CHAPTER 9. Realm

2272 Words
Samara Pagmulat ng aking mata ay bumungad ang isang lalaking balot na balot sa itim na kasuotan. Hanggang sa matanaw ko sa malayo ang isang lalaking pamilyar ang mukha, siya si Alucio. Ang lalaki kahapon na muntik pumatay kay Haring Dylan. Nakapaligid din sa amin ang maraming nilalang na sa palagay ko'y kasama nila. "Ikaw na naman? Ano bang kailangan mo sa 'kin?!" sigaw ko. "Ikaw ang kailangan ko. Dahil ikaw ang Tawag ng Kadiliman," nakangisi niyang sagot. "Lubayan mo 'ko dahil hinding-hindi ako sasama sa 'yo!" sigaw ko dahilan para manlisik ang mga mata niya. Bigla na lang akong nakalanghap ng kakaibang amoy hanggang sa ang mga mata ko'y unti-unting bumibigat at tuluyan nang bumagsak. IMINULAT kong muli ang mata ko at tumambad ang isang lugar na tila pamilyar. Na sa… Quarel ako? Mabilis akong bumangon at akmang maglalakad ako nang mabunggo ko ang isang lalaki at pag-angat ng ulo ko ay napagtantong si Alucio na naman. Bigla na lang niya 'kong pinuwersa't hinakawan ang magkabilaan kong braso paharap sa isang lalaking mala-hari ang kasuotan. Hindi si Haring Spencer, at mas lalong hindi siya si Haring Dylan. "Kamahalan, siya po ang tinutukoy ko," sambit ni Alucio. Muli akong nagpumiglas. "Bitawan mo 'ko!" pilit kong inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Alucio pero lalo niya pa itong hinigpitan. "Just do what I say! Lumapit ka sa kanya!" utos niya habang itinutulak ako papunta sa hari na ngayon ay natatanaw kong nakatitig sa 'kin ng seryoso. "Sinabing ayoko, 'di ba? Pakawalan niyo ako ngayon din dahil hindi ko kayo kilala!" "Kanina ka pa hinihintay ni Kamahalan, 'wag mong hintayin na balutin ka pa ng itim na usok bago ka tuluyang sumunod!" akmang hihilain niya 'ko pero… "Enough, Alucio!" the king barely seemed to raised his voice. Sandali akong natigilan nang maglakad ang hari palapit sa 'kin. "So, you are Samara Roce?" the King murmured. I realized how very close he was to me. Sino ba siya? "Ako nga. So, anong kailangan mo sa 'kin?" hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus tinitigan niya 'ko mula ulo hanggang paa. "Is it true? Can you summon dark?" tanong na hindi ko agad nasagot. Napatingin ako sa paligid at ang lahat ng atensyon nila ay na sa akin. Ano ba kasing kailangan nila sa 'kin? "Show me your power, now." napalunok ako nang magawi ang tingin ko sa Hari. Sa halip na sundin siya ay pinili kong mag-isip kung ano bang dapat gawin. Hangang sa tumalikod ako at mabilis na tumakbo. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko'y napahinto ako nang paligiran ako ng itim na usok "Gawin mo ang sinabi ko. Ipakita mo sa 'kin ang kapangyarihan mo, ngayon din!" mariin niyang sinabi. "There was nothing I could do! Pakawalan mo 'ko dahil wala kang mapapala sa 'kin!" sigaw ko. Mabilis siyang naglakad papunta sa harap ko kasabay ng biglaang paglaho ng itim na usok. "I need you to come back to us, Samara. Hindi ko kailangan ng kapangyarihan mo dahil may sarili ako. All I need is your presence and loyalty. Do you understand?" "Why me? Nanggaling ako sa mundo ng mga tao, wala akong alam sa kaharian ninyo kaya paano mo nasabing ako ang kailangan mo?" "Don't ask so many questions. Give me your hand, Samara." sa mga titig niya'y para bang anumang oras ay magwawala siya sa galit. Ano bang kailangan niya sa 'kin? Bakit ako pa? Nangangatog ang mga kamay ko nang kunin nito ang kanyang espada sa kanyang tagiliran. Kitang-kita ang talas nito't nakakakabang tingnan. "Give me your hand!" he said intensely as if he's going to kill me. Hindi ko inabot ang kamay ko bagkus nanatiling nakatitig sa kanya. Nang mahalata niyang 'di ko siya balak sundin ay sapilitan niyang hinila ang kamay ko't hinarap ang palad ko. Wala na 'kong nagawa pa nang unti-unti niyang hiwain ang balat ko gamit ang espada dahilan para dumaing ako at ang dugo'y nagsimula nang dumanak. Buong akala ko'y magtatagal ang sakit, ngunit mali dahil bigla na lang itong namanhid at tumigil sa pagdurugo. Pain rushed through me. I felt something hot press against the inside of my wounded arm. An then, I saw a thick and dark smoke burst out of the darkness as if they'd been stuck inside me. Ang mga itim na usok ay unti-unti kaming pinaliligiran. Sa mga sandaling iyon ay nakita ko ang pamamangha ng lahat. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat na may halong ngiti habang ang buong paligid ay nababalot ng kadiliman. Hindi ko maintindihan ang senaryo ngayon. Bakit nang sugatan niya ako ay biglang may lumabas na itim na usok o sa madaling salita'y kadiliman. Simbolo ang kadiliman ng kasamaan, ngunit anong kahulugan nito? I swallowed my fear. My throat was dry, and my heart was screaming, but I knew I had to do something. To escape from him and this place. Pinili kong manahimik at pilit nilalabanan ang kaba na baka ano mang oras ay kitilan niya 'ko ng buhay. "Tama ang aking pangitain, ikaw nga ang Tawag ng Kadiliman," sambit ng hari. Dahan-dahan niya inilapit ang mukha niya sa 'kin. Nagulat na lang ako nang hawiin niya ang buhok ko sa 'king tainga at haplusin ang aking pisngi. "Darling, I've been waiting for you for a long time." bigla akong naguluhan sa sinabi niya. "How could you act that way during the first meet with a stranger? Don't call me darling 'cause I don't know you," seryoso kong sinabi dahilan para umiling ito. Mabilis kong inilagay ang kamay ko sa 'king likuran upang hindi na maulit pa ang nangyari kanina. "I am King Federico from the Kingdom of Gusion, the powerful sovereign in the Land of Versaile. Don't you remember me?" titig na titig ito sa mata ko't hindi ko mawari kung dapat ba siyang kaawaan sa mga mata niya. "Hindi kita kilala! Pwede bang 'wag mo 'kong pinagloloko? Kung may isang kaharian man na kinabibilangan ko, 'yon ay walang iba kung hindi ang Kaharian ng Haleia." awtomatikong gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang labi. Muli nitong hinawakan ang aking pisngi at saka pinakatitigan, "My Kingdom is your home, Samara - where you belong most." May kung anong bigat ang namuo sa 'king dibdib nang titigan ko ang mata niya pabalik. Tuwing matutuon ang atensyon ko sa mga mata niyang may ibang ibig sabihin ay para bang hinihila ako ng presensya niya. But no. I don't belong here. "I belong to the Kingdom of Haleia, not in your place. So, please let me go. Hayaan mo 'kong bumalik sa totoong kaharian na kinabibilangan ko." mabilis akong tumalikod at sinimulang maglakad dala ang poot sa 'king dibdib. Hindi ko na maunawaan pa ang mga nangyayari. Bakit ba pinipilit niya na sa Kaharian ng Gusio ako nagmula? "Hindi ka maaaring umalis!" sigaw niya. Nagulat na lang ako nang makitang na sa harap ko na siya. "You need to stay in our realm, where you belong to. No arguing with me about that at all, Samara. Just come with me." Hindi ko mawari kung bakit nang titigan ko siyang muli ay nakaramdam ako ng kirot sa 'king dibdib. Kahit pa wala akong ideya sa mga pinagsasabi niya ay para bang may parte sa aking pagkatao na gusto siyang pakinggan. Ngunit tuwing maiisip ko si Haring Dylan ay biglang nagbabago ang pananaw ko. Kung papipiliin, kahit pa hindi ko alam ang aking nakaraan ay mas gusto kong mamalagi sa Kaharian ng Haleia. I'm sorry, King Federico, but I have to go back to the Kingdom of Haleia. I tried to ignore King Federico. Dinaanan ko lang ito at maya-maya lang ay bigla kong naramdaman ang hanging kumokontrol sa 'kin. Hindi ko magalaw ang mga paa ko. Pilit ko itong hinahakbang pero walang saysay dahil mas malakas ang hanging kumokontrol sa 'kin. Hanggang sa mamuo ang galit sa 'king dibdib. Kusa kong nailabas ang enerhiya sa 'king katawan at ang hanging kumokontrol sa 'kin ay pilit kong nilalabanan. Ngunit… hindi ako makapaniwala dahil hindi ko ito kayang kontrolin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nabigo akong sarili kong kapangyarihan. "Alam kong hindi ko pa magawang ipaliwanag sa 'yo ang lahat at natitiyak kong hindi ka pa handa. Gusto ko lang na ipabatid sa 'yo na hindi tayo magkalaban dahil dito ka nabibilang, Samara. Ilang beses ko bang dapat ulitin sa 'yo ang katotohanan? Bakit hindi mo 'ko magawang paniwalaan?" Maya-maya lang ay lumapit ang isang babaeng sa palagay ko'y isang Prinsesa o alipin, nakasuot ito ng kulay pulang bestida, inabot niya sa hari ang isang palayok at saka nito inilapit sa 'kin. Unti-unti kong nalalanghap ang kakaibang amoy, hindi mabaho ngunit mabagsik sa ilong. Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko, para bang ito'y babagsak na. Sa mga oras na 'to ay muling nanumbalik ang ala-ala namin ni Lola. Ito na ba ang katapusan ko? Saang Kaharian nga ba 'ko nanggaling? Ito nga ba ang kapalaran ko? Ang paggpasa-pasahan ng mga hari't 'di mawari kung saang Kaharian ako nabibilang? Ilang sandali pa ay nasilayan ko ang isang lalaking matipuno at mala-hari din ang kasuotan at tila pamilyar ang mukha. Mabilis itong naglaho at laking gulat nang makitang na sa harap ko na siya't kaming dalawa'y narito sa gilid. Buhat niya 'ko, at ngayon ay malayo na kami kay Federico. Sa pagkakataong ito ay bumilis ang t***k ng puso ko. "Kamahalan…" tangi kong nasabi. 'Di ako nagkakamali, siya nga si Haring Dylan. "Patawarin mo 'ko kung hindi ako naging maagap." dahan-dahan niya 'kong inihiga sa isang tabi at saka siya tumayo at naglakad palapit ng kaunti kay Haring Federico. King Dylan Bahagya kong inihakbang ang paa ko palapit kay Federico habang ang mga kasamahan nito maging si Alucio ay na sa kanyang likuran. "Hindi makatarungan na pwersahin ang isang nilalang na hindi naman kabilang sa 'yong nasasakupan. Huwag mo nang dagdagan ang panggugulo niyo sa 'min, Federico. Kung iniisip mong si Samara ay kabilang sa inyo, nagkakamali ka," tugon ko kasabay ng seryosong titig. "Hindi ka sigurado sa sinasabi mo, Dylan. Malakas ang kutob ko na siya ang-" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang hawakan siya sa balikat ni Alucio at sandaling binulungan. Bigla na lang yumuko si Federico at pagtingala nito'y nanlilisik na ang kaniyang mga mata. Nagawi ang tingin niya kay Samara at mabilis siyang naglabas ng itim na usok at ako'y pinaligiran nito. Hindi ko nagawang igalaw ang mga kamay at paa ko. Dali-dali siyang lumapit kay Samara at nang bubuhatin niya ito'y bigla na lang lumindol ng napakalakas kasabay na nakakikilabot na kidlat dahilan para mapahinto siya. Doon ay sumulpot si Spencer at Prinsesa Gracielle. Sandali namang nawala ang itim na usok sa 'king paligid kaya't agad akong naglaho't pumunta kay Samara. Bahagyang humakbang si Spencer palapit kay Federico. "Nagpunta ako sa mundo ng mga tao para sunduin si Samara at ibalik sa Kaharian ng Haleia, kaya anong karapatan mo para angkinin ang isang nilalang na hindi kabilang sa nasasakupan mo? Kung gusto mo ng gulo, 'wag kang gumamit ng ibang nilalang. Takot ka ba na malamangan kaya't naghahanap ka ng malilinlang?" sunod-sunod nitong sinabi habang nakangisi na siya namang ikinagalit ni Federico. "Ngayon ko lang nasaksihan ang kayabangan ng pangalawang hari sa Kaharian ng Haleia. Para sa kamalayan ninyong lahat, si Samara ay sa 'min nabibilang! Nasisiguro kong tama ang pangitain ko't sa oras na lumabas ang totoo…" pumikit ito at muli ring dumilat bago ituloy ang sasabihin, "Ikapapahamak ng buong Kaharian ng Haleia ang desisyon niyong angkinin ang matagal ng sa akin!" "Hinding-hindi ako magiging sa 'yo! Mas pipiliin kong mabuhay na lang sa mundo ng mga tao kaysa mapunta sa 'yo!" sigaw ni Samara na ngayon ay na sa gilid. "At kung may hari man na dapat kong pagsilbihan…" lumakad si Samara palapit dito at sinabi, "Iyon ay walang iba kung hindi si Haring Dylan." "Samara, sumama ka sa 'min ngayon na! Sa akin ka maniwala, huwag sa kanila!" pagkukumbinsi ni Federico. Akmang hahawakan niya ang pisngi ni Samara pero mabilis akong naglaho papunta kay Samara at agad hinawi ang kamay niya. "Is it not enough that he choose me over you? Sapat na siguro 'yon para umalis ka." I smiled evilly. Pilit siyang lumalapit kay Samara. Kusa kong naramdaman ang galit. Masyado niyang minamaliit ang kakayahan ko kaya ba hindi niya magawang pakinggang ang aking pakiwari na tantanan si Samara? Nangingibabaw ang galit sa 'king pagkatao tuwing naiisip na kukunin niya si Samara. Anumang oras ay para bang sasabog ako sa galit. I didn't want to inflame the situation, but I can't stop myself. I took my anger from within profound depths of my heart and pulled it toward my chest. Cursing aloud, I then aimed, releasing a large burst of fire and throwing it in the land. Lahat ng kanyang kasama ay 'di ko inaasahang mapapatalsik ko't maging silang dalawa ni Alucio ay nakahilata na sa sahig. Masyadong malakas ang enerhiyang nailabas ko kaya naman bakas sa itsura nila ang pagkagulat. Dahan-dahan akong naglakad at pinakatitigan si Federico. "Stay away from Samara unless I undeniably and gives you permission to touch her!" I exclaimed, horrified. "One more step, Federico, you will regret it for the rest of your life. I was hoping you wouldn't give me a spectacular reason to make your soul out of your Kingdom. I don't kill pointlessly unless someone dares to steal my property." Mabilis siyang bumangon at lumapit sa 'kin. Muli, pinakawalan niya ang isang mapait na ngiti. "She may choose you for a while, but she will never be yours." Sa isang iglap ay bigla siyang naglaho kasama si Alucio at ang iba pa niyang kasapi sa Kaharian ng Gusio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD