CHAPTER 8. Perception

1615 Words
King Dylan The Night Celebration "Alam kong alam ninyo ang rason kung bakit tinipon ko kayong lahat para sa ating pagpupulong at selebrasiyon," tugon ko habang nakaupo sa 'king upuan, ang aking trono. "Batid naming nababahala ka sa nangyari kahapon sa Quarel, Kamahalan. Huwag kang mag-alala, ang lahat ay sisiguraduhin kong handa sa bawat araw na magdaraan," saad ni Prinsipe Fharo. "Umaasa akong paninidigan mo ang 'yong sinabi." mabilis naman itong sumang-ayon. "At ako naman ang bahala sa mga kagamitang pamuksa na gagamitin ng mga taga-lupa, Kamahalan," sambit ni Prinsipe Randal. "Kung gano'n ay inuutusan kitang magtungo sa Himlayan bukas ng umaga. Naroon ang iilang kawal, at sila ang makatutulong sa 'yo sa paggawa ng iba pang kagamitan gagamitin sa digmaan," utos ko. "Masusunod, Kamahalan." agad itong yumuko't nagbigay galang. Sandali kong nilibot ang aking paningin, bawat sulok ay dinaraanan ng aking mata at nagbabakasakaling makita ko si Samara. Maya-maya lang ay biglang lumapit si Prinsesa Topea, bakas sa mukha nito ang kasabikan na makapagsabi ng saloobin. "Kamahalan, hindi ko alam kung ito ang tamang oras para sa bagay na 'to, pero mahalagang matunghayan niyo ito," sambit niya. "Kung ano man 'yan, 'wag mo nang patagalin." nang sabihin ko 'yon ay agad siyang tumalikod at sumemyas sa isang gilid. Bigla na lang sumulpot si Hariat at naglakad papunta sa harap ko na siyang ikinagulat ng lahat. Nagpupunta lamag siya sa tuwing may paalala at babala siyang nais sambitin. Siya ang Diyosa ng Rafas na nagtataglay ng kakayahang makita ang hinaharap o sa madaling salita ay mayroon siya pangitain. Ang panaginip niya kadalasan ay senyales ng isang pangyayari na nagbabadyang mangyari. "Kamahalan, alam kong kabigla-bigla ang aking pagdating pero kailangan mong matunghayan agad ito sa lalong madaling panahon." Sandali siyang pumikit at itinaas ang kanyang kanang kamay . Unti-unting nabubuo ang liwanag na hugis bilog sa ibabaw ng kanyang palad. Nang imulat niya ang kanyang mata'y biglang na lang lumabas sa liwanag ang repleksyon ng isang pangyayari. Doon ay natunghayan ko ang digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Haleia at Gusio. Sandamakmak na ari-arian ang nasira at 'di mabilang na buhay ang nawala. Sa pangalawang senaryo ay nakita ko ang aking sarili kausap ang isang babaeng tila malabo ang mukha. Kung bibigyan ko ng konklusiyon ay para bang may hindi pagkakaintindihan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa biglang sumulpot ang isa pang babae na malabo rin ang mukha. Nanlaki ang mata ko nang makita kung paano niya inilabas ang pulang usok na siyang sumakal sa 'kin hanggang sa ako'y bawian ng buhay. Ilang sandali pa ay naglaho rin ang liwanag. Ang pintig ng puso ko'y 'di maawat sa pagkabog kasabay ng paglunok. Hindi ko lubos akalaing gano'n ang matutunghayan ko na posible kong kahinatnan, Ibig sabihin ay iyon ang kapalaran ko. Ibig sabihin ay may isang babaeng papaslang sa 'kin, pero sino? "Kamahalan, iyan ang panaginip ko kagabi. Isang senyales na iyon ang maaaring kahinatnan mo at ng buong Kaharian kung sakaling hindi tayo magiging maingat. Isa lamang ang aking tagubilin, Kamahalan. Mag-ingat ka," sambit nito. Pilit kong kinalma ang aking sarili mula sa 'king mga nakita at nalaman. "Malugod kong ipinagpapasalamat ang ginto mong paalala, Hariat," kalmado kong sinabi kahit pa may mga katanungan akong nais ipabatid at pangamba sa 'king dibdib. Humarap ako sa lahat at sinabi, "Ngayon ay saksi kayo sa posibleng delubyo na kahaharapin natin, maaasahan ko ba ang inyong koopersasyon, katapangan, at katapatan?" "Maaasahan mo kami, Kamahalan," sabay-sabay nilang sagot. "Huwag ka mag-alala, Kamahalan, dahil kaming mga taga-Rafas ay naghahanda rin sa ikatlong propesiya. Pagsasagawa ng mabagsik na Vethre ang pinagkakaabalahan namin sa ngayon dahil napag-alaman ko na maraming balat-kayo at mapanlinlang na nilalang ang kumakalat sa buong Versaile." "Ibig sabihin ba nito'y kinakailangan din magsaboy ng Vethre maging sa loob ng Kaharian?" tanong ni Prinsesa Gracielle. "Mas mainam kung gano'n," sambit ni Hariat. Sandaling namayani ang katahimikan at laking gulat nang makitang napahawak si Hariat sa kanyang dibdib. "Kamahalan, isang pangitain..." sandali itong pumikit. Wala pang ilang minuto ay agad na itong nagmulat, "Ang Hari at ang bagong Emperor sa Kaharian ng Gusio ay papunta ngayon sa Quarel. Batid kong may kailangan sila, iyon ang rason hindi ang panggugulo. Pero... hindi pa rin maganda ang kutob ko..." muli itong napahawak ng madiin sa kanyang dibdib at napahinga ng malalim. "Isang Mashkao ang nakapasok sa kaharian..." Agad akong napabangon at dali-daling naglakad sa gitnang bahagi. "Ikaw na ang bahala sa mga taga-lupa, Prisipe Fharo, ako na ang maghahanap kay Samara," tugon ko. Agad naman niyang pinag-sama ang mga imortal na taga-lupa. "Prinsipe Rigor, tipunin ang mga kawal! Sabihan mo ang iba na magbantay sa labas ng kaharian at ang iilan ay libutin ang buong Haleia para hanapin ang Mashkao, ngayon na!" agad itong umalis. "Ikaw na ang bahalang magpakalat ng Vethre sa buong Kaharian, Prinsesa Gracielle." nagpaalam ito't nagbigay galang. Nagmamadali nitong tinawag ang ibang prinsesa upang mas mapadali ang gawain. "Kamahalan, ako na ang bahala sa mga kristal," sambit ni Spencer bago tuluyang magpunta sa Oligpis. "Hariat, kung kaya mong bumalik ng mabilisan sa Rafas, mas mabuting pumaroon ka na muna at agad mong sabihin sa lahat ang kalagayan dito," utos ko. "Masusunod, Kamahalan. Mag-ingat ka." iyon ang huling salitang kanyang binanggit bago tuluyang maglaho sa 'king harapan. Mabilis akong naglakad para hanapin si Samara. Mula kanina ay hindi ko siya nakikita. Hindi ako makapapayag na makuha nila si Samara. Isang kalapastanganan kung pati ang nilalang na hindi kabilang sa kanila ay pilit nilang aangkinin. Sinubukan kong libutin ang buong kaharian dahil wala si Samara sa kanyang silid. May nakapag-sabing lumabas ito kanina at inaya nila na magtungo sa Duevez ngunit ang sagot nito'y magpapahinga lamang siya sandali at agad ding susunod. Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit simula kanina ay hindi ko siya nakita. Kahit pa abala ako sa pakikipag-usap kanina ay hindi ko nalimutang sulyapang ang bawat gilid at hintayin na makita ang presensya niya. Kailangan ko siyang mahanap dahil si Haring Federico at Emperor na si Alucio ay paparating ngayon sa aming kaharian. At mayroon isang Mashkao ang nakapasok na kailangan mahanap ngayon din. Maya-maya ay nasalubong ko si Prinsesa Gracielle. "Hindi mo ba napansin si Samara? Kanina ko pa siya hindi nakikita." Umiling ito habang dala ang palayok na may Vethre. "Hindi ko siya napansin, Kamahalan. Wala ba siya sa kanyang silid?" "Wala siya sa kahit saang sulok. Hindi bale, ako na ang bahalang humanap sa kanya. Akmang aalis ako nang pigilan niya ako. "May kailangan ka bang ipagawa, Kamahalan? Maaari mo 'kong utusan sa kahit na ano. Huwag kang mag-panik." Laking gulat nang hawakan nito ang kamay ko kasabay ng kanyang ngiti kaya naman marahan ko itong inalis. "Inuutusan kita na bumalik doon at asikasuhin ang pagsasaboy ng Vethre, nagkakaintindihan ba tayo, Prinsesa Gracielle?" "Nauunawaan ko, Kamahalan. Sana'y mahanap mo na si Samara." nagbigay galang ito agad ding umalis. Patuloy ako sa paghahanap kay Samara. Habang naglalakad ay may kung anong bahid ng lungkot ang namuo sa 'king dibdib. Hindi ko alam kung bakit labis ang kabang nararamdaman ko tuwing naiisip na baka lumabas si Samara at aksidenteng napahamak at nakuha kung sinomang masamang nilalang. Hanggang sa tuluyan akong pumasok sa isang luma't dulong silid kung saan nakalagay ang mga lumang kristal na nagmula sa binhi. Hanggang sa marating ko na ang pinakadulong bahagi ng Kaharian kung na saan ang bakanteng silid. Ito ay pribadong lugar dahil tanging ako lamang ang maaaring magpunta rito maliban na lang kung may sapat na rason ang sinomang magtatangka at mayro'ng permiso mula sa 'kin. This private room contains a several row of the Haleia Aquarium, with a fine collection of the crystals and diamond stone. Dahan-dahan akong naglakad sa loob at huminto sa tapat ng isang salamin kung saan nakapaloob ang mga kristal at binhi na pinaka-iingat-ingatan ko dahil sa pagdating ng ikatlong propesiya ay sisibol ang kapangyarihan nito't magagamit ko sa pakikipagdigmaan. Kagaya na lamang ng puting binhi na magagamit ko sa darating ng ikatlong propesiya, ito ay magsisilbing proteksyon sa buong Kaharian upang hindi mawasak ng kahit na sinong kalaban ang buong Haleia. Sandali akong napahinto sa tapat ng aquarium. Isang babaeng mala-reyna ang kasuotan ang natatanaw ko sa repleksyon ng salamin. Unti-unting umaangat ang tingin ko hanggang sa ako'y matigilan nang makita ang kabuuan ng kanyang mukha. My heart took a sudden leap when our eyes met. She look deeply at me as if she's trying to dig deep into my soul. Samara? "K-kamahalan?" gulat niyang sambit. Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya at ngayon ay tanaw na tanaw ko ang kanyang magandang mukha. Isama pa ang kasuotang tila tugma sa kanyang kagandahan. Ang kaba na kanina'y nangingibabaw sa 'king dibdib ay napalitan ng hindi mawaring galak. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko nang makita ang mga mata niyang nababalot sa hindi mawaring kaba. Para akong naestawa nang yakapin niya 'ko at ang pangangatog ng kanyang mga kamay ay bigla kong naramdaman. "Isang maitim na nilalang kanina ang pilit akong kinukuha, Kamahalan. Please... dito na lang ako. Nalayo na 'ko sa Lola ko, ayokong malayo pa ng sobra..." Awtomatikong umangat ang kamay ko't niyakap siya pabalik. Hindi ko alam kung bakit nang yakapin ko siya'y nakaramdam ako ng isang pamilyar na presensya. Para bang minsan ko na siyang nahagkan dahil magaan ang loob ko. Wala pa akong nayakap na kahit sino rito sa loob ng kaharian, si Samara pa lamang. "A-ano bang kailangan nila sa 'kin at bakit pilit nila 'kong kinukuha?" kabado niyang tanong. Nang humarap siya sa 'kin ay nanlaki ang mata ko dahil unti-unting siyang nagiging bula't hinihigop ng hangin palayo sa 'kin. Pilit kong inaabot ang kamay niya. "Kamahalan..." Bigla siyang naglaho. Hindi. Hindi maaari! Hintayin mo ako, Samara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD