basahin ang pagkatao niya? Bakit nang hawakan ko siya'y nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. KASALUKUYAN akong naririto sa Duevez at inaantay si Samara. Naisip kong mas mainam na makilala ko siya na walang ibang sagabal o nakakakita. Habang nag-aantay ako sa kaniyang pagdating ay patuloy kong pinaliligiran ng apoy ang buong paligid. Nilalaro ko ito sa aking mga daliri at saka inihahagis sa sahig. Palaisipan sa 'kin ang mga nangyari kanina't hanggang ngayon ay hindi ko masagot ang mga katanungan ko. Sa senaryong naganap kanina'y para bang gusto kong makausap si Inang Bataluman upang kahit papaano'y malaman ko ang rason kung bakit hindi ko magawang basahin ang pagkatao ni Samara,ang babaeng taga-lupa na nagtataglay ng pinaka-mapanganib na kapangyarihan. Humans are very mean, selfish, and greedy. They see nothing except themselves. Kaya hindi na 'ko magtataka kung bakit ang isang tulad niya'y hindi gustong mapabilang sa aming kaharian. Aminadong kahit ako noong unang salta rito sa Kaharian ng Haleia ay hindi ko matanggap ang kapalaran ko at halos magawala ako sa galit, pero sino ba ako para tumanggi? Hindi ito ang unang pagkakataon na ako ay nabuhay, ito ay daan para ituloy ang kapalaran kong minsan nang nawakasan. "Excuse me?" Natigilan ako at napalingon, doon ay nakita ko si Samara. Nakatayo ito habang seryosong nakatitig sa 'kin. Na sa likod niya ang tatlong kawal kaya naman agad kong sinenyasan ang mga ito na lumabas muna. Naglakad ito palapit at huminto sa harap ko. "So, ikaw 'yong kanina? Ikaw si Haring Dylan?" "Ako nga." "Ipinatawag mo raw ako," sambit niya na halatang napilitang magpunta rito. "Ang totoo, hindi," walang emosyon kong sinabi. "So, bakit pa 'ko nandito sa Kaharian niyo?" kunot noo niyang tanong. "Ang kristal ang nakapagtuturo kung na saan ang mga taong nakatakda." patuloy ako sa pagpapagalaw ng apoy sa 'king kamay. "At sa pagkakaalam ko ay 'di lang ako 'yon." natigilan ako sa sinabi niya. Marahan akong inilapit ang mukha ko sa kaniya. "Ikaw ang nagtataglay ng pinakamapanganib na kapangyarihan. Hindi pa ba sapat na rason 'yon?" I tried to use my power to frighten her. Nagliliyab na apoy ang binuo ko gamit aking palad at saka ito inihagis sa paligid. The whole surrounding was in flame but destroying it isn't part of my plan. What she did next really shocked me. Hinawi niya ang kamay ko dahilan para matigilan ako. "Kahit kailan hindi magiging sapat na rason 'yon para mamuhay ako sa mundo niyo. Kung gusto niyo edi sa inyo na 'tong kapangyarihan ko! Kunin mo sa 'kin tutal isa kang hari, 'di ba? At pagkatapos ay pauwiin niyo na 'ko dahil naghihintay si lola!" madiin niyang sinabi. "Kung gano'n lang kadali na angkinin ang kapangyarihan ng iba sa tingin mo ba'y ipatatawag pa kita? Ang isang hampas lupa sa mundo ng mga tao ay kinailangan ng isang haring tulad ko?" isang malalim na tinginan ang namuo sa aming dalawa. Ang pananakit sa kanya ay kailangan kong gawin nang lumabas ang tunay na siya. Sa gano'ng paraan ay masasaksihan ko ang kapangyarihan niya. Nagulantang ako nang ilapit niya lalo ang sarili niya sa akin. Bigla na lang umilaw ang kwintas ko, at kitang-kita ang puti at pula na salitan sa pag-ilaw. Kakaiba ang kislap nito, masyadong matingkad at mabilis. "Kung isa akong hampas lupa'y ano pa kaya ang tulad mo? MAKASARILI!" nabaling ang atensyon ko kay Samara nang sumigaw ito at bakas ang galit sa kanyang itsura. Akmang magsasalita ako nang talikuran niya 'ko bigla. "Wala kang karapatan na sabihing makasarili ako! Ginagawa ko lang ang tama para sa kapakanan ng buong Kaharian! Isa pa, kung sa ating dalawa ay ikaw ang higit na makasarili dahil sariling kapakanan lang ng 'yong minamahal ang inaalala mo!" Hindi niya ako pinansin bagkus nagpatuloy ito sa paglalakad. "Hindi ka maaaring umalis!" Mabilis kong inilabas ang apoy gamit aking titig at saka ito kinalat sa harap niya dahilan para siya'y mapaharap sa 'kin. Bakas sa mukha nito ang galit at pagkagulat. "Are you insane?! Papatayin mo ba 'ko?!" sigaw niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Bakit ba napakatigas ng ulo ng babaeng ito? Marahan akong lumapit sa kanya at saka siya pinakatitigan. Hindi ko maitatanggi na kakaiba ang presensyang dulot niya sa 'kin simula pa lamang nang unang magtama ang mata naming dalawa. Pero hindi ako gano'n kababaw para pakinggan ang aking panimdim. Ang isang hari'y walang ibang hangarin kung hindi ang kapayapaan ng kanyang kaharian. "Naunawaan kong hindi ka sanay sa mundo namin pero kailangan mong tanggapin na rito ka nabibilang," mahinahon kong sabi. Hindi agad siya nakasagot bagkus nanatiling nakatayo sa harap ko. Huminga siya ng malalim bago muling kumibo, "Masisiguro mo ba sa 'kin na ligtas ang lola ko sa mundo ng mga tao kung sakaling manatili ako rito?" Tumango ako. "Sige. Mananatili ako rito. Sabihin mo sa 'kin, ano pang dapat kong gawin?" seryoso itong nakatitig sa 'kin. "Kailangan mahasa ka sa paggamit ng kapangyarihan. Limitasyon at pagkontrol sa kakayahan mo ang higit na dapat mong matutunan, nauunawaan mo ba?" tanong ko dahilan para ngumisi siya at umiling-iling. "Pwede bang ngayon na?" walang emosyon niyang tanong. Huminga ako ng malalim bago muling magsalita, "Tingin mo ba'y gano'n kadali 'yon?' Lumakad pa ako ng bahagya palapit sa kanya't inilapit ang mukha ko, "Hindi ka magsisimula hangga't 'di mo natututunang igalang ang nilalang na kanina mo pa binabastos." Sa inis ay agad akong tumalikod at naglakad palayo. "Okay. Masusunod, Kamahalan." napahinto ako nang marinig iyon mula sa kanya. 'Di ko man tanaw ay sapat na iyon Nanatili akong nakatayo at pinilit na 'wag siyang harapin, "You can speak whatever language you want because we don’t have an official language here in our Kingdom. We believe in freedom of expression, so if it's hard for you to speak Tagalog, it's totally fine. Maunawaan ka man ng lahat sa kahit anong lenggwahe, asahan mong pormal na tagalog ang sagot nila pabalik. Iyon ang kinasanayan ng lahat sa kaharian." "Noted, Kamahalan," mahinahon niyang sagot. "You don't have to call me "Kamahalan" if you don't want. Showing your respect is all I need. Siguraduhin mo lang na magiging huwaran ka sa mata ng lahat," tugon ko at saka siya hinarap. "So, kailan ako magsisimula?" tanong niya habang iniliibot ang kanyang paningin sa buong paligid. "Uulitin ko sa 'yo, Samara, magsisimula ka lang sa oras na matutunan mo ang salitang respeto. Kung hindi magandang asal ang paiiralin mo, lalo lang tatagal ang pananatili mo rito." "Nauunawaan ko, Kamahalan. Pasensya na kung 'di naging maganda ang una nating pagkikita kanina. Nahirapan lang ako na tanggapin ang kapalaran ko dahil ayoko mahiwalay kay Lola. Siya ang nagpalaki sa 'kin mula pa man noong bata ako kaya kahit anong paliwanag mo, hindi ko magawang i-absorb lahat. Gets mo naman ako, 'di ba?" mahabang paliwanag nito. Ramdam ko ang mga sinabi niya dahil gano' din ako noong una. "Minsan na 'kong nabuhay sa mundo ng mga tao, pangatlong buhay ko na ito. Kaya alam ko iyan sa pakiramdam. Habang tumatagal ay masasanay ka rin." "Salamat, Kamahalan." nang sabihin niya 'yon ay awtomatikong nagtama ang mata namin sa isa't isa. Isama ang mga ngiti niya at mapupungay niyang mata na hindi ko mawari kung bakit may epekto sa 'kin. Bakit ko ba napapansin ang bagay na 'yon? "Bukas ka na magsimula, magpahinga ka na muna," tugon ko at saka tumalikod. Nagsimula na 'kong maglakad palabas sana ng Duevez pero… "Sandali… walang akong ideya sa dapat kong gawin. May mag-eensayo ba sa 'kin?" tanong niya dahil para matigilan ako sa paglalakad. Hindi ko pa rin siya nililingon. Humarap ako at sinabi, "Malalaman mo rin bukas." Sa kagustuhang makaiwas sa presensya niya ay nagpasya akong lumabas muna sa Duevez at nagtungo sa 'king silid. Hanggang ngayon ay hindi ako mapakali dahil ang kwintas na suot ko ay bigla na lamang bumagal sa pagkislap, 'di gaya kanina na para bang anumang oras ay magdudulot ito ng silaw. Bigla na lang akong nagkaroon ng konklusiyon… Bago pa man dumating ang mga imortal na taga-lupa ay nagsimula na ang pagkislap nitong kwintas. Ngunit tuwing lalapit ako sa babaeng iyon na si Samara ay mas lalong tumitingkad ang kulay ng kwintas. Puti at pula, pero bakit? Sandali akong humarap sa salamin habang sinasambit sa 'king isip ang isang kahilingan. Inang Bathaluman, umaasa akong magpapakita ka bago sumapit ang ikatlong propesiya. Isang kapani-panibagong katanungan ang nais kong mabigyan ng kasagutan mula sa 'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD