CHAPTER 5: Intensifying powers

3246 Words
King Dylan Quarel ay isang lugar sa labas ng kaharian ng Haleia na kilala bilang daungan papuntang Miseah kaya naman hindi karamihan ang nagtutungo rito. KASALUKUYAN akong nakatayo sa bungad ng aking silid, nilalaro ang nagliliyabang apoy sa 'king daliri at sinusubukang paikutin ito sa ere gamit aking titig at daliri. Sandali akong natigilan nang sumulpot bigla ang isang kawal sa harap ko, hingal na hingal ito. "Kamahalan, labis kaming nababahala kay Samara." "Anong nangyari?" "Si Samara ay walang pahintulot na pumasok sa Oligpis." nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Mabilis kong pinatay ang mga naglilyabang apoy sa 'king palad at nagmadaling lumabas sa 'king silid. Ang Oligpis ay pribadong isang lugar dito sa loob ng kaharian na naglalaman ng mga lumang kristal mula pa sa aming ninuno. Doon nakatanim ang isang puno na kilala sa katawagang Aguarte, ito ay naglalabas ng enerhiya at ang sinomang nilalang na makasagap nito ay babawian ng buhay, maliban na lang kung kaya niya itong alisin sa kanyang sarili. Ang Aguarte ay isang puno na ang tanging bunga ay makukulay na bulaklak. Isama pa ang maraming dekorasyon at matitingkad na ilaw sa paligid nito kaya naman nakaaakit ito sa mata ng lahat. Sa kabilang banda, ang sinomang nilalang na lumapit dito at makasagap ng enerhiya ay na sa panganib. Dito sa kaharian ng Haleia, tanging ako at si Spencer lang ang may kakayahang na alisin ang enerhiya sa oras na ito'y masagap namin kaya naman walang sinoman ang maaaring pumasok sa Oligpis. Dali-dali akong dumiretso sa Oligpis at nagmadaling hinanap si Samara. Sa bawat hakbang ay may katumbas na labis na pangamba. Hindi sana niya marating ang dulo ng Oligpis dahil naroon ang Aguarte. Ilang sandali pa ay napahinto ako nang makita ang isang babaeng suot ang mala-prinsesang kasuotan. Sa pagkakataong ito ay muli kong natunghayang ang pagkislap ng aking kwintas. Matingkad ang mga ilaw nito. Bakit tuwing nariyan ang babaeng ito ay mas bumibils ang pagkislap ng kwintas? Natauhan ako nang makita siyang hinahaplos ang mga bulaklak sa Aguarte. Hindi! "Samara! 'Wag!" Mabilis akong naglaho at kaagad sumulpot sa harap niya para ilayo siya sa Aguarte. Hanggang sa madala ko siya sa isang gilid, doon ay napagtanto kong nakapalibot ang kamay ko sa baywang niya. Unti-unti niyang minumulat ang mga mata niya habang ako ay parang estatwang nakatitig sa kanya. She stared up at me. We we're just standing there, and no one dared to say a word. "Gusto mo na bang mamatay?" seryoso ko itong tinitigan sa mata. "Ano bang ginawa ko?" pagtataka niya at saka siya humiwalay sa 'kin. "Nakamamatay ang enerhiyang inilalabas ng Aguarte, iyon ang puno kung saan mo hinaplos ang mga bulaklak," paliwanag ko. "Pasensya na. Hindi ko naman kasi alam dahil walang nakapagsabi. Nagandahan kasi ako sa puno kaya ako lumapit," sagot nito. "Hindi lahat ng maganda sa paningin ay mabuti ang dulot, Samara." "Hindi naman ako lalapit kung alam kong delikado. Isa pa, wala naman masamang nangyari sa 'kin," katuwiran niya habang pinapagpag ang kanyang sarili patunay na ayos lang siya. "Hihintayin mo pa ba na may mangyari sa 'yo?" "So, kasalanan ko pa na muntik akong mapahamak?" nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, napalitan ng seryoso. Huminga ako ng malalim. "Sa susunod, huwag kang gagawa ng anumang desisyon na walang permiso mula sa 'kin, nauunawaan mo ba?" tanong ko. Nabaling ang atensyon ko sa kwintas na suot ko at laking gulat nang makitang wala na itong ilaw. Hindi na ito kumikislap. Bigla ko na lang din naisip, bakit nga ba walang nangyaring masama sa kaniya? Nagmistulang bula ang masamang epekto dahil wala itong talab sa kaniya. Hindi na bale, ang mahalaga'y ligtas siya. "Masusunod, Kamahalan." pormal man ang kaniyang pagkakasabi ay alam kong napilitan lang siya. Umaasa pa rin akong susundin niya 'ko. Maya-maya lang ay biglang sumulpot ang kapatid kong si Spencer. "Nabalitaan ko ang nangyari, Samara ayos ka lang ba?" pag-aalala nito. Tumango naman agad si Samara. "Kamahalan, kanina pa nila kayo inaantay sa Duevez. Nandon na ang ibang imortal kasama ang mga tagapag-ensayo nila. Pagkatapos ng pag-eensayo niyo ni Samara ay sila na ang susunod," sambit nito. "Sumunod ka sa 'kin, Samara. At ikaw Spencer, inuutusan kitang tipunin ang mga kawal at paalalahanan. Alam mo na ang gagawin sa kanila." tumalikod ako at tuluyang naglakad. •DUEVEZ• "Lagi mong tatandaan na ang kapangyarihan ay hindi ginagamitan ng emosyon. Dahil sa oras na kainin ka nito ay mawawala ka sa tamang pagkontrol. Lagi mong panghahawakan kung ano ang rason nang pinaggagamitan mo," tugon ko at saka inilabas ang apoy sa 'king kanang kamay at ihagis ito sa harap niya. Mabilis niya itong iniwasan, kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. "Sa una, kailangan mong siguraduhin kung sino ang sasalo ang siya lang tatamaan." unti-unti akong naghagis ng apoy sa paligid gamit ng aking mga daliri. "Maaaring isang patikim o 'di kaya'y pupuruhan mo ang isang kalaban." nagpaulan ako ng abo sa paligid dahilan para masilayan ko ang inis sa kanyang mukha. "Kailangan ba talaga na dapuan ako ng mga abo at umiwas ako sa mga apoy habang pinakikinggan ka? Paano ako makakapag-pokus kung napupunta ang atensyon ko sa ginagawa mo?" inis niyang sambit. "Hindi pa man tayo nagsisimula, nagpapadala ka na sa emosyon mo," tugon ko na mas lalong nagpa-inis sa kanya. "Pasensya na pero hindi ko basta matututunan lahat ng sinabi mo." "Hindi kita pipilitin na matutunan lahat. Pero, 'wag ka magdalawang isip na subukan ang isang bagay kahit pa mahirap." "Hindi ako nagdadalawang isip," sagot niya. "Mabuti." isang ngiti ang pinakawalan ko. Muli akong naglabas ng mga apoy at inihagis ito sa sahig. Paulit-ulit niya itong iniiwasan habang ako ay walang tigil sa pagpapakalat ng apoy sa paligid. "Hanggang iwas na lang ba ang kaya mong gawin, Samara?" "Minamaliit mo ba 'ko?" masama ang tingin nito sa 'kin dahilan para muntikan siyang tamaan ng apoy. "Sa pakikipaglaban, importante na itinataas ang sarili dahil kung ibababa mo ito ay para ka na ring sumuko," nakangiti kong sinabi at saka inihagis ang malaking apoy na ngayon ay na sa harap niya. Kita ko ang paglunok niya dahil sa kaba kaya naman sandali siyang huminto. "Hindi ako talunan, nagsisimula pa lang tayo." "Pero bakit parang sumusuko ka na? Paano na ang Lola mo?" umiling ito at ngumiti. Laking gulat ko nang maglakad siya palapit sa 'kin dahilan para ako naman ang umatras. Sinimulan ko nang ikalat ang apoy sa buong Duevez hanggang sa mapaligiran siya nito. "Ikaw ang may pinaka-mapanganib na kapangyarihan, pero sa nakikita ko'y isa kang mahinang nilalang." isang mapang-insulto na ngiti ang pinakawalan ko. Bilgla na lamang siyang tumigil at doon ay nagsimula nang mamuo ang galit sa kanyang mukha. Ang mga apoy na dapat tatama sa kanya ay mabilis niyang nakontrol, namatay ang mga ito at sa isang iglap ay naging abo. Sa muling pagkakataon ay nagpaulan ako ng apoy ngunit masyadong mabilis si Samara, nagawa niya itong kontrolin at ang mga nagliliyabang apoy na kinatatakutan ng lahat dito sa kaharian ay nagawang kalabanin ng isang nilalang na taga-lupa. Nang maglaho ako't biglang sumulpot sa harap niya'y pareho kaming natigilan. Napakalalim ng tinginan namin sa isa't isa. I can feel her gaze digging into me. "Kung papatayin mo 'ko, 'wag mo na 'kong pahirapan," mariin niyang sinabi. Humiwalay ako sa kanya't tinitigan siya ng seryoso. "Sinusubukan lang kita." "Ganitong pag-eensayo ba ang gagawin natin? Halos patayin mo na ko e." masama ang tingin niya sa 'kin. "Hindi mo ba naunawaan ang sinabi ko? Sinusubukan lang kita. 'Wag mo sabihing sumusuko ka na agad?" nakangisi kong sinabi. "Baka nakakalimutan mo na kaya ako nandito ay para hasain ako sa kapangyarihan ko kaya 'wag mo 'kong mamaliitin kung ayaw mong ngayon din ay umalis ako," mariin niyang sambit. "Kung nahihirapan ka sa ganitong klase nang pag-eensayo, 'wag mong gawing rason 'yon para umalis. Paano ka pa lalaban sa digmaan kung ako pa lang ang kaharap mo ay sumusuko ka na?" Matalim ang tingin niya sa 'kin dahilan para lalo akong mapangisi. There was a moment of silence between us. I wonder why do I always end up staring at her eyes. Doon ay napansin ko ang muling pagkislap ng aking kwintas, ang puti at pula. "Distraction." Natauhan ako nang marinig ang boses ng aking kapatid. "That's her weakness." Naglakad ito palapit sa 'min. "Noong unang beses pa lang na makita ko siyang nagalit ay ramdam kong siya nga ang may pinaka-mapanganib na kapangyarihan," sambit nito. "Tama ka. Siya nga." sandali kong tiningnan si Samara bago muling magsalita, "Spencer, ikaw na ang bahala sa kanya. May kailangan lang akong puntahan." "Masusunod, Kamahalan." agad itong nagbigay galang kaya naman mabilis akong naglakad palabas ng Duevez." SUMAPIT na ang gabi at ngayon ay napagpasiyahan kong lumabas ng Kaharian at mamalagi sa Quarel. Nang makarating sa bungad nito ay agad akong nagpalinga-linga at saka hinanap ang Rafas, ang maliit na paraiso kung saan nakatira ang mga sinaunang ninuno ng aking angkan. Ang mga taong nakakaalam sa kasaysayan ng Haleia. Natitiyak kong may alam ang iilan sa kanila kung na saan si Inang Bataluman. Walang katao-tao't napaka-payapa ng paligid. Habang naglalakad ay 'di ko maiwasang isipin ang mga nangyari kanina. Kakaiba ang dulot sa 'kin ni Samara tuwing magtatama ang mga mata namin. Para bang minsan na kaming nagkita't nawalan lamang na komunikasyon. Isa pa, bakit nga ba kumikislap ang kwintas ko tuwing nariyan siya? At tumitingkad ang kulay tuwing malapit ako sa kanya. Nang marating ko ang sentral na bahagi ng Quarel ay bigla akong natigilan nang magdilim ang buong paligid mula sa makakapal at itim na usok. Apat na lalaking nakasuot ng itim, hindi ko alam ang kabuuang mukha nila ngunit sila ang tinatawag na Mashkao o mga nilalang na balot na balot sa itim at ang tanging makikita lang ay ang mata nilang kulay pula. Sunod na sumulpot ang isang lalaking mala-hari ang kasuotan ang biglang tumigil sa harap ko dahilan para mapahinto rin ako. Lahat sila ay may kulay pulang mata at matatangkad, sapat na para katakutan sila ng kung sinoman ngunit hindi ako. Dahan-dahan itong lumapit sa 'kin iyong lalaking mala-hari ang kasuotan at seryoso niya kong tinitigan. "Ikaw si Haring Dylan?" Tumango ako na may halong pagtataka. Gumuhit ang ngiting may ibang ibig sabihin sa labi nito bago muling magsalita, "Ikinagagalak kong makita ka." "Sino ka?" tanong ko. Pinagdikit nito ang dalawa niyang palad na para bang nagdarasal at saka tumingala hanggang sa muli siyang humarap sa 'kin. "Hindi ba nasabi sa 'yo ni Inang Bathaluman kung ano ang papel ko sa Kaharian ng Haleia… noon?" Umiling ako. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Sino ba siya? "Ako si Alucio ang bagong Emperor sa Kaharian ng Gusio, ang kanang kamay ni Haring Federico." nang sabihin niya 'yon ay hindi agad ako nakakibo. Bakit kailangan niya sabihin sa 'kin ang gano'ng bagay? "Kung may nais kang ipabatid, ngayon pa lang ay sabihin mo na. Hindi ko gustong masayang ang oras ko sa nilalang na hindi ko naman kilala o kaano-ano." ngumisi siya sa aking sinabi at saka inilapit sa 'kin ang kanyang mukha. "Hindi maikakaila na matipuno ang isang tulad mo. Ngunit 'di ko alam kung gaano nga ba katalas ang isip mo, at kung gaano karami ang kaalaman mo sa pamamalakad bilang isang hari para piliin ka ng Inang Bathaluman na mamuno sa Haleia." bakas sa mukha nito ang inis at dismaya. "Diretsuhin mo 'ko sa gusto mong iparating," tugon ko. "Na sa 'yo na ang trono na matagal kong pinaghirapan. Kaya 'wag mo nang subukang angkinin ang isa pang kailangan ko." awtomatikong kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? "Kailanman ay hindi ko inangkin ang kahit na anong hindi ko pag-aari," kalmado kong sagot habang nakatitig sa mga mata niyang kulay pula. Maya-maya lang ay biglang lumapit sa 'kin ang apat na nilalang na nakasuot ng itim at ako'y kanilang pinaligiran. Si Alucio naman ay lumapit at huminto sa harap ko. "If the Divine Amity can't give me the power I've worked so hard for… show me the Dark summoner, and give her back to me. Gusto kong ngayon na." "How dare you to say such things I never did." lumapit pa ako sa kanya't pinakatitigan siya sa mata bago muli kumibo, "Kung wala ka ng kailangan, maluwang ang espasyo't umalis ka sa harap ko." "Anong karapatan mo para utusan ako?!" sandaling nanlisik ang mga mata nito dahilan para pumuwesto ako't ipunin ang init na nagsisilbing lakas ko. "Lalo mo 'kong binigyan ng rason para salakayin ang kahariang nasasakupan mo!" mariin niyang sinabi. Kasabay ng nanlilisik niyang matang nakatitig sa 'kin ay buong pwersa niyang inipon ang itim na usok at inihagis ito sa 'kin na ngayon ay pilit akong sinasakal. Mabilis ko itong napigilan at nang mabigyan ako nang pagkakataong gumanti ay 'di ako nagdalawang isip na ilabas ang apoy sa 'king palad at ihagis ito sa kanya ngunit agad itong tinangay ng itim na usok na inilalabas niya. Mabilis na naglaho ang apat niyang kasama at laking gulat nang sumulpot muli ang mga ito sa harap ko. Nakapalibot ang mga ito sa 'kin habang hawak ang kani-kanilang espada. Mabilis kong kinuha ang aking espada't sinimula na sila'y kalabanin. Sa bawat hampas ng espada at pag-iwas ay may halong pagtataka kung sino ba ang hinahanap nila sa 'kin. "Wala kayong makukuha sa 'kin!" galit kong sinabi. Hindi man gano'n katagal ang pamamalagi ko sa Kaharian ng Haleia ay sapat na rason na ako ang unang hari mula pa sa nagdaang siglo para muling ituloy ang naudlot na pamumuno. Isa-isa kong itinarak ang espada sa apat na nakaitim. Finally, I raised my hand, energy beginning to glow around it with a burning fire. I released a burst of fire from my hand, destroying the four Mashkao. They fell lifeless on the floor. Hanggang sa unti-unti kong ginawang abo ang mga katawang nilang nakahandusay at naglaho na parang bula. Nabaling ang tingin ko kay Alucio. "Hindi ko kasalanan kung ako ang Hari dahil iyon ang kapalaran. Kung pagbabasehan ang kasaysayan sa Kaharian ng Haleia, wala ang pangalan mo sa listahan ng mga namuno." Nang sabihin ko 'yon ay bigla na lang nanlisik ang mga mata nito't buong lakas na inipon ang itim na usok at saka niya ito inihagis sa 'kin. Sa kasamaang palad ay tumama ito sa 'kin kaya naman tumalsik ako at napaupo sa sahig. Hindi ko inaasahang gano'n siya kabilis nang makitang na sa harap ko na ito, nakatutok ang espada nito sa leeg ko. "Bring me the Dark Summoner. Hindi ko itutuloy ang pagsalakay kung ibibigay mo ang kailangan ko!" galit na sambit nito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Lalo pa niyang diniin ang espada sa 'king leeg, kaunting galaw na lang ay tatarak na ito sa balat ko. "Huwag kang magmaang-maangan, Dylan! Na sa loob ng Haleia ang nilalang na hinahanap ko! Give her back to us!" Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. "Kung iniisip mong natatakot ako sa 'yo, paumanhin pero nagkakamali ka. Loyalty doesn't follow the enemies nor obey Emperor. Marahil hindi ako katulad mo na namuhay ng tuloy-tuloy mula pa sa nagdaang siglo't maalam sa pamumuno, hindi pa rin mawawaglit ang katotohanan na ang ako tunay na hari sa Kaharian ng Haleia mula pa sa ikalawang Propesiya!" Awtomatikong naglabas siya ng itim na usok sa buong Quarel dahilan para maglabas ako ng mga nagliliyabang apoy at ihagis ito bilang panlaban ka kanya. Bumangon ako't halos mapalunok nang makitang nababalewala ang kapangyarihan ko. Para bang isang hanging tumatagos sa himapapawid ang mga apoy. Hanggang sa unti-unti akong palibutan ng itim na usok dahilan para masakal ako. "Tell me, where is the Dark Summoner?!" nanlilisik na mata nitong itinanong. "How many times do I have to tell you, I know nothing about that!" mariin kong sagot habang pilit kumakawala sa mga itim na usok na sumasakal sa 'kin. Patagal nang patagal ay lalo akong sinasakal hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbigat ng mata ko, ngunit ilang sandali pa ay may isang magandang nilalang sa likod ni Alucio ang naglalakad palapit sa 'min at laking gulat nang mamukaan ko ito. Samara? "Kamahalan!" sigaw nito at laking gulat ko nang manlisik ang mata nito't kontrolin niya si Alucio dahilan para tumilapon ito sa sahig at ang mga itim na usok na sumasakal sa 'kin ay tuluyang nakontrol ni Samara. Naglaho ang mga ito na parang bula sa himpapawid. Sa muling pagkakataon ay nagtama ang mga mata namin ni Samara at doon ay natanaw ko ang pag-alala sa kanyang mukha. Mabilis itong kumaripas ng takbo palapit sa 'kin. "Kamahalan, ayos ka lang ba?" tanong niya. Maya-maya lang ay nakita kong papalapit si Alucio. Akmang hihilain ko si Samara nang bigla itong humarap at buong pwersang hinigop ang hangin sa kanyang palad at saka ito inihagis kay Alucio dahilan para mahagip siya nito't mapahiga sa sahig. Ilang sandali pa ay bumangon na si Alucio, masama ng tingin nito sa amin hangang sa bigla na lang siyang naglaho. Mabilis kong ibinaling ang atensyon ko kay Samara. "Ayos ka lang ba? Sino ba kasi ang nagbigay ng pahintulot sa 'yo na magpunta rito? Delikado ka sa lugar na 'to lalo kapag mag-isa ka." Hindi agad siya nakakibo bagkus naglakad at saka isa-isa niyang pinagalaw ang mga kristal sa bawat gilid. "Hindi ko alam kung bakit bigla akong napadpad dito. Bigla na lang akong nagising na wala ako sa loob ng Kaharian." Napabuntong hininga ako bago sabihin, "Hindi ko alam na ganiyan kalakas ang kapangyarihan mo." "Kanina pa lang tayo nag-ensayo at hindi 'yon sapat para mahasa akong kontrolin ang kapangyarihan ko. Kaya hindi ko rin inasahan na makakayanan kong labanan ang lalaking iyon. Ang alam ko lang, kapag nagalit ako ay nailalabas ko ang tunay kong pagkatao. Nakakapanakit ako. At nang makita kita kanina'y kusang namuo ang galit sa 'kin," sambit niya. Ngayon ay sabay na kaming naglalakad. "Hindi ko rin lubos akalain na magagawa mo 'yon. You're too fast, and too strong enough to frighten everyone." She looked me in the eye. "Huwag ka mag-alala, hindi na 'ko magdadalawang isip pa na manatili sa Kaharian ng Haleia. I know I am a sovereign being, and I am aware of my power." "So, do you trust yourself to walk the path destined for you?" I asked. "Yes. And I promise that I will put the safety of our Kingdom before anything else." she smiled. I bent my body and kissed the back of her hand, "It's a pleasure to meet you, Samara. Thank you for saving my life. Let's see our trials as a chance to get to know ourselves." "I am devoted to serving and assisting you at whatever your heart desires, and in all situations, Your Highness." she bowed her head. By the time our eyes met, I felt something I couldn't explain. Inside my heart, down to my soul. Sa kagustuhang mapakalma ang aking panimdim ay agad kong binasag ang aming tinginan. "Kailangan ko nang umalis. Mabuti pa ay bumalik ka na sa loob ng Kaharian at sabihin mo sa aking kapatid ang iyong nasaksihan para magkaroon sila ng kamalayan sa nangyari." "Pero hindi ko alam ang daan pabalik," sambit niya. "Ipikit mo ang mga mata mo," tugon ko. Ginawa niya ito kaya naman mabilis ko siyang dinala sa loob ng kaharian gamit ang aking isip. Ang hari, mga prinsipe at prinsesa ay may kakayahang gawin iyo. Isa iyon sa dapat na matutunan ni Samara. Tuluyan na 'kong nagpaalam at umalis para magtungo sa 'king destinasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD