Matapos naming maging opisyal na mamamayan ni Lyka ay napagpasiyahan naming pumunta sa Geogoth Village - isang parang subdivision na puro mga teenagers ang nakatira, karamihan ay estudyante ng Paradus Academy na ang edad ay nasa pagitan ng 17 at 21.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Lyka sa isang eskinita na nilulumot na, dahil kapwa kami pagod, kanina pa kasi kami naglalakad, sinuggest ko nga na gawin niya ulit 'yong water bubble pero alam niyo anong sabi niya? "Tamad lang ang gumagamit ng kapangyarihan para sa mga bagay na walang kwenta. Just like this." Edi siya na ang masipag.
Kinuha ko ang papel sa bulsa ko at tiningnan ang binigay na Address ni Ms. Sonja; Block 9 no. 17.
Nasa Block 8 no. 20 na kami kaya next nito ay Block 9 na. Bale ganito kasi 'yon, there are ten blocks consisting twenty houses. And in each house may tig-tatatlong katao. Kaya may kasama pa kami ni Lyka. Siguro naghihintay na 'yon sa amin, o natulog na.
Anong klaseng tao kaya siya? Hmm, I hope friendly siya at babbly kagaya namin ni Lyka.
Habang dumadaan kami sa isa na namang eskinita ay nagsitayuan ang balahibo ko, nakaramdam ako ng kaba at takot, parang may mga matang nakatingin sa amin, and it brought shivers throughout my body.
Lyka held my hand at pinapunta niya ako sa likod niya.
"Stella stay with me, wag na wag mong bibitawan ang kamay ko" sabi nito na nakakahalata narin, gumawa siya ng isang water bubble upang proteksyunan kami. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at pagkatakot, nanlalamig nadin ang mga kamay nito, halatang kinakabahan, napalunok naman ako dahil do'n, hindi ako pasmado ah, pero namamawis na ang mga palad ko. Siya ngang may powers ay nakakaramdam no'n, ako pa kaya?!
Saktong-sakto after niyang magawa ang water bubble ay may lumabas na dalawang lalaki, ang isa ay Blonde ang buhok pero itim naman ang balat, malaki ang mata, makapal ang kilay, pango ang ilong at payat ang mukha. Habang yung isa ay puno ng piercing ang tenga, meron din sa ilong at baba. Yucks, malaking-malaki ang pagkakaiba nila, pero may isang bagay na magkapareho sila, pareho silang... UNGAS!
"Uy pare, chamba! Magaganda ang magiging biktima natin" sabi ni Blonde sa manyak na tono.
"Tama ka pare" sagot naman ni Boy hikaw sa maliit na tono kaya napatawa ako. Seryoso? Ang ungas niya pero ang liit ng boses niya. Dfck!
"Hahahaha, ang liit ng boses mo! Hahaha... Hindi bagay sayo" sabi ko habang maluha-luha na sa kakatawa, napahawak na nga ako sa tiyan ko eh.
Nakita kong mas pumangit si Boy hikaw dahil mas kumunot ang kulubot niyang mukha.
"Shut up Stella, mas mapapahamak tayo eh!" Sabi ni Lyka na mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko, habang nakatingin parin sa dalawang ugok.
Nakita kong may inilabas ang dalawang ungas.. isang stick na may batong kulay blue.
"Damn, Stella stay inside this bubble. It will protect you for a while, tuturuan ko muna ng leksyon ang mga ugok na'to" sabi ni Lyka bago lumabas sa water bubble, pipigilan ko sana siya kaso hindi talaga eh, determinado siyang ipagtanggol ako. nakakatouch.
Paglabas niya ay agad niyang pinalibutan ng elemento ng tubig ang sarili niya.
"Uy isang Mage.. hahaha palaban pre oh, exciting!" Sabi ni Blonde boy. "flamma incarta" sabi ni Boy Hikaw na di ko maintindihan.
Pagkasabi niya no'n ay may lumabas na apoy sa stick na hawak niya at bumulusok ito papunta kay Lyka.
Itinaas ni Lyka ang kanang kamay niya at pinalibutan ng tubig ang kaniyang buong katawan.
Lumikha iyon ng isang malakas na pagsabog at dahil sa tubig at apoy ang nagbanggaan ay napuno ng usok ang eskinita. Kinabahan naman ako para kay Lyka.
"Lyka okay ka lang?!" sinubukan kong lumabas sa water bubble pero hindi ko magawa. It's hard, literally.
Nang humupa ang usok ay nakatayo parin si Lyka pati na ang dalawang ungas.
"Isy bulgra" sabi ni Boy blonde at may lumabas na matutulis na yelo sa stick na hawak niya at bumulusok ang mga ito kay Lyka. Mas kinapalan pa niya ang tubig na pumapalibot sa kanya at ngayon ay umiikot na ito.
Sing bilis ng bala ang mga matutulis na yelo na pinakawalan ni Boy blonde, mabilis namang kumilos si Lyka upang salubungin ang atake ng lalaki.
"flamma bulgra!" Si boy hikaw sabay bulusok ng matutulis na apoy na nagmumula sa stick na hawak niya papunta kay Lyka na abala sa pagsangga sa mga atake ni Boy blonde.
Sunod-sunod na pagsabog ang nangyari at muling nabalot ng usok ang buong eskinita, gusto ko na sanang tumulong pero naisip ko na baka maging pabigat lang ako, kaya nagdesisyon nalang ako na wag ng makialam.
Nang mawala ang usok ay nakita ko si Lyka na hingal na hingal na, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin.
"Yun lang ba ang kaya niyo? Ang hina naman" nang-aasar na sabi nito.
Tila nainis naman ang dalawa, damn Lyka you're putting yourself into danger.
"Putcha ka, porket nakaya mo lang malagpasan ang mga atake namin minamaliit mo na kami? Puwes tikman mo to!" Galit na saad ni Boy hikaw.
"Unisunos Isy de Flamma" sabay na sabi ng dalawa at, wait...tama ba itong nakikita ko? Ang apoy ay unti-unting humahalo sa yelo. Two opposite elements just combined in front of me ladies and gentlemen. How is it possible?
Napansin kong may ginagawa si Lyka sa tubig, at unti-unti may nabubuong pigura ng parang isang...DRAGON? Hindi lang isa, kundi dalawa!
What the hell! What's next? Ano pang makikita ko? Fairies? Dragons? Monsters? Witches? Damn, this world gives life to our myths and legends.
"Seotan!" sabay na sabi ni Boy blonde at boy hikaw kasabay nun ang pagbulusok ng matutulis na yelo na pinalilibutan ng apoy sa direksiyon ni Lyka.
"Twin Dragon!" Sigaw ni Lyka kaya sinalubong ng twin dragon niya ang pinag-isang atake ng dalawang ungas.
Namangha ako sa nakita ko, kinain lang ng dalawang dragon ang mga atake ng kalaban. Pagkatapos no'n ay direkta silang inatake ng twin dragon nito.
"F*ck!" Sigaw nilang dalawa sabay takbo. Ngunit naabutan parin sila ng twin dragon ni Lyka.
"Ahhh!/Argghh" daing ng dalawa.
Nakita ko silang nakadapa, nanghihina at basang-basa. Naglakad papalapit si Lyka sa dalawa, nang dalawang metro nalang ang distansya niya mula sa dalawa ay tumigil ito.
"Stella close your eyes, hindi mo kakayanin ang makikita mo" babala nito sa akin sabay tingin muli sa dalawang nanghihinang kalaban. Ngunit dahil sa matigas ang ulo ko at curious ako sa gagawin ni Lyka ay di ko siya sinunod. I covered my eyes pero sumilip parin ako.
Ang mga sumunod niyang ginawa ang nagpanganga sa akin ng sobra at nagpanginig sa mga tuhod ko.
"Water slicer!" Sigaw niya sabay pakawala ng mga maninipis na tubig na parang half moon ang porma pero manipis. Napakarami ng ginawa niya, pinalutang niya muna ito sa ere at pinaikot-ikot sa kaniyang sarili.
Ikinumpas niya ang kamay niya pababa at kasabay no'n ang pagbulusok ng mga ginawa niya sa dalawang ugok.
"Ahhhhh!" daing ng dalawa sa sakit.
Maging ako ay nakaramdam ng awa sa dalawa. Grabe si Lyka, HALIMAW siya, ang LUPET! Pero ang sweet ng dating ng ginawa niya. Pinagtatanggol kasi ako ng bestfriend ko.
"Siguro naman magtatanda na kayo, di sa lahat ng oras ay kaya niyo kaming mga babae. Atsaka, di porket nakapag-aral na kayo ng magic ay malakas na kayo, mahina parin kayo, tandaan niyo, talo ng mahinang matalino ang malakas pero bobo" Mahinahong sabi nito saka nilagpasan ang dalawa.
Kasabay ng paglalakad niya ay ang paggalaw ng Water bubble na kinapapalooban ko. Nang madaanan ko ang dalawa ay nanlumo ako, naawa ako sa nakita ko. Punit-punit ang mga damit ng mga ito at may mga sugat din sa iba't-ibang parte ng katawan.
"Uhm, Lyka... Paano mo nagawa ang mga 'yon kanina?" Tanong ko. Nagtataka kasi ako eh.
"I dont know eh, I was surprised too! De joke lang, my dad trained me." sagot nito.
Napatango ako.
"Ano yung stick na hawak nila?" Tanong ko ulit.
"It's a Wand used only by Casters" sagot nito sa tanong ko. Napaisip naman ako , kung ang mga naencounter namin kanina ay mahihina pa, ibig sabihin may mas malalakas pa?! Oh My! I'm doomed. Di na yata ako makakauwi ng buhay nito sa mortal world, isang malamig pero magandang bangkay nalang siguro ako 'pag nagkataon. Sana may kapangyarihan din ako kagaya nila para maipagtanggol ko ang sarili ko at makauwi ng buhay sa mortal world at makasama kong muli si Lola Magrett.
Sumakit na naman ang birthmark ko sa may bandang dibdib ko at bumalik na naman ang nakakapasong pakiramdam na naramdaman ko noon when I was 15 and after that hindi na ulit sumakit, ngayon nalang. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay sumakit ang ulo ko kung kaya't napaluhod ako, maya-maya pa'y umikot ang paningin ko, Narinig ko pang may sinasabi si Lyka pero di ko na ito maintindihan. Ang huling nakita ko lang ay ang water bubble na unti-unting nagiging pula bago ako tuluyang mawalan ng malay.
~~~
Nataranta ako nang biglang natumba si Stella habang nasa loob siya ng water ball ko, kaya pumasok ako at marahang niyugyog ang katawan nito.
"Stella anong problema? Hoy!" natatarantang sabi ko pero parang hindi ako nito naririnig, kakargahin ko na sana siya nang biglang naging pula ang water ball ko at unti-unting na e-evaporate. Nagtaka ako kung bakit nangyari yun, hindi ko alam kung ano ang nangyari. Tiningnan ko kung may tao ba sa paligid pero wala talaga eh, kaming apat lang ni Stella at nung dalawang ugok.
Napadako ang tingin ko sa nagliliwanag na bagay sa bandang dibdib ni Stella kaya tiningnan ko ito at nakita ang birthmark niya. Kumunot naman ang noo ko kung bakit nagliliwanag yun, pinikit ko ang mata ko at pagtingin ko uli, wala naman. Siguro I'm just hallucinating. Epekto lang siguro ito ng sobrang paggamit ko ng mahika na nagdulot ng panghihina ng Magoi ko.
Gumawa ulit ako ng water bubble at nilagay ko doon si Stella bago tinuloy ang paglalakad papunta sa magiging Quarter namin. Kung nagtataka kayo kung bakit ko nagagawa ang mga techniques nayun kanina, well I was trained by my father secretly noung nandoon pa kami sa Greiko or mortal world, ay nasabi ko na pala yan kanina, haha!
Pero since mas gusto ko pang mahasa ang ability ko, mag-aaral muna ako rito sa Paradus Academy- isa sa pinakasikat na paaralan sa kaharian ng Alzora. Maybe isasama ko nalang din si Stella para atleast matrain siya kahit physical combat lang, para naman matuto siya ng self defense dahil hindi sa lahat ng oras ay kaya ko siyang protektahan.
***
Sa wakas narating ko narin ang aming matutuluyan, isang simpleng bahay na may dalawang palapag, sky blue at puti ang kabuuang kulay ng labas.
Nang makapasok ako, ay agad naging komportable ang pakiramdam ko. Ang mga mesa at upuang gawa sa kahoy na pinatungan ng kutson, may mga vase din sa paligid na may tanim na Vruse- isang uri ng halamang namumulaklak lang tuwing nasisinagan ng buwan. Pinaniniwalaan rin na ang bulaklak na ito ay gamot sa anumang uri ng karamdaman, kaya nagtaka ako kung bakit may ganito rito sa Quarter.. Eh rare itong makita. Tanging sa kagubatan ng Vliann lang ito tumutubo. Ngunit walang sinuman ang nakakakuha nito dahil ang Vliann ay pinamumugaran ng mga Fluxe-mga mythical creature na may iba't ibang kulay, depende sa elementong taglay nito at may 12 buntot. Maihahambing ang itsura nito sa isang Fox. Mababangis, maliliksi at malalakas ang mga ito. Paano ko ito nalaman? Well my dad taught me everything I need to know.
"Nagtataka ka siguro kung bakit may Vruse dito" sabi ng isang babae sa likuran ko kaya nagulat ako at napaharap sa kanya.
Maganda ito, may mahabang itim na buhok na hanggang beywang, mahahaba at makapal na mga pilik mata, bilugang mata, maliit ngunit matangos na ilong at maninipis na labi. She's like a barbie.
"Oops, nagulat ata kita! By the way I'm Zyline Blowan 18 years old, you can call me Zy, a Flower Mage" pakilala nito at inilahad ang kanang kamay niya upang makipagkamay.
Inabot ko naman ito sabay pakilala.
"Hi din, I'm Lyka Wazzardrop 18, and I'm a Water Mage" ngiting pakilala ko bago bawiin ang kamay ko. Napabaling naman ang tingin nito sa kasama ko.
"How about her?" Tanong nito sabay turo kay Stella na nasa loob ng water bubble na kasalukuyang lumulutang.
"Oh, she's Stella Amina, 17 years old, pero mag-e eighteen na ngayong taon."
"Hmmmm ba't siya tulog?" Inosenteng tanong nito, kaya natawa ako, ang inosente niya kasi, gusto ko tuloy siyang isilid sa bulsa ko ay este gawing kapatid.
"Nahimatay siya kanina eh" sabi ko sabay upo sa furniture, inilapag ko narin si Stella.
"Oh, don't worry malapit na namang masinagan ng buwan ang Vruse eh, we can heal her na" sabi nito sabay upo rin, kaharap ko siya pero napapagitnaan kami ng bilugang lamesang kulay itim na may nakapatong na vase na may pink roses.
Napatingin ako sa labas at oo nga, gabi na. Grabe 'di ko namalayan, parang panloloko niya, hindi ko namalayan.
Grabe tong araw nato, first day na first day namin dito pero napalaban kaagad kami, ay ako lang pala, grabe ang warm welcome ng Alzora sa amin sobrang init.
Nagsimula ng pasukin ng liwanag ng buwan ang buong kwartong iniilawan lamang ng mga makukulay na alitaptap na nakasilid sa isang pabilog na bote.
Nang tuluyang masinagan ng buwan ang Vruse ay may lumitaw na kumikinang na gold dusts bago ito tuluyang namulaklak. Dali-dali itong pinitas ni Zyline at tinapat ito sa mukha ni Stella.
May lumabas na golden dusts mula rito at pumasok ito sa ilong at bibig ni Stella na bahagyang nakanganga.
"Now, she's fine" nakangiting saad ni Zyline sabay upo muli upang hintayin ang paggising ng aming 'sleeping monster, ay este sleeping beauty'.
STELLA
Naramdaman kong parang may pumasok sa loob ng katawan ko at ang sarap sa feeling, ang lamig, pero not in a bad way, parang unti-unti nitong binabalik ang lakas ko at ang aking kamalayan.
"Now, she's fine hehe" narinig kong sabi ng isang hindi kilalang boses ng babae, kaya minulat ko ang mga mata ko at..
Nakakita ako ng isang MANIKA! oo that's the right term to use, ang ganda kasi niya, halos lahat ng features niya ay pang manika talaga.
"Uhmm, Hi?" Nag-aalangan kong bati sa kanya sabay kamot sa batok, hindi ko talaga alam kung paano makitungo sa ibang tao.
"Ang ganda mo, I like you na!" Nakangising puri nito sa akin, kaya naman namula ako dahil sa sinabi niya.
Maliit na bagay!
"You too, you're so beautiful din. Para kang manika!" Puri ko rito at namula rin ang mukha niya.
Ang cute ng reaction niya.
"By the way I'm Zyline Blowan, a Flower Mage" sabi nito sabay lahad ng kamay. Inabot ko naman ito sabay pakilala rin.
"Stella Amina" pakilala ko.
Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Zyline kaya hindi ko napansin si Lyka na nakaupo sa gilid ko at daig pa ang bulldog sa kakasimangot.
"Wow ha, kinalimutan na ako, Hmp!" sabi nito habang naka-crossarms sabay pout, ang cute talaga pag nagpa-pout, mukhang bibe.
"Hoy Lyka impakta, ano na naman ba yang drama mo, halika nga, join us!" sabi ko rito at hinila na siya para isali sa daldalan namin ni Zyline.
Napakarami na kaagad naming napag-usapan at mahaba na kaagad ang aming daldalan, dahilan upang maging bestfriend na namin ni Lyka si Zyline, agad-agad.
Bilis no? Parang feelings lang, ambilis maramdaman at ambilis ring makalimutan.
Dahil sa kwentuhan namin ay nakalimutan ko sandali ang pangamba at ang maaaring mangyari sa akin sa mundong ito.