LYKA
Maayos akong lumapag mula sa aking paglalakbay. Anong klaseng portal ba 'yon?! Nakakahilo naman, para tuloy akong sumakay ng roller coaster! Nagrambulan lahat ng laman-loob ko. Dad never told me na ganoon kalala ang pagpasok sa isang portal!
Nga pala, kaya nagliliwanag ang emblem ko ay dahil senyales ito na tinatawag na ng Alzora ang inner soul ko. At para maliwanagan kayo kung bakit hindi naubos ang Magoi ko sa paggawa ng portal, ay dahil 'yon sa enerhiyang binibigay ng mundong ito, ng mundo ng Alzora kung saan para akong baterya ng cellphone at ang Alzora naman ang charger.
Palakad na sana ako nang may narinig akong sigaw ng isang babae sa ibabaw kung saan ako nanggaling. Isang pamilyar na sigaw, kung kaya't napatingin ako sa taas at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong may nakakita sa'kin na pumasok ng portal at nasundan pa ako nito.
Pero ang masaklap pa, ang bestfriend ko pa mismo!
"Aray!" Daing ko ng madaganan ako ng bruha kong bestfriend, nakadapa ako ngayon habang siya ay nakadagan sa likod ko.
"Bwwwaaa.. bwaaaa" si Stella na agad napatayo at hinawakan ang kaniyang tiyan na tila naduduwal.
"Ho-hoy! Wag dito! Baka masukahan mo ako!" Tarantang sabi ko. Ngunit hindi ito gumalaw at pansin kong malapit na niyang ilabas ang kaniyang hinanaing.
Kaya agad ko siyang pinalutang at inilapag sa gilid ng puno gamit ang kapangyarihan kong kontrolin ang elemento ng tubig.
"Uh-oh, wrong move" I said.
Nakita kong lumaki ang mga mata nito nangangahulugang nabigla ito sa nakita.
“AHH!” sigaw nito.
Nanlamig naman ako nang makita ang ekspresyon nito. Natatakot ako sa maaaring maging reaksiyon ng bestfriend ko, natatakot ako na baka kamuhian niya ako dahil sa paglilihim ko sa kaniya.
"Waaaah! Lyka Impakta ang cool mo!" Sabi nito at tumalon-talon pa bago ako dinambahan ng yakap.
Ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata. I never thought na ganoon ang magiging reaksiyon niya, maybe itong ang sinasabi nilang 'expectations versus reality?'
"Bruha.. Hindi ka natatakot sa'kin?" Paninigurado ko. Mahirap ng maniwala sa nakikita ng mata.
"Why would I? You're so cool kaya! Tsaka, ang cool kayang pakinggan na ang bestfriend kong impakta ay isang superhero!" sabi nito na parang nagnining-ning pa ang mga mata dahil sa pagkamangha.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero narealize ko, bakit siya nakapasok rito, bakit siya nagtagal? Uhm, don't get me wrong ha? Ang point ko lang naman ay ganito... halos lahat kasi ng mga taong aksidenteng napapadpad rito ay nagiging hayop or worst, namamatay kasi di kayang e-sustain ng katawan nila ang enerhiyang nagmumula sa lupaing ito. That's the reason rin kung kaya't hindi ko maaaring maisama si Dad.
Parang nahawa tuloy ako sa pagiging feeling detective ni Stella. Gusto ko kasing alamin ang reason kung bakit siya nakapasok sa mundong ito ng hindi napapahamak.
"Bessy, di mo alam ang pinasok mo, maraming klaseng nilalang pa kagaya ko ang makakasalamuha mo, tsaka kailangan mo ng bumalik sa Greiko I mean Mortal world dahil maaaring ikamatay mo ang pamamalagi mo rito. Baka di kayanin ng katawan mo ang enerhiyang binibigay ng Alzora." nag-aalalang paalala ko rito.
"What?! Oh my gosh! sigurado ka ba sa sinasabi mo?!" Natatarantang sabi nito at halata sa mukha nito ang pagkatakot, ikaw ba naman ang sabihang maari kang mamatay, hindi ka ba matataranta?
Umalis ka na Stella, huwag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa lugar na hindi ka naman tanggap. Huwag kang magpakatanga kagaya ng ginawa nila, kahit alam ng hindi talaga, pero pinupush parin nila, kaya in the end. Nga-nga!
"Yes" Maikli kong sagot.
Nanlaki naman ang mga mata nito at parang iiyak na.
"Besh, help me. Ayokong mamatay, sayang ang kagandahan ko kung hindi ko maipapamahagi sa mga kalalakihang naglalaway sa akin, tsaka gusto ko pang maging detective!" Nagmamakaawang sabi nito, at halatang hindi alam ang gagawin.
Kung bubuksan ko naman ang portal papuntang Greiko, maaaring matulad ako kay Dad, I need to think of some other ways. Alam naman natin na ang mga ginagawang bagay na hindi pinag-iisipan at pinaghahandaan, sa huli masasaktan lang tayo nito.
Kaya ngayon , I have no choice but to bring her to the Kingdom of Alzora, kahit alam kong may posibilidad na mapahamak siya. Wala na kasi akong maisip na matinong paraan.
"Okay, okay, calm down okay? Now since hindi pa natin alam kung paano ka makakabalik sa mundo ng mga mortal which you really do belong, sumama ka muna sa akin okay? We will go to the Kingdom of Alzora." Sabi ko rito at pumayag naman, kahit halata ang pag-aalinlangan niya.
"Ready?" Tanong ko rito at tumango lang ito.
Huminga ako ng malalim saka pinadaloy ang kapangyarihan ko sa kamay ko, ipinikit ko ang mga mata ko at pibakiramdaman ang magoi ko. Ang sarap sa pakiramdam, it's so refreshing! Iminulat ko ang mga mata at binalot ng elemento ng tubig ang magkabila kong palad. Itinaas ko iyon sa ere at gumawa ako ng isang water bubble, tama lang upang magkasiya kaming dalawa ni Stella.
Pumasok na kami at still, wala parin itong imik, daig pa ang pipi at bingi. Naninibago ako dahil di ako sanay na tahimik siya. I really hope na walang mangyaring masama sa kanya once makatapak na kami sa mismong kaharian ng Alzora,
"Hoy bruha! 'Wag ka ngang tumahimik, di bagay sayo pumapangit ka na. SOBRA " pagpapagaan ko sa atmosphere. Napansin ko namang tumaas ang kilay niya at bahagyang kumunot ang kaniyang noo.
"Hoy impakta! Kailanman di ako papangit dahil ako ang diyosa ng kagandahan!" Sabi nito sabay pilantik ng buhok niya.
Napangiti naman ako dahil sa wakas gumaan narin ang pakiramdam niya. She's back.
"Okay? Haha edi ikaw na ang maganda! Hahaha" natatawang wika ko.
"I know" taas-noong sagot nito at nag-pose ala beauty queen.
Nagtawanan naman kami kaya di niya namalayang lumulutang na pala kami sa ere sakay ng water bubble ko.
"Oh my, ang ganda!" Sabi nito sabay tingin sa baba na parang batang first time pinasyal sa park.
Di ko naman talaga maikakaila, Alzora is really beautiful.
Tiningnan ko ang baba ng Alzora, maraming puno sa paligid, buhay na buhay ang kagubatan, ang berdeng damuhan na kinulayan ng sari-saring bulaklak ng mga ligaw na halaman, mga kakaibang hayop at insektong malayang nakakakilos, malayo sa banta ng karahasan at kapahamakan.
"Lyka, ano yun? Bakit parang ampangit ng lugar na 'yon?" Sabi nito sabay turo sa kanlurang parte ng Alzora kung saan naroroon ang Outland, naikwento kasi ni Daddy sa'kin ang Outland kaya alam ko.
"That's the Outland, parte parin yan ng Alzora. It serves as a dungeon sa mga kriminal at masasamang tao sa Alzora. It is guarded by Soul Reapers." Paliwanag ko rito, habang hindi parin inaalis ang pagkakatitig sa Outland. Hitsura palang nito ay nakakapangilabot na, may kumpol ng maitim na ulap sa ibabaw nito, dahilan upang hindi ito masinagan ng araw, napapalibutan ng malalaking matitinik g halamang kulay itim, at sa gitna mismo ng Outland ay mayroong lawa ng magma at sa gitnang parte ng lawa, doon nakatayo ang piitan. Nanindig ang balahibo ko nang maisip ang aking sarili na nasa loob ng mala-impyernong lugar na iyon.
"Soul Reapers?" Nagtatakang tanong ni Stella.
"Soul Reapers are dark creatures used by the Magic Council to Guard the Outland. May kakayahan kasi silang nakawin ang kaluluwa mo, kaya sila ang pinaka-fit sa pagbabantay sa mga nakakulong doon. " pag-eexplain ko rito.
[ STELLA ]
Natakot ako sa sinabi ni Lyka about Soul Reapers. s**t! Mamamatay na siguro ako sa mundong ito, 'di ko na matutupad ang pangarap kong maging detective!
Well kung mamamatay lang din naman ako sa mundong ito, I guess I'll discover first the mystery of this paradise-like world of Alzora!
"Ano okay na?" tanong ni Lyka kaya natauhan ako.
"Uhm, ano 'yang tattoo mo sa batok Besh?" curious kong tanong.
Bahagyang tumalikod si Lyka sa akin bago hinawi ang buhok niya, tinuro niya ang tattoo niya.
"Ahh this is an Emblem, sumisimbolo ito sa katayuan ko sa Kaharian ng Alzora, See this Letter M inside a water drop? M stands for Mage and the water drop stands for Water. In short, Im a Water Mage. Ano okay na?" Mahabang paliwanag nito.
"Oo, salamat sa pagpapaliwanag"
Well I guess, I still have a lot of things to know, kaya detective mode, ON!
"We're here" sabi nito. At naramdaman kong unti-unting bumababa ang water bubble na gawa ni Lyka.
Hanggang ngayon I'm still overwhelmed by her ability. I was amazed na kung paano niya kontrolin ang elemento ng tubig, gusto ko rin ng gano'n! How I wish. Nang makita ko ang sinasabi niyang Kaharian ng Alzora ay nalaglag ang panga ko, literally. Alzora is so damn beautiful!
Ang mga kulay abo at puting mga bahay na kahit makaluma ang disenyo ay bumagay parin ito sa kapaligiran, ang mga taong 'di nagpapahuli sa Fashion, ang gara nilang tingnan, para ka lang nasa ordinaryong mundo. Ang mga kahoy na kumikinang at maayos na naka-hilera sa gitna ng kalsada na napapalibutan ng makukulay na bulaklak, at ang mga estrukturang hindi nalalayo sa mortal world.
May nakita naman akong isang matandang babae na hawak-hawak ang kamay ng kanyang apo, habang masayang naglalakad papasok sa isang store, candy store to be exact. Na-miss ko tuloy ang lola ko, siya nalang kasi ang tumatayong magulang ko after mamatay nina mama't papa eh, and take note... I don't have any idea about my parents' features. I've never seen their faces in my entire life.
Pero wala naman akong magagawa kung malulungkot ako rito, kailangan kong magpakatatag habang di pa namin alam kung paano makakabalik sa mundo namin.
"Let's go? Kailangan na nating pumunta do'n sa Registration Building upang maging official citizen rito sa Alzora, huwag ka ng umangal. Kailangan 'yon upang mabigyan tayo ng karapatan at proteksyon sa lahat ng bagay." sabi ni Lyka sabay lakad na. Wala naman akong choice kaya sinundan ko nalang ito.
---
UNKNOWN
"Mahal na pinuno may mahalagang sasabihin ang ating Orakulo" sabi ng isang mandirigma habang nakayuko sa akin.
Napatayo naman ako, dahil minsan lang kung magbigay ng pangitain ang Orakulo sa akin. Kung kaya't nakakasigurado akong napaka-importante nito.
Agad kong tinungo ang silid ng Orakulo upang malaman ang nais niyang sabihin.
"Maupo ka, mahal na pinuno" wika ng Orakulo nang makarating ako.
Nang maka-upo na ako ay hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa, at ang mga salitang binitiwan niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kaba.
" Ang Tribong inaakala mong naglaho ng tuluyan,
Ay isang malaking kamalian.
May isang natira, ang mahal na prinsesa.
Siya'y magdadala ng wakas sa Tribong iyong pinamumunuan.
Ngayong nakatapak na siya, sa Lupain ng Alzora,
Maghanda ka, Sapagkat Katapusan mo na."
Halos madurog ang hawakan ng upuan dahil sa matinding galit ko, hindi ko hahayaang mauwi sa wala ang lahat ng paghihirap at sakripisyong ginawa ko! Bago pa maisakatuparan ang itinakdang propesiya, uunahan na kita kung sino ka man!
***