Chapter 2. Tornado

1118 Words
Samara •Human world• KASALUKUYAN akong nakatayo sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang aking repleksyon. Kinalakahin ko na ang parating pagsasalamin hindi para budburan ang pisngi ko ng mga kolorete kung hindi para magsanay. Bata pa lamang ay mulat na 'ko sa kakaibang kakayahan na mayro'n ako. Sinabi sa 'kin ni lola na ang pagkontrol sa lahat ng bagay ay dapat kong mahasa sa aking sarili. Sa pamamagitan ng mga mata ko ay nagagawa kong pagalawin ang anumang bagay. Ang kilos ng tao ay kaya ko ring kontrolin. Kahit 'di sabihin ay alam kong maraming humihiling na magkaroon ng ganitong kakayahan. Hindi ba dapat akong matuwa dahil kakaiba ako? Mali. Dahil ang pagkakaroon ng ganitong kakayahan ay hindi madali. Bukod sa wala akong kaibigan ay palagi lang akong na sa bahay, kasama ang lola ko na siyang nagpalaki sa 'kin. Stupida, baduy, lampa at weirdo kung ako ay tawagin sa eskwelahan sa kadahilanang kailanman ay 'di ko nagawang makisalamuha sa kahit na sino at hindi lumalaban kahit pa tampulan ako ng tukso. Noon pa lamang na matukslasan ko ang taglay na mayro'n ako ay 'di ko na ito matanggap. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at hinarap ang katotohanang iba ako sa mga tao. Kung minsan tuloy ay 'di ko maiwasang isipin na baka ang tulad ko'y nakatakdang lumaban sa mga makakapangyarihang nilalang. Sa inip ay 'di ko inaasahang mapalutang ang salamin dahilan para paalalahanan ako muli ni lola. "Samara, kontrolin mo ang sarili mo. Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay kung ganiyan palagi," paalala niya. "Pasensya na Lola, nawala ako sa pokus," sagot ko. Tinitigan kong maigi ang salamin at sinubukang hindi ito pagalawin. Sa wakas, nagawa ko rin. Lumapit si lola sa 'kin at sinabi, "Apo, ang pagkontrol ay 'wag na 'wag mong gagamitan ng emosyon. Sa oras na madala ka sa nararamdaman mo, mahihirapan kang pigilan ang sarili mo. Hindi ba't matagal ko nang bilin 'yan sa 'yo?" "Pero, wala naman po akong nararamdamang kahit na ano, ba't napagalaw ko?" napahawak na lang ako sa 'king batok. "Samara." "Po?" "Anong na sa isip mo bago mo 'yon mapagalaw?" tanong ni Lola. Bigla akong natauhan nang maalala na pagsisisi sa kakayahang mayro'n ako ang na sa isip ko bago magawa ang bagay na 'yon. Napahawak na lang ako sa mukha ko. "Sorry po, nawala sa isip ko," tugon ko sabay kamot ng ulo. "Apo, tatandaan mo palagi na mapanlinlang 'yan." itinuro niya ang parte ng aking utak. "Sa oras na kainin ka ng sarili mong isip, may mamumuong emosyon na 'di mo namamalayan. At sa oras na lamunin ka ng damdamin mo ay magiging sagabal 'yon sa pagkontrol mo. Mahihirapan kang pigilan 'yang kakayahan mo." "Lagi mong tatandaan 'yan kahit na sa'n ka, apo," sunod-sunod na sambit ni lola. "Opo lola," sagot ko. Muli akong humarap sa salamin. Sa halip na magsanay ay pinili kong pumasok muna sa eskwelahan. Narating ko ang pintuan bago tuluyang mamaalam kay Lola. "Mauna na po ako, Lola." hinalikan ko ito sa pisngi at saka ngumiti. "Mag-ingat ka, Samara. Ang bilin ko 'wag mo kalimutan." isang malawak na ngiti ang kanyang pinakawalan at tuluyan na 'kong maglakad palayo. Nakakailang hakbang pa lang ako ay biglang humangin ng malakas kasabay ng maulap na panahon. Nang iangat ko ang aking ulo sa kalangitan ay natanaw ko ang isang makintab na bagay na lumilipad sa ere. Ano 'yon? Sandali kong pinunasan ang mata ko gamit ang palad at muli itong tiningnan. Hindi sapat ang distansya para matukoy kung ano iyon pero para bang isa itong bato na umiilaw. May gano'n ba? 'Di ba 'ko namamalikmata? Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. I'm trying to convince myself that it was just a work of my imagination or should I say... hallucination? Nagpatuloy ako sa paglalakad habang dinadama ang ganda ng panahon. Malapit na matapos ang klase, oras na para magbakasyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong balak na gawin. Well, it's me. I was just a simple girl who didn't have an interest in anything. Still, inside that, there are many questions that I've been trying to deal with and ignoring in hopes that perhaps time will answer it— my undescribable ability. I'm just a person who wanted not nothing more than just to spend time alone in my room, infront of the mirror with my grandmother. Siya lang ang kinalakihan ko dahil bata pa lang ay wala na 'kong mga magulang. Hindi ko alam ang kanilang itsura maging sa larawan ay 'di ko nasilayan ang mukha nila. Hindi na 'yon malaking bagay pa sa 'kin dahil ang pagmamahal at pag-aaruga ni Lola ay sapat na. Isa sa bilin ni Lola ay huwag muna akong mag-aasawa o magpapaligaw sa kahit na sino. Sa kagustuhang matupad iyon, hindi ako nakikisalamuha sa mga kalalakihan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka ako ay nakatakdang ikasal sa kung sino mang nilalang. Ang pagiging kakaiba ko ba'y mayro'ng hangarin? Kung gano'n, ano naman kayang nakatakda sa 'kin? Tanging sa pelikula ko lang natutunghayan ang mga gano'ng sernayo. Iyong bang may misyon ang bida na dapat matapos kaya't marami siyang padaraanang pasakit. But I can't stop thinking, what's the purpose of having this unbelievable ability? MAHABANG oras ang tinahak ko sa klase ngayong araw. Oras na para umuwi. Kasalukuyan akong naglalakad, malapit na ako sa bahay. Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nakikita ko, kaakibat noon ay ang katanungan kung bakit? Ang bahay na tinitirahan namin ni Lola ay malayo sa mga tao. Na sa pinakadulo kami nitong baryo o kilala sa katawagang Baryo Sinag, kung saan ang bahay ay hiwa-hiwalay. Wala kaming kapitbahay at ang bahay namin ni lola ay nakasentro sa araw kaya tuwing umaga'y sinag ng araw ang nagsisilbing panggising sa 'kin. Wala pa man ako sa bahay nang mapahinto ako sa lakas ng hangin. Unti-unting lumalakas ang hangin kasabay ng paghigop nito sa mga dahong lagas. Kakaiba ang pakiramdam ko sa hanging dumadampi sa 'king balat hanggang sa... "Esperanza...". Isang boses mula sa tinig ng lalaki na napakalalim. Lumingon ako pero walang kahit na sinong tao sa paligid maliban sa 'kin. Doon ay nakaramdam ako ng kaba at napayakap sa 'king sarili. Sino si Esperanza? Walang sinoman ang nakatira rito, tanging mahabang palayan at puro puno lang ang masisilayan maliban sa bahay na natatanaw ko na ngayon mula sa kinatatayuan ko. 'Yon ay ang bahay namin ni Lola. Minadali ko ang paglalakad hanggang sa mapahinto ako sa gitna dahil muling humangin. Napakalakas nito na tila ba pati ko ay hihigupin. Sa pagkakataong ito ay may mga huni ng ibo akong naririnig, ingay mula sa kalikasan. "Tornado?" bulong ko sa 'king sarili. Pero bakit parang hindi? Pumikit ako at inantay itong matapos pero... "Esperanza..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD