Chapter 3. Visitors

2505 Words
Samara Kumaripas ako ng takbo, buti na lang ay sibilyan ang uniporme ko't hindi palda kaya malaya akong gumalaw. Sa wakas ay narating ko na ang bahay. Hingal akong akong dumiretso sa may pinto. Akmang bubuksan ko na ito nang matigilan ako sa sigaw na aking narinig mula kay lola. "Wala sa usapan na dadalhin siya sa Kaharian ng Haleia!" Bumilis ang t***k ng puso ko sa 'king narinig. Sandali, anong kaganapan sa loob? Naisip kong buksan ng bahagya ang pinto para sumilip. Ngayon ay nangangatog ang mga paa ko nang matanaw ang tatlong lalaki at isang babae. Tagilid ang pwesto nila kaya't 'di sapat para makita ang itsura nila. Ang mga kasuotan nila't tila mala-encantadia na 'di ko mawari. Iyong tipong pinamumunuan ng hari at reyna, ngunit sino sila? "Divina, iyon ang kautusan ng unang hari. Ang ikatlong propesiya ay malapit nang sumapit. Kailangan namin ang apo mo." S-sandali... sinong hari ang tinutukoy nila? Ako? Ako ba talaga ang kailangan nila? "Hindi ba't napagkasunduan natin na ang apo ko ay hindi mapapabilang sa inyo? 'Yon ang usapan natin, Fharo! Bakit ngayon ay binabawi ninyo?!" Marahang humakbang iyong lalaking kulay abo ang buhok palapit kay lola at sinabi, "Mabibigyan lamang ng katarungan ang pagkamatay ng unang hari sa nakaraang buhay niya sa oras na magsimula na ang ikatlong propesiya. Iyon ang araw na nakatakdang magharap ang kaharian ng Haleia at Gusio." "At anong kinalaman ng apo ko sa ikatlong propesiya?" tanong ni Lola. "Rigor, ikaw na ang magpaliwanag," utos no'ng lalaking nagngangalang Fharo. Lumapit iyong Rigor kay Lola at saka iniladlad ang mahabang papel. Ano naman kayang nakasulat ro'n? Isa pa, kung namatay ang unang hari noon ano pa bang pinoproblema niya kung nabuhay na ulit siya ngayon? "Sa pagsapit ng ikatlong propesiya, magkakaroon ng laban sa pagitan ng dalawang kaharian, ang Haleia at Gusio. Kaya iniutos ng hari na ipatawag ang lahat ng mga taong hindi nakabalik sa kaharian pero nabuhay sa mundo ng mga tao na may kapangyarihan. Kailangan silang hasain at imulat sa totoo nilang mundo dahil sa pagsapit ng propesiya ay isasabak sila sa matinding labanan." Kumunot ang noo ko sa mga narinig. Hindi tinatanggap ng utak ko ang mga narinig ko. Ayoko sanang maniwala pero ang puso ko'y tila ramdam na iyon ang katotohanan. "Hindi ko maaaring ibigay sa inyo ang apo ko... May usapan tayo na mabubuhay siya rito sa mundo ng mga tao, kasama ako. Sa inyo na rin nanggaling na hindi lang si Samara ang kailangan niyo. Huwag niyo nang isama ang apo ako... hindi ako handa at kailanma'y 'di ako makapapayag na mawalay siya sa 'kin!" Nanatiling tikom ang bibig ng tatlong lalaki. Lumapit bigla 'yong babae kay Lola at sinabi, "Hindi ko gustong makasakit, Divina. Ang kondisiyon ay isasama namin si Samara sa ayaw at sa gusto mo." Sandaling pumikit 'yong babae kasabay ng pag-angat ng kanyang ulo't dalawa kamay na para bang gumagawa ng ritwal. Bigla na lamang lumindol dahilan para mayanig ang sahig. Sa sobrang lakas ng lindol ay naitulak ko ang pinto na hindi sadya dahilan para tumalsik ako sa loob at mapaupo sa sahig. Doon ko napagtanto na pati si Lola ay natumba. Natigil ang eksena nila at natuon ang atensyon sa 'kin. Nang itayo ko si Lola ay bakas sa itsura niya ang pagkagulat, nanlalaki ang mata nitong nakatitig sa 'kin. Nabaling naman ang atensyon ko sa tatlong lalaki. Kaharap ko na sila kaya't mas malinaw ang kanilang pustura. Ang dalawang lalaki ay nakasuot ng mala-prinsipeng kasuotan, iyong isang lalaki ay mala-hari, at iyong babae naman ay mala-reyna. "Samara..." mahinang tawag sakin ni lola. Muling nagawi ang tingin ko ro'n sa tatlong lalaki. Ang unang lalaking na nagngangalang Rigor ay may kulay itim na mata. Nang magkatitigan kami, malawak na ngiti ang kanyang pinakawalan. Iyong pangalawang lalaki na nagngangalang Fharo ay seryosong nakatitig sa 'kin ngunit hindi ngumingiti. Kulay abo ang buhok nito gano'n din ang kanyang mga mata. Sa palagay ko'y hindi nalalayo ang edad niya sa 'kin. Nang mapatingin ako sa ikatlong lalaki na siyang bukod tanging nakaupo sa gitna, doon ay nagkaroon ako ng konklusiyon. Maskulado ang katawan nito kumpara sa dalawa. Sa porma at paraan ng kanyang pag-upo ay malalaman agad na siya ang pinakamataas sa kanila. Ang mga mata at buhok niya ay kulay itim pero ang aura niya ay masyadong malamig. 'Yon para bang walang emosyon. Ano kayang ngalan niya? Ang panghuli ay ang babaeng may pakana ng paglindol kanina. Kakaibang ganda ang mayro'n siya, 'yong tipong kahit na sino'y maaaring mabighani. Nakatitig lang ito ng seryoso sa 'kin. "Huwag niyong sasaktan ang Lola ko!" may namumuong galit sa akin na hindi ko maipaliwanag. "Come with us. 'Wag mo na patagalin," sambit ng babae. "Ayoko! Wala akong panahon sa bagay na gusto ninyo! Kaya kung pwede lang ay umalis na kayo!" nataasan ko sila nang boses dahilan para mag-init ang tingin sa 'kin no'ng babae. "Fharo, you know what to do," usal ng babae. Kitang-kita ko ang kulay abong mata ni Fharo na nanlilisik habang nakatitig sa 'kin. Bigla ko na lamang naramdaman ang hangin na sumasakal sa leeg ko. "Fharo! Pakiusap itigil mo 'yan!" pag-aalalang sigaw ni lola. Sandali... balak ba niya 'kong patayin? Pilit akong kumakawala sa hanging sumasakal sa 'kin pero lalo itong humihigpit. "Fharo... p-pakiusap ako na lang ang saktan mo..." pagmamakaawa ni Lola. Bigla na lamang akong nakaramdam ng galit dahilan para sumagi sa isip ko na mali ito. Wala akong magawa kundi subukang kumawala sa hanging sumasakal sa akin. Isa-isa ko silang tinitigan ng matalim. "Fharo! 'Wag ang apo ko!" sigaw ni lola. Nang mapatingin ako kay Lola ay doon nagsimulang umiral ang emosyon ko. Ang galit na namumuo sa 'kin ay hindi ko na napigilan hanggang sa muli kong magawa ang bagay na hindi ko gustong mangyari. Nag-init ang mga mata ko habang nakatitig kay Fharo. Hanggang sa makontrol ko ang hangin at tuluyang kumawala sa leeg ko. Kinasusuklaman ko ang sinomang manghimasok sa buhay namin ni Lola kaya hindi ko palalampasin ang ginagawa nila ngayon. Nagawa kong pigila ang pagkontrol ni Fharo sa kanyang kapangyarihan hanggang sa siya'y mapatalsik ko sa may dulo ng pintuan. Tanging pagkagulat ang ekspresyon nilang lahat sa kanilang nasaksihan. Sinubukan akong pigilan ni Lola pero para bang nilalamon ako ng emosyon ko. "A-apo... tumigil ka na..." Mabilis na umaksyon si Rigor at 'yong babae. Sabay nilang inilabas ang taglay nilang kapangyarihan maliban kay Fharo at doon sa lalaking na sa gitna. Walang emosyon ang kanyang mga mukha ngunit sa tuwing titingnan ko sya, para bang nawawala ako sa konsentrasyon. Muling pinagalaw no'ng babae ang sahig dahilan para lumindol pero agad ko itong nakontrol gamit lamang ang aking tingin. Ngunit nagulantang ako nang makita ang sandamakmak na patalim mula kay Rigor, palapit ang mga ito sa 'kin ngunit nagawa ko itong kontrolin hanggang sa ito'y tumilapon sa sahig. "Enough," the black haired guy said. Ngayon lang siya nagsalita. "Ikaw nga," he said Anong ako? Anong ibig niyang sabihin? Mabilis na naglakad iyong babae palapit kay Lola pero agad ko siyang nakontrol at naitulak palayo. "Pasensya na pero hindi ko na hahayaang lumapit kayo sa Lola ko," sambit ko. "Ano ba! Hindi ko siya sasaktan," sagot nitong babae. Dahan-dahang lumapit iyong babae at tumigil sa harap namin ni lola. "Divina, saksi kami sa kakayahan ng apo mo." sabay tingin sa akin. "Kailangan na namin siyang isama sa kaharian, sa lalong madaling panahon. Huwag na nating patagalin pa, naghihintay ang hari," dagdag pa nito. Lumapit sa akin si Fharo ngunit sa pagkakataong ito ay kalmado na siya. "Ang kristal na ito ang nakapagtuturo sa mga katulad mo. Nang magtungo kami rito sa mundo ng mga tao, dito napadpad itong pinakamaliit na kristal. At iyon ay nangangahulugang naririto ang taong may pinaka-mapanganib na kapangyarihan sa buong Kaharian ng Haleia," sambit ni Fharo. "At 'yon ay walang iba kundi ikaw,' dagdag pa ng babae na seryosong nakatingin sa 'kin. "P-pero 'di ba matagal mo na silang kilala, lola?" tanong ko at saka humarap sa kanya. Kita ko ang 'di niya pagsang-ayon sa mga nilalang na ito pero alam kong wala siyang magawa. Huminga siya ng malalim bago magsalita, "Tama ka apo. Kilala nila ako at may usapang hindi ka mapapabilang sa kaharian ng Haleia pero ngayong nasakshan nila ang kapangyarihan mo... kailangan mong sumama sa kanila." "P-pero La—" Sa kalagitnaan nang malumbay naming titigan ni Lola ay napalitan ito ng inis sa mga sumunod na salitang aking narinig. "What do you think, Spencer? Hindi kaya tayo pagdudahan ng hari? Look at her outfit, parang hindi siya babae." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Marahang tumayo iyong lalaki sa gitna. So, his name is Spencer? He's gorgeous. "I don't think he'll like her. But I'd like to see his reaction." "Besides, madaling ayusan ang magaganda." muli na naman niya 'kong tinitigan. "Hindi ako sasama sa inyo!" usal ko. "I think we should force her, Spencer," saad ng babae. "Kamahalan, bigyan niyo ako ng sapat na oras para kausapin siya. P-pangakong si Samara ay makakarating sa kaharian ng Haleia," nauutal na sabi ni lola. Sandaling naglakad si Spencer palapit sa 'kin. Doon ay nakaramdam ako ng kaba. Ang malamig niyang tingin at maskuladong katawan ngayon ay palapit na sa akin. "This place doesn't suit you. You belong to the Kingdom of Haleia." "What if... ayoko? Hindi ba pwedeng manatili na lang ako rito? Wala naman akong inaagrabiyadong tao. Hindi pa ba sapat 'yon para mabuhay ako ayon sa gusto ko?" I tried to control my emotion. Kailangan ba talagang sumama ako sa kanila? "You're wasting our time, Samara! Kung hindi mo siya kayang pwersahin, Spencer, hayaan mong ako na!" sigaw no'ng babae na siyang nagdulot ng kaba sa 'king dibdib. Punong-puno nang galit ang mata niya habang nakatitig ito sa 'kin. Muli, sinusubukan niyang yanigin ang sahig ngunit hindi ako nagpatinag. Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong nakontrol ang kapangyarihan niya ngunit wala pa sana 'kong balak tumigil agad nang matigilan ako. Iyon ay dahil sa biglaang pagsunggab ng yakap sa 'kin ni Spencer. Sandaling namayapa ang paligid. I just found myself blushing nervously as his eyes met mine. Hanggang sa bitawan niya 'ko ay nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko. "Distraction," Spencer said. "That's your weakness." Napalunok ako at halos hindi makagalaw sa mga titig ni Spencer na tila nakatutunaw. "Bakit mo ginawa 'yon?!" inis kong tanong. "I won't answer your question unless you choose to come with us," he answered. Hindi agad ako nakasagot bagkus sinamaan siya ng tingin. "Tatapusin ko na ang usapan. Divina, sapat na ang isang araw para bigyan ng paghahanda si Samara. Maaasahan ko ba 'yan?" tanong ni Spencer na ngayo'y nakatitig kay lola. Marahang yumuko si lola tanda ng pagsang-ayon. "Opo, kamahalan." Humarap si Spencer sa kanilang lahat, "Would you give us some time alone?" "Ayoko...." Mabilis akong kumapit sa braso ni lola pero agad niya itong inalis. "L-lola..." "Apo, makinig ka sa 'kin. Kausap mo siya ngayon din." alam kong napipilitan si lola dahil wala siyang magawa pa. Kung tutuusin ay kaya ko silang patalsikin gamit ang pagkontrol ko pero ayokong abusuhin dahil hindi 'yon ang itinuro sa 'kin. "L-lola..." Mabilis na inilayo nina Fharo at Rigor si lola habang si Spencer at ang babae ay na sa 'king harapan. Akmang hahabulin ko si lola pero mabilis ang pagpigil na ginawa ni Spencer. He pulled me against him, locking his hands around my waist while he moved his face closer to mine. "Just stay, Samara," titig na titig ito sa mga mata ko. "Your majesty, don't make any move other than convince her. She might get distracted by your charm. 'Wag mo masyadong pairalin at baka mapasawalang bahala ang hangarin natin," usal ng babae. "I know. Just go." mabilis na yumuko ang babae bago maglakad palabas ng bahay. Doon ko napagtanto na dalawa na lang kami ni Spencer. "Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng nilalang ay ako pa. Hindi ko gustong mahiwalay kay lola, sana maintindihan niyo," I said. I felt my heart skip a beat. Hindi madali ang gusto nila. Hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko ang mga nangyari ngayon. "Right now, we are in the third prophecy, and the only way we can win is to unite. Sa oras na manalo ang kaharian ng Haleia, mababawi ang brilyanteng matagal na itinago ng emperor sa kaharian ng Gusio," sambit niya. "Only your power can win the war. We need you in our kindgdom. Kapag nabawi ang brilyanteng iyon ay malalaman na ang kinamatay ni Haring Dylan sa nakaraan niyang buhay, my brother. At mabibigyan siya ng katarungan." I am completely speechless. Paano ko nga ba paniniwalaan ang mga pangyayari na nasaksihan ko ngayon? Paano ko paniniwalaan ang mga bagay na buong akala ko'y sa telebisyon ko lang matutunghayan? Sabagay, kahit ang pagkatao ko'y 'di ko lubos na kilala. "Ayoko sanang maniwala na ako ang kailangan niyo dahil lang sa kakayahan ko. Pero wala, nandito na. Ano pa bang magagawa ko?" napairap ako sa inis. Natauhan ako nang maglakad si Spencer sa likod ko. The next thing he did was leave me speechless. "Samara?" he whispered. Halos balutin ako ng malamig na hanging nang tumigil siya sa harap ko. He leaned his head closer to me. Nagulat ako nang hawakan niya ang balikat ko. "You're gorgeous. But this outfit doesn't suit you." Pati ba naman ang pananamit ko ay pinoproblema niya. "Para sabihin ko sa 'yo, payak na buhay ang gusto ko! Hindi ko kailangan ng magarbong kasuotan gaya niyo. Ngayon, kung iinsultuhin mo ko baka magbago ang isip ko." kunot noo kong sinabi. Pero bakit imbis mainis ay ngumiti siya? His smile got my knees somehow weak. Perhaps, it's his eyes? There's something about his eyes. Its shape looks sharp and piercing at first pero 'pag tinignan mong mabuti, nakakatulala. "You know what, Samara? By the time I laid my eyes on you, I felt something I had never felt before. It was indescribable. I think I'm starting to admire you." My heart skips a beat. "Your power, I mean." We slowly pulled away. He looked me in the eye,"I have to go, Samara," Buong akala ko'y aalis na siya pero hindi. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang abutin niya dahan-dahan ang kanang kamay ko kasabay ng seryosong titig. And there's a spark of something sharp in his eyes as he bent his body and kissed the back of my hand like a King. "Don't worry, Samara. I may not be the first king of Haleia Kingdom, but I can make you the most beautiful and noblest deity in the land of Versaile." I tried to avoid looking into his eyes, but he placed his index finger under my chin to meet his gaze and said, "Its a pleasure to meet you, Samara. I am Spencer Lorrego Querez, the second king in the Kingdom of Haleia. You can call me Spencer for short because it's easier to remember." Sa isang iglap ay bigla siyang naglaho kasabay ng nakasisilaw na liwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD