CHAPTER 7. Indoctrinate

1679 Words
King Dylan Umaga pa lang ay nilibot ko na ang buong kaharian upang magmasid. Mabuti na lang nakarating agad sa lahat ang nangyari kahapon sa Quarel. Kasalukuyan akong naglalakad at hinahanap si Samara para sa panibagong pag-eensayo. Sa 'king paglalakad ay bigla kong nasalubong si Prinsipe Fharo. "Magandang umaga, Kamahalan," bati nito at saka bahagyang yumuko. Binati ko ito pabalik. "Kumusta ang pag-eensayo ng mga taga-lupa?" tanong ko. "Sa ngayon ay si Rigor ang nagmamasid. Ngunit kahapon ay ako ang nagmasid sa Duevez, maayos at tuloy-tuloy ang pag-eensayo ng lahat, Kamahalan. Mangilan-nglan na lang sa kanila ang medyo nahihirapan pa. Ang karamihan sa kanila'y mabilis naunawaan ang mga teknik," sagot nito. "Ikinagagalak kong marinig 'yan lalo ngayon na kailangan na nating maghanda sa posibleng pagsalakay ng mga kalaban. 'Wag mo hayaang lumabas ng kahit na sino rito sa Kaharian. Ipaalam mo rin sa lahat na sa darating na paglubog ng araw ay magkakaroon ng matinding pagpupulong," utos ko. "Masusunod, Kamahalan." yumuko ito't nagbigay paggalang bago tuluyang umalis sa 'king harapan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at maya-maya lang ay biglang sumulpot si Prinsipe Rigor. "Kamahalan, tapos na ang pag-eensayo ng mga taga-lupa maliban kay Samara," bungad niya. "Hahanapin ko lang si Samara at pagkatapos ay susunod na kami sa Duevez." agad akong umalis at nagpatuloy sa paglalakad. Nang marating ko ang silid ni Samara'y wala siya rito. Sandali akong natigilan nang marinig ang boses ng aking kapatid. Nang mapalingon sa may gilid ay nakita kong kausap nito si Samara na ngayon ay iba na ang kasuotan, ang mala-Prinsesang anyo. Mabilis akong nagtago sa may gilid, hindi ko nais makaabala at isiping nakikinig ako sa usapan nila kahit pa iyon ang totoo. "Samara, hindi ganyan ang tamang paglalakad ng isang babae sa loob ng Kaharian. Hindi bale, matututunan mo rin kalaunan," payo ni Spencer. "Pasensya na ah. Wala e, 'di kasi ako sanay. Alam mo naman sa mundo ng mga tao, walang pakialaman kung paano maglakad or what. Basta mabuhay ka lang ng marangal at walang inaapakang ibang tao, sapat na 'yon," paliwanag ni Samara. "It's fine. You look lovely, by the way," sambit ni Spencer at saka siya ngumiti. Hindi na 'ko nagdalawang isip pa na lumapit sa mga ito. "Samara?" pagtawag ko. Natigil ang eksena nila't sabay napalingon sa akin. "Pwede ba kitang makausap?" tanong ko. Tumango naman agad siya. "Spencer, bigyan mo kami ng oras para makapag-usap," tugon ko sa 'king kapatid. Yumuko ito't nagbigay galang, "Masusunod, Kamahalan." Agad na umalis si Spencer kaya naman kaming dalawa na lang ni Samara ang natira. "Gusto ko lang ulit magpasalamat sa pagligtas mo sa 'kin. Hindi ko lubos maisip kung ano pang mangyayari sa Kaharian ng Haleia kung sakaling napaslang ako ni Alucio," tugon ko. "Walang anuman, Kamahalan. Gaya nga ng sabi ko kahapon, tungkulin ko na pagsilbihin ka at ang buong kaharian," nakangiti niyang sambit. "Paumanhin din kung hindi naging maganda ang una nating pagkikita," tugon ko. "Ano ka ba, wala na 'yon. Ngayon ko lang din naalala, Kamahalan, pasensya na sa inasal ko nakaraan," paumanhin niya. "Wala na 'yon, Samara. Handa ka na ba ulit mag-ensayo?" tanong ko. Agad naman itong tumango. •DUEVEZ• "Ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay dalawa ang dulot. Isang positibo, at isang negatibo," tugon ko habang nagpapaulan ng apoy na agad namang naiiwasan at nakokontrol ni Samara. Nakatutuwang isipin na mabilis siyang natututo. "Lahat naman ng bagay na ginagawa ng isang tao, mortal man o imortal, kapag sumobra ay hindi maganda ang kalalabasan," sagot niya habang umiiwas sa mga malalaking apoy dahil isang tama lang nito sa kaniya'y maaari niyang ikapahamak. Palapit ako nang palapit sa kanya habang siya ay patuloy umiiwas. "Batid kong minsan sa buhay mo'y nagawa mong hilingin na sana ay hindi na lang ikaw ang may ganiyang uri ng kakayahan dahil hindi madali, tama ba?" tanong ko. "Aminadong hindi ko matanggap pero wala naman akong magagawa lalo ngayong nakatuntong na 'ko sa totoo kong mundo." sandali siyang huminto dahilan para mapahinto rin ako. "Ikaw ba? Anong mas gusto mo? Ang may kapangyarihan o wala?" tanong niya na hindi ko agad nasagot. "Kung pagbabasehan ang ikatlong propesiya, nanaisin kong maging makapangyarihan sa buong Versaile lalo kung 'yon ang tanging paraan para mapanatili ang kapayapaan sa lahat. Pero kung pagbabasehan ang sarili kong kagustuhan, ayokong mapabilang sa kahit na anong digmaan dahil mas gusto kong mamuhay ng malaya... kagaya mo." ngiting mapait ang pinakawalan ko dahil ang mga sinabi ko'y purong katotohanan. "H'wag ka mag-alala, Kamahalan, pareho na tayong nandito. Alam kong wala akong ideya sa mga kaganapan dito, maging ang tunay kong pagkatao ay hindi ko alam. Isa lang ang nasisiguro ko, at 'yon ay ang pananatili ko rito hanggang sa matapos ang ikatlong propesiya." nang sabihin niya 'yon ay kusang gumuhit ang ngiti sa 'king labi. Nagpatuloy kami sa pag-eensayo't habang tumatagal ay natututunan niya ng husto ang tamang pagkontrol sa kanyang kapangyarihan. Maging ang mga apoy na inilalabas ko ay kaya niyang laruin, paikutin at galaw-galawin sa himpapawid gamit lamang ang kanyang tingin at daliri. Sa mga sandaling pagmamasdan ko siyang hinahasa ang kanyang sarili sa pagkontrol ay may kung anong galak sa puso ko ang namumuo. Tuwing tititigan siya'y may isang bagay na hindi ko mawari, para bang minsan na kaming nagkita. Para bang minsan ko na siyang nakasama. Matapos ang pag-eensayo sa kaniyang kapangyarihan ay sunod na inilabas ko ang matalas na espada. Ito ay pag-aari ko na bigay ni Inang Bathaluman. Marahan kong inabot ang isa pang espada kay Samara. "Hindi ako na-inform na ganito pala kabigat 'to," sambit ni Samara habang pinagmamasdan ang kabuuan ng espada mula sa hawakan hanggang sa dulo nito. "Kalaunan ay masasanay ka rin. Kung ang kapangyarihan mo nga'y nagagawa mo nang kontrolin, pa'no pa kaya ang paghawak sa espadang iyan," tugon ko na mas lalong nagbigay ng pag-asa sa kanya na makakayanan niya ang lahat. Hindi lang ang pagkontrol sa kapangyarihan o paghawak ng espada, pati rin ang mga pagsubok at delubyo na nalalapit nang sumapit. Binigyan ko siya ng mahabang oras para sanayin ang kanyang sarili sa paghawak ng espada kaya naman ingat na ingat siyang iginagalaw ito at hinahampas sa hangin na para bang isang mandirigmang nakikipaglaban. Pinagmamasdan ko lang ito sa kanyang mga galaw at hindi ko inaalis ang aking tingin dahil isang pagkakamali lang ay alam kong maaari niyang masugatan ang kanyang sarili. Maya-maya lang ay natigilan ako nang makita siyang tumigil at naglakad palapit sa 'kin. The hint of a smile tugged at the corner of her mouth. "Can we start? Malakas ang paniniwala kong kaya ko na at mas makakayanan ko kung kasama kita." Agad kong inilabas ang aking espada at saka siya nginitian. Sinimulan na namin ang pag-eesayo. At dahil siya ang nagtataglay ng pinaka-mapanganib ng kapangyarihan ay tungkulin niyang mahasa sa pakikipagdigmaan. "Hindi ka ba natatakot na baka isang araw ay muli kang bawian ng buhay?" tanong niya habang patuloy na iniiwasan ang aking espada at dinedepensahan ang kanyang sarili. "Nang tanggapin ko ang aking kapalaran bilang isang Hari ko ay tinanggap ko na rin na ang buhay ko ay maaaring magwakas o 'di kaya'y magpatuloy. Kahit pa gaano kalakas ang kapangyarihan natin ay maaari pa rin tayong mauwi sa kamatayan kagaya ng mga mortal, iyon nga lang ay hindi tayo nauubusan ng oportunidad na mabuhay," paliwanag ko rito. Napatango naman siya. "Pero, 'di ba... the greater the power, the longer the life. If I'm not mistaken..." sambit niya. Bakas sa mukha na ito na nabibigatan siya sa espada, gayunpaman ay pilit niya itong dinadala't maingat na hinahampas upang labanan ako. "Precisely. Using power makes us stronger and unique. Most of us live long lives," I said. "Sa kasamaang palad ay hindi ako kabilang sa mga imortal na nabuhay ng ilang daang taon, kaya't tulad mo rin akong nangangapa sa kung ano nga bang papel ko sa kaharian bukod sa pagkakaroon ng malaking posisyon." "So, hindi mo rin maalalaa ang nakaraan mo?" tanong na nagdulot ng kirot sa 'king dibdib dahilan para bumagal ang aming pag-eespadahan. "Tuwing nagbabalik mandit ako sa 'king nakaraan, hindi pa rin sapat dahil may iilang senaryo na kahit anong pilit kong pag-iisip ay nauuwi sa wala. Kagaya ng aking pagkamatay sa nagdaang siglo, hindi ko alam ang tunay na rason. Ngunit sa kasulatan ng ikalawang propesiya ay nakalahad na isang Tawag ng Kadiliman ang pumaslang sa 'kin." Patuloy lamang kami sa paghampas ng espada at sinisiguro kong sa bawat galaw ko'y 'di ko siya matatamaan o mababahiran ng sugat sa anumang parte ng kanyang katawan. "Hindi ba nabanggit sa kasulatan o wala ka man lang bang ideya sa mga posibleng rason kung bakit ka niya pinatay?" tanong niya. Sandali akong natigilan. Ang atensyon ko'y nakatuon lang sa mga mata niya. Nagmistulang estatwa kaming dalawa nang mahinto kami sa isang posisyon kung saan naka-kros ang espada naming dalawa sa isa't isa na para bang sa pagitan namin ay mayroong digmaan. "Kapangyarihan at pag-ibig lang ang posibleng rason." awtomatikong nagtama ang mga namin, "Love has the power to control everything, which sometimes leads to more prolonged uncertainty, sorrow at the same time is genuine happiness." "Gano'n din ang kapangyarihan. Power has no love for anyone, which sometimes makes us cruel, and blinded by the truth. Kaya nga kapag nasobrahan at hindi alam kontrolin, nakakasakit tayo ng iba." I felt a searing pain after hearing those words. "Kaya hangga't maaari ay ayokong umibig. Sa sitwasyon ngayon ng Kaharian ay mas kailangan nito ng tapat na mamumuno at hindi magsasawang protektahan ang lahat. Nawa'y ganito rin ang pananaw mo, Samara. Kagaya noong unang araw ng iyong pag-eensayo, huwag mong hahayaang kainin ka ng emosyon mo lalo sa paggamit ng kapangyarihan. Dahil kung minsan, hindi kalaban ang makapapatay sa 'tin, kung hindi... ang sarili nating repleksyon." Ang mga sandaling iyon ay maituturing na makabuluhang pangyayari sa pagitan namin ni Samara dahil bukod sa pag-eensayo ay nagkaroon kami ng malalaim na komunikasyon. Nang matapos kami ay agad ko siyang pinabalik sa kanyang silid para magpahinga dahil sa paglubog ng araw ay kinakailangang dumalo ang lahat sa pagpupulong na gaganapin din sa Duevez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD