STELLA
Maaga akong ginising ni Lyka sa pamamagitan ng pag-wrestling sa'kin, dahil mamimili daw kami ng damit. Remember? Naka-uniform pa kami papunta rito, sabado ngayon dito sa Alzora kaya walang pasok. Pinahiram muna kami ni Zyline ng damit tutal magka-size at magkasing tangkad lang din naman kaming tatlo.
Alas otso kami ng umaga umalis upang mag-shopping at natapos ng 12 noon, nag lunch muna kami bago tuluyang pumunta sa Paradus Academy upang mag enroll.. Para daw mas mahasa pa ni Lyka ang kapangyarihan niya, habang ako upang matuto ng mga self defense, mahirap na baka apihin ako, marami pa namang insecure sa kagandahan ko.
Napag-usapan din naming tatlo na pagtatakpan muna nila ang katauhan ko. Oo, alam na ni Zyline ang sikreto ko dahil sinabi ko, ang gaan kasi ng loob ko sa kanya kaya no need to hide my secret. After naming mag-lunch ay nag-antay kami ng sasakyan, sabi ni Zyline isa ito sa pinaka mabilis na sasakyan na naimbento ng mga casters. Tinatawag nila itong 'flaschen'.
"Uyy, bilisan niyo baka maiwan na tayo!" Sigaw ng huli samin ni Lyka, kaya sumunod na kami.
Parang ordinaryong sasakyan lang naman ang flaschen para siyang bus pero kasing laki lang ng kotse. Tatlo hanggang apat na tao lang ang kaya nitong isakay, walang driver automatic ito! Taray. And take note, hindi ito nakaka-pollute ng air! Kasi sabi ni BesZy 'lacrima' ang nagpapatakbo nito. Ang lacrima daw ay maihahalintulad sa baterya ngunit ang laman daw nito ay magoi na kinukuha sa mismong lupain ng Alzora.
Kahit mahirap itanim sa isip ko na narito ako sa isang mundo na kung saan ang imposible ay nagiging posible, ay pilit ko itong iniintindi, sinasanay ko rin ang sarili ko na huwag mabigla sa mga kakaibang nilalang at bagay na nakikita ko sa tuwing lalabas kami ng Quarter.
Narinig kog nag-start na yung engine at sa isang kisap-mata.
"AHHH, P*KP*K NG P*KP*K NA UWAK!" Sigaw naming dalawa ni Lyka, habang si Zyline ay tumatawa lang! Eh kasi naman ang bilis ng takbo ng Flaschen, halos di ko na makita ang labas dahil sa bilis, lara akong nahuhulog sa isang banging walang katapusan pero sampung beses ang bilis.
"AHH! MAMA AYOKO PANG MAMATAY! TULONG!" Sigaw ni Lyka na halos ipulupot na sa katawan niya ang seatbelt, sirang-sira na ang mukha niya.
Ako? Well, tumahimik na ako dahil ramdam ko na anytime na ibubuka ko ang bibig ko ay siguradong back to nature ang kinain ko kanina.
Huminto bigla ang sasakyan kaya halos masubsob kami ni Lyka sa harapan, mabuti nalang may seatbelt kundi, kanina pa pumutok tong mga mukha namin. Sayang ang mala-Diyosa naming ganda. Pagkalabas namin sa Flaschen ay halos di kami makatayo ni Lyka, kapwa nanginginig ang mga tuhod namin.
"Hahahaha! You two, your face was epic!" natatawang sabi ni Zyline na humawak na sa tiyan at halos maluha-luha na, ampula na nga ng mukha niya.
"Hahahaha! Okay lang kung epic ang mukha ko ‘no! Unlike Lyka.." pabitin kong sabi kaya tumingin sila sa akin. "Mama! Ayoko pang mamatay! tulong!" dagdag ko na kinopya pa talaga ang tono ni Lyka kanina, kaya sumama ang mukha ni Lyka at parang napapalibutan siya ng itim na aura, tiningnan niya kami ni Zy.
"Done laughing?" tanong nito sa nakakatakot na tono. Namutla tuloy kami ni Zy. Nagsmirk naman si Lyka kaya tumayo lahat ng balahibo ko.
"A-a-Lyka, he-he pe-pe-peace ta-tayo he-he" nauutal na sabi ko habang nagpe-peace sign, eh sa kinakabahan ako eh!
"He-he sa-same he-here" sabi ni Zy sabay ngiti... ng fake. Halata kasing takot siya kay Lyka, mukha tuloy siyang natatae.
"Now both of your faces are priceless! Hahhahahahaha" sabi bito sabay hagalpak ng tawa.
Napataas lang ang kilay namin ni Zy, bipolar pala tong impaktang to eh! Magagalit tapos tatawa? Haha no wonder bakit mag bff kami. Pareho kaming baliw, baliw sa pag-ibig. Joke.
Konting lakad at kembot lang ay nakarating na kami sa isang mala-palasyong gusali, namangha ako dahil parang isang tower papuntang heaven ang Paradus, and may malawak na field ito then buildings everywhere!
Habang naglalakad kami sa corridor patungong Escylian Building- isang lugar kung saan nag eenroll ang mga estudyante, sabi ng nag-ala teacher na si Zyline at nag-lecture ng konti,
"Now BFFs this building is the Paradus Academy, dito nag-eenroll lahat ng magic users. This is divided into 3 stages.
*Kelthei - for 5-10 years old Alzorians.
*Alescere - for 11-16 years old Alzorians
And lastly the Altus - for 17-21 years old Alzorians which is US" mahabang paliwanag ni Zy kaya naman may new knowledge na naman ako, kami ni Lyka pala.
"Ahmff, BFF, ano-ano ang nag-eenroll dito?" Tanong ko. Eh sa curious ako eh.
"Oh, Hmmm. Ang mga nag-eenroll dito ay nahahati sa apat na classification; Mages- those Alzorians who can produce, control and manipulate one of the six elements(Fire, Water, Earth, Nature/Plant, Air, Ice, and Lightning), Casters- those Alzorians who cast spells and incantations, Slayers- those Alzorians who uses swords to produce and uae the element/s they have and lastly, the Ancients- those Alzorians who posses ancient abilities, but only few of them are studying here, because most of them chose to live far far away." Tumango lang kami ni Lyka, God! Ang hirap e-process ng mga sinabi niya. "Now enough for discussion dahil andito na tayo" dahdag ni Zy sabay harap sa isang pintuang kulay puti na may nakaukit na 'Escylian Room'
Pagpasok namin ay napanganga ako. Akala ko room lang siyaz pero what da! Ang laki nito, andami ring mga taong nakasuot ng white cloaks na may iba't-ibang kulay ng linings, like white, golden brown, blue, sky blue, green, yellow and red.
Agad kaming tumungo sa isang pintuang kulay itim na may gintong nakaukit na 'El Supremus' .
Pagkapasok namin ay may nakita akong napaka-cute na batang lalaki na nakatayo sa harap ko mismo, kaya naman agad ko itong kinarga.
"WAH!ANG CUTE MO!" Sabi ko sabay pisil sa magkabilang pisngi nito.
"Arrraaay anshakheet! Fhut me down!" Angal ng bata. Kaya ibinaba ko na siya.
LYKA
Kanina pa ako tahimik, kasi inoobserbahan ko si Stella, yes tama kayo, I'm observing her simula no'ng time na nahimatay siya, to be exact... 'Yong time when my water bubble turned into a liquid-flame bubble at nagtataka narin kasi ako kung bakit di siya sinusugod ng mga Foulen - mga hayop na parang aso na may pakpak ng isang paniki, may kakayahan itong ma-detect ang mga intruders o mga nilalang na galing sa ibang dimensyon.
Alam kong napapansin niya ang pagiging tahimik ko, maging si Zy ay napapansin rin, pero mas pinili nilang 'wag nalang akong pansinin.
Nang makapasok kami sa office ng Headmaster ay kinabahan na ako agad, may mga narinig kasi ako kanina na mga kwento-kwento na ang pinaka-malakas na Slayer na nabubuhay sa kasalukuyan, siya lang naman ang nakapaslang sa mahigit isang libong miyembro ng Cursed tribe, oh diba? Sinong hindi kikilabutan kung ang kakaharapin niyk ay isang wild killer?
"Wah!Ang cute mo!" tili ni Stella habang karga ang batang lalaki na sobrang cute. Pinipisil-pisil pa nito ang cheeks ng bata.
Kumunot tuloy ang noo nito kaya nasira ang emblem nitong pang-slayer. Wait, don't tell me...
"Aray anshakheet! Fhut me down!" ma-otoridad na utos nito, kaya binaba ito ni Stella.
"Stella halika nga ditong bruha ka!" Tawag ko sa kanya at lumapit naman siya sa akin, nakita ko si Zy sa peripheral vission ko na maputlang-maputla na at pinagpapawisan pa.
"Hey Zy, anong problema?" Bulong ko rito.
"Si-si Yu-Stella, ba-baka mapahamak siya.. ki-kinurot niya si Headmaster Mathew!" Natatarantang sabi nito bago natutop ang bibig.
What?! Siya si Mathew the Great Slayer?! Eh bakit ambata niya, pati tuloy ako natakot kaya kinurot ko si Stella sabay bigay ng umayos ka look. At na gets naman niya at tumahimik na.
"Okay, sit down young ladies" cold na sabi nito kaya halos manindig ang balahibo namin. Well, except for Stella.
STELLA
Napansin kong namutla ang mga kaibigan ko pero bakit? Hmmm siguro trip lang nila.
Umupo kami paharap sa table kung saan nakaupo ang batang kyuut! May nakita akong name plate na may nakaukit na Headmaster Mathew.
"Baby boy, where's your father? We need to talk to him kasi mag-eenroll kami ng bestfriend ko" tanong ko rito.
Kinurot naman ako ni Lyka sabay bigay sa akin ng what are you saying look, kaya nagtaka ako.
"Hahahahahaha! You're funny miss?" Nakangising tanong ng bata sa akin.
"Kyyaaaahhh! Ang cute mo talaga! Hmmm, call me ate Stella, you're too formal naman, para kang matanda kung magsalita, parang ikaw tuloy ang Headmaster rito." sabi ko, kasi para siyang matanda kong magsalita eh, pero still.. ang kyut niyang tingnan.
Napansin ko namang amputla na ng mga kasama ko. Siguro natatae sila o ewan, pero 'di lang nila masabi.
"How did you know, what spell did you used to read my mind?" Seryosong tanong ng batang lalaki sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko, wait don't tell me na...
"Yes, based on your expression nahalata mo na siguro. Hahaha. I'm Headmaster Mathew." Sabi nito sabay ngisi.
ZYLINE
Kanina pa kami namumutla ni Lyka pero si Stella? Ayun walang kaalam-alam, ang inosente talaga ang saral sikmurahan..
"Yes, based on your expression nahalata mo na siguro. Hahaha. I'm Headmaster Mathew." Natatawang sabi ni H.M Mathew.
At sa wakas, nagets narin ni Stella.
"Weeeh? Alam mo Baby boy, stop playing with your ATEs , It's bad, you should show respect okay?" pangangaral ni Stella kay H.M
Natampal ko nalang ang noo ko, wala na talagang pag-asa 'tong si Stella. Siya na ang matagal ng nawawalang reyna, ang nawawalang reyna ng KATANGAHAN!
"Well I guess, for you to believe me, you should see the real me" sabi ni H.M at binalutan siya ng nakakasilaw ng liwanag kung kaya't napatakip kami ng mata, at nang mawala ang liwanag ay halos malaglag ang panga namin.
"ANG GWAPO, KYAH!" sigaw naming tatlo, habang niyuyogyog ang bawat isa. Eh kasi ang gwapo niya, arang ka-edad lang namin siya, hindi mo mapaghahalataang matanda na ito.
Natigil lang ang pagwawala namin nang tumikhim ito.
"Okay You two!" sabi nito sa buo at nakakapangilabot na boses sabay turo kina Lyka at Stella."You're new here, so I guess you're transferees from somewherez Just fill up this form then you may leave this room!" Maotoridad nitong utos.
At mukhang sa wakas, tinablan na ng takot si Stella, dali-daling finill-upan nila ang form saka binigay kay Headmaster at pagkatapos ay patakbo kaming umalis ng 'El Supremus'
"Oh my gosh! Looks can be deceiving talaga, packingteyp! Nakakatakot pala talaga si H.M Mathew" natatakot na sabi ni Stella na may kasabay pang hand gestures, ngunit natigil rin nang batukan siya ni Lyka.
"Aray!" daing ni Stella sa sakit.
"Tanga ka talagang bruha ka! Nako kung hindi lang kita bestfriend nilunod na kita, kanina ka pa namin sinisenyasan na manahimik at magbehave, di mo parin na gets?!" Sermon nito kay Stella.
"Eh akala ko kasi natatae lang kayo eh! " sabi nito sabay pout at kamot sa ulo.
Kaya binatukan namin siya ni Lyka ng sabay.
"Arrouch, ang sakit ah! Uso ba ang pangbabatok ngayon?!" Naiinis na sabi nito sabay pout ulit, ang cute niya talaga.
No wonder kung bakit kami nagkakasundo sa lahat ng bagay. We're the epitome of 'beauty' haha. Huwag ng umangal, baka ipatapon kita sa Vliann Forest!
"Okay umuwi na tayo mga BFF's dahil kukunin pa natin ang uniform niyo kay Mrs. Betty, and by the way, WELCOME TRANSFEREES TO PARADUS ACADEMY !" Hyper kong sabi sabay pulupot ng magkabila kong braso sa kanila, sa kanan ko si Stella at sa kaliwa si Lyka at hinila ko na sila papuntang bahay ni Mrs. Betty na nagsusuply ng uniform sa Paradus Academy.