CHAPTER 6: Dark Summoner

1640 Words
King Dylan Kasalukuyan akong naririto sa Rafas, ang lahat ng madadaan ko ay walang sawa akong binabati at sinasalubong ng ngiti kasabay ng pagyuko tanda ng paggalang sa akin. "Kamahalan, mabuti at naparito ka. Ikinagagalak po namin na makita ka rito sa Rafas," ani ng isang matanda na kanina'y abala sa pagsasalin ng langis sa palayok. Ang langis na kilala sa katawagang Vethre bilang pangontra sa mga masasamang elemento mula sa ibang panig ng Versaile. "Salamat sa pagtanggap, pero ang totoo ay nais ko lang sana mahanap si Inang Bathaluman. Hindi ko alam kung saan siya naglalagi dahil bihira lamang siya magpunta sa loob ng Kaharian." umaasa akong may makapagsasabi sa 'king kung na saan siya. "Paumanhin, Kamahalan, pero matagal na ring hindi nagpapakita sa 'min si Inang Bathaluman," sagot niya. "Hindi na bale. Ako na ang bahala. Salamat sa pagsagot." tuluyan na 'kong umalis. Patuloy akong naglalakbay sa Rafas, at ang lahat ay abala sa kani-kanilang tungkulin na pangalagaan ang kanilang lugar. Ang Rafas ay kilala rin bilang isang lugar na maraming halamang gamot, mga punong nagbibigay ng enerhiya at buhay sa mga taong may dinaramdam at nag-aagaw buhay. Sa kasamaang palad ay may iilang nilalang na hindi nito kayang buhayin o pagalingin. Gayunpaman, lahat ng nilalang na nakatira rito ay imortal din gaya namin dahil lahat ay may kani-kanilang kwintas na nagsisilbi nilang agimat. Lahat ng naririto ay may kakayahang manggamot o magpagaling. Napahinto ako nang makita ang isang nilalang sa may gilid, hindi pamilyar ang mukha, nakatitig ito sa 'kin. Matangos ang ilong nito na may morenang kutis at maamong mukha. Dahan-dahan itong naglakad at laking gulat nang huminto siya sa harap ko. "Hindi mo na 'ko maalala? Hindi ba't ako ang hinahanap mo?" halos manlaki ang mata ko nang matauhan sa kanyang sinabi. "Inang Bathaluman?" tanong ko. Ngumiti ito. "Ibinalik ko lang ang itsura ko no'ng ako'y dalaga, pero ako pa rin ito, si Inang Bathaluman." "Akala ko kung sinong magandang babae ang nakatitig sa 'kin. Ikaw pala," tugon ko. "Maganda ba?" tanong niya dahilan para mapatitig ako sa kanyang mukha. Aminado akong bumata at gumanda siya kumpara noong huling kita namin ay na sa edad cuarenta ang kanyang itsura. "Sa itsura mo ngayon ay maaari kang maibigan ng aking kapatid," biro ko. "May nakapagsabing hindi ka na naglalagi rito, na saan ka sa mga nagdaang panahon?" Umiling ito at saka tumalikod, "You know that I am someone who isn't originally from this world. I used to be human before being the Divine Amity. Nang mamaalam ako sa 'yo ay sinubukan kong mamalagi sa mundo ng mga tao. But when I came there, I was incompatible. Abusado ang mga tao kaya napagdesisyunan ko na rin bumalik dito pero hindi ibig sabihin no'n ay palagi akong magpapakita sa buong Kaharian." "Naiintindihan ko, Inang Bathaluman. May mga katanungan lang ako sa 'yo kaya ako naparito. Sa kasamaang palad ay isang pakikipag-sagupaan ang nangyari kanina sa Quarel bago ako makarating dito sa Rafas." nang sabihin ko 'yon ay bigla na lang may dumaan na mga ibon sa himpapawid. Dinig na dinig ang mga ito sa buong paligid kaya naman ang lahat ay naalarma at mabilis na nag-saboy ng Vethre sa paligid. Uwak Tunog na muling umalingawngaw mula sa mga itim na ibo na dumaan sa himpapawid. Sabay kaming napatingala ni Inang Bathaluman. "Hindi maganda ang kutob ko sa mga itim na ibon na 'yon. Natitiyak kong may delubyong parating," sambit niya. "Kasalukuyang nag-eensayo ang lahat sa loob ng Kaharian, 'wag kang mabahala," sagot ko. Tumango naman ito. "Dylan, sumunod ka sa 'kin." agad kaming umalis sa bahaging iyon at pumaroon sa pinakadulo nitong Rafas. •OIKOS DIVINE AMITY• Kasalukuyan kaming naririto ni Inang Bathaluman sa kaniyang tirahan na pinililigiran ng mga makukulay at mababangong bulaklak. "By the way, pasensya ka na kung ganito ang pananalita ko. Sa mundo ng mga tao, mahigpit kong iniwasan ang paggamit ng matalinghaga dahil magiging weirdo ang pananaw sa 'kin ng karamihan. Alam kong ganito ka rin sa una dahil ranas mo rin." nang sabihin niya 'yon ay agad ko siyang nginitian. "No worries. Gano'n din naman ang iilang imortal na taga-lupa at kaya ko naman makisabay," sagot ko. Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang paligid habang siya ay abalang nagsasaboy ng Vethre sa paligid. Kahit pa ako ang hari ay ngayon ko lamang napuntahan ang kanyang tirahan dahil bihira lamang ako lumabas ng kaharian. Nang matapos siya ginagawa niya'y sandali siya lumapit sa 'kin at saka tiningnan ang palad ko. "Tell me what happened in the Quarel? Anong nakita mo? Saan sila nagmula?" Bigla akong napatayo at napaisip. Naalala ko bigla ang nangyari kanina sa Quarel. Kung paano sumulpot ang mga itim na nilalang o ang apat na Mashkao mula sa makapal at itim na usok. "Inatake ako ng apat na Mashkao at ni Alucio. Bigla na lang silang sumulpot sa Quarel, pero bago nila ipakita ng sarili nila'y isang makapal at itim na usok ang nakapaligid sa kanila. Si Alucio ang huling umatake sa 'kin, at halos patayin niya 'ko pero…" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Napatingin ako kay Inang Bathaluman na ngayon ay seryosong nag-aabang ng sagot ko. "Bigla na lang dumating si Samara. Iniligtas niya 'ko. At nang magtama ang mga mata namin ay bigla na lang kumislap ang kwintas ko…kulay puti. Hindi ko alam kung bakit at ano ang kahulugan no'n." Lumapit siya sa 'kin at muling hinawakan ang palad ko. Nang basahin niya ito ay hindi ko maipinta ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanlalaki ang mata nitong nakatitig sa 'king palad. "You're not safe, Dylan," umiiling nitong sabi sa 'kin. "B-bakit?" "She's back." hindi ko pa man alam kung sinong tinutukoy niya'y ramdam ko na ang kaba. "The one who killed you in your past life." hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Halos lamunin ako ng makapal na hangin habang iniisip kung sino iyon. Lumapit ako sa kanya't seryoso siyang tinitigan."Tell me what happened in my past? If you know the answer, please tell me who killed me?" Hindi agad siya nakakibo pero sa itsura niya'y bakas na para bang gusto niyang malaman ko ngunit hirap siyang sabihin. "You won't believe me, Dylan, but it was a Dark Summoner," sagot niya na hindi ko agad magawang paniwalaan. Isa pa, hindi ko rin naman alam kung sino iyon. "What do you mean? Isa pa, bakit ngayon mo lang sinabi?" pagtataka kong itinanong, pero hindi agad siya nakasagot. Bigla kong naalala ang sinabi kanina ni Alucio. "Bring me the Dark Summoner. Hindi ko itutuloy ang pagsalakay kung ibibigay mo ang kailangan ko!" "Dark Summoner? Iyan ang pilit na hinahanap sa 'kin ni Alucio nang atakihin niya 'ko," tugon ko. Bigla na lang siyang umiling. "Nagkaroon ako ng prediksyon kanina nang basahin ko ang palad mo. Ang nilalang na pumatay sa 'yo sa nagdaang siglo ay nagtataglay ng pinaka-mapanganib na kapangyarihan sa buong Versaile." huminga ito ng malalim bago muling magsalita, "Hindi ko siya kilala. Maging ang itsura niya sa nagdaang siglo ay hindi ko magawang makita sa 'king Ginintuang Maskara. Hindi ko rin magawang makita ang nakaraan ninyo at ang rason nang pagpatay niya sa 'yo. Ang nasisiguro ko lang ay kaya niyang higupin ang kahit na anong kapangyarihan, kaya rin niyang kontrolin ang mga bagay-bagay, at maging ang kilos ng kahit sino. Siya ang Tawag ng Kadiliman." Napalunok na lang ako sa mga sinabi niya. "Si Samara ang nagtataglay ng pinakamapanganib na kapangyarihan, kagaya ng sinasabi mo. Gaya ng sabi ko, siya ang nagligtas sa 'kin kanina. Isa siyang imortal na nagmula sa mundo ng mga tao. Hindi maganda ang una naming pagtatagpo dahil kahit anong pilit ko'y 'di ko magawang basahin ang pagkatao niya." pabalik-balik ang lakad ko't hindi mapakali kaiisip kung sino ba ang tunay na pumatay sa 'kin na ngayon ay dumating? At sino nga ba si Samara? "Wala ka bang ibang napansin sa babaeng tinutukoy mo? Paano ka nakasisigurong siya ang may pinaka-mapanganib na kapangyarihan?" bigla na lang akong napaisip sa sinabi niyang iyon. Hindi maaaring magkamali ang pinakamaliit na kristal. Isa pa, saksi ako sa kapangyarihan na ipinamalas niya noong naroon kami sa Duevez lalo kaninang iniligtas niya 'ko. "Dylan, you're not paying attention, are you?" "Paumanhin, ano 'yon?" Naglakad ito palapit sa 'kin at tumigil sa harap ko. "Kailangan mong pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas sa mga imortal na taga-lupa. Lahat ng klase ng pag-eensayo ay dapat mong maituro sa kanila. Malapit nang sumapit ang ikatlong propesiya, hindi mo pwedeng kaligtaan kung ano ang dapat, Dylan." "Paano ang kwintas? Hindi ko pwedeng ipagpaliban ang pagkislap nito. Pakiusap, Inang Bathaluman, tulungan mo 'ko na alamin ang nakaraan ko," hiling ko rito. "Kilalanin mo ng husto ang babaeng tinutukoy mo. Siguro naman ay magagawa mo 'yon habang inaasikaso ang pag-eensayo sa mga imortal na taga-lupa. Ang mga nilalang sa Kaharian ng Gusio ay hindi ninyo kakayanin sa isang digmaan lang dahil masyado silang malakas," sambit niya. "Kung lumipas man ang mahabang pag-eensayo pero hindi mo pa rin magawang basahin ang pagkatao ng babaeng iyon…" suminghap ito ng hangin at saka tumingala bago muling magsalita, "You have to wait for him— the Arcane mage with his tarragon. He knows everything about the past, the first and second prophecy. Kaya rin niyang tukuyin ang kahulugan nang pagkislap ng iyong kwintas. Ngunit may ibang paraan, iyon ay ang kaniyang ritwal at seremonya na ginagawa." "Huwag kang mag-alala, Inang Bathaluman. Hihintayin ko siya at gagawin ko ang lahat para sa aking Kaharian." Huminga ito ng malalim at saka nito inilapit ang kanyang mukha sa 'kin. "Alam kong hindi pa katagalan ang pananatili mo sa Kaharian ng Haleia pero bilang hari, tungkulin mo na pangalagaan ang nasasakupan mo, Dylan. Mag-iingat ka sa bawat galaw at desisyon mo dahil isang pagkakamali ng isang hari, apektado ang buong kaharian." Sumang-ayon ko at mabilis na nagpaalam pabalik sa Kaharian ng Haleia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD