Chapter 1

2090 Words
Padabog kong sinara ang pinto ng classroom namin na ikinabigla ng mga classmates ko at napatingin silang lahat sa akin. Tinaasan ko lang sila ng kilay bago inirapan. "Hoy bruha anong problema, bakit may black eye ka?" Tanong ng bestfriend kong si Lyka habang sinusuri ang mukha ko, hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Iniwas ko naman ang mukha ko, ayaw na ayaw ko kasing tinitingnan niya ako eh, nakaka-guilty. "Wala" pagsisinungaling ko at napataas ang kilay niya. "Stella Amina, kilala na kita! Halos ako na ang kasama mo simula pa no'ng fetus ka pa! Kaya 'wag kang magsinungaling sa akin. Hmmm, siguro nag ala-detective kana naman 'no?" Litanya nito na parang siya ang nanay ko. Marahan akong tumango dahil tama naman siya. "Anong nangyari? Ekwento mo nga sa'kin bilis!" Sabik na sabi ni Lyka at hinila ako papunta sa upuan namin. Kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari, as in lahat. "ANO?!" napataas ang boses ni Lyka matapos marinig ang kwento ko kung kaya't pinagtinginan kami ng mga classmates namin. Binigyan lang sila ni Lyka ng 'pake niyo?' look. Magdadaldalan pa sana kaming dalawa pero dumating na ang prof naming terror kaya tumigil na kami. Kung nagtataka kayo kung bakit nagkaroon ako ng mala-dalmatiang make up, well, ganito ang nangyari. *** Flashback *** Habang papasok ako papuntang classroom ay may narinig akong tsismis na nakakuha ng atensiyon ko. "Guys, alam niyo ba.. bigla nalang nawala si Mae no'ng mapadaan siya sa puno ng balete kanina.." "Paano mo naman nasabi?" "Eh kasi magkasama kami ng time na 'yon , before kami makalagpas sa puno ng balete ay tinawag ako ni Cess, kaya lumingon ako. Ngunit paglingon ko pabalik upang sabihin kay Mae na sasama muna ako kay Cess ay nawala na ito, kaloka diba? God tingnan niyo, nanayo ang mga balahibo ko. So creepy!" "OH MY! Baka may malignong manyak sa balete?!" "Hmmmm interesting" nakangiting sabi ko at mabilis na tumakbo papunta sa puno ng balete. Aja payting Stella! Cheer ko sa sarili ko. I really love solving mysteries! Nang makarating ako ay agad akong naghanap ng clues sa puno ng balete, inilibot ko ang tingin ko, sa taas, sa baba. Naningkit na ang mga mata ko sa kakahanap at nang mapagawi ang tingin ko sa may ugat ng balete ay may nakita akong hikaw, dali-daling pinulot ko ito. Pagdampot ko, napataas ang kilay ko dahil napansin kong may mga marka ng sapatos sa lupa, ang isang pares nito ay malaki kaya sigurado akong sa lalaki ito. Habang yung isa ay maliit, kung kaya't hindi ako sigurado kung sa lalaki ba ito o sa babae kaya upang malaman, sinundan ko ito at dinala ako ng mga marka sa isang luma at abandonadong classroom, basag ang mga bintana at maraming basurang nagkalat sa labas. Napangisi ako dahil alam kong malapit ko ng malutas ang kaso ni Mae. Agad kong kinapa ang aking bulsa at kinuha ang Cellphone ko, kinuhanan ko ng mga litrato ang mga marka ng sapatos papuntang abandoned classroom, pati ang '#crimeScene'. Naglakad ako palapit rito. Maingat kong hinahakbang ang mga paa ko upang maiwasang makagawa ng ingay. Nang tuluyan na akong makalapit ay halos manlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng mga UNGOL? Mas inilapit ko pa ang sarili ko at idinikit ang tenga ko sa pinto. "Ah, yeah! Harder babe" ungol ng isang di kilalang boses ng babae. Napalunok ako dahil may hinala na ako sa nangyayari. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano 'yon 'no! Nag-aanuhan sila.. basta alam niyo na 'yon. Pero hindi ako napigilan nito at muli, dahan-dahan kong pinihit ang pintuan at doon bumulaga sa akin ang hubo't hubad na katawan ng babae at lalaki. Nakatalikod ang lalaki habang nagpu-puah and pull sa isang babae. Nakita ko pa ang matambok na puwit ng lalaki kaya napatakip ako ng mga mata ko. "Ho-hoyyy!!" Lakas-loob kong sigaw at itinuro sila gamit ang hintuturo ko. "F*ck! May tao!" Natatarantang sigaw ng lalaki sabay dampot ng mga damit nito maging ang babae. Sh*t! Ang mga mata ko, tulungan ninyo ako... my virgin eyes, nakita ko kasi ang ano, 'yong ano ng lalaki. Basta! Habang ang babae naman, nakilala ko. "Mae?!" Hini makapaniwalang sigaw ko, all this time hindi pala siya dinukot ng maligno? Kundi kusa pala siyang nagpatangay sa lamanlupang kasama niya? Gosh mga kabataan talaga ngayon. Napataas naman ang kilay ng babae at halatang inis na inis na ito."Ano bang problema mo at paano mo kami nasundan?" naiinis na wika nito. Hindi ko naintindihan ang sarili ko kung bakit ko biglang itinaas ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato. I heard my phone clicked, kaya ang nangyari, Nasuntok lang naman ako ni Mae sabay sabing "Pakialamera kang babae ka! Ang sarap na sana eh, kaso dumating kang asungot ka, kaya walang lumalapit sayo kasi PAKIALAMERA ka! By the way, Pakibura ng litrato ha! Kung ayaw mong ikaw ang burahin ko sa mundo!" Tinulak niya ako kung kaya't napa-atras ako. Hinila na niya palabas ang kasama niyang lalaki. Napahawak nalang ako sa kanang mata ko, ang sakit! Pero mas masakit ang iwanan ng taong lubos mong minamahal at pinaka-iniingatan, Boom HUGOT! *** END *** "Hoy bruha, tulala kana naman! kanina kapa tinatawag ni Ma'am" saway ni Lyka sa'kin sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng isang malutong na batok, kaya natauhan ako. How sweet, halatang concern masyado si bespren. Napatingin ako sa prof namin na daig pa ang tiger look ng mga sundalo sa mga oras na ito. Napalunok ako. "MS. STELLA AMINA, STAND UP AND FACE YOUR CLASSMATES!" Nanggigigil na sabi ni Ma'am Ramos - isang terror teacher namin sa Literature. Wala akong nagawa kundi tumayo at pumunta sa harapan ng klase at duon pinaharap niya ako sa mga classmates ko. I saw her smirked at me. Bitter lang? "Put these books in each of your hand, This serves as your punishment for not paying attention in my class! Carry this hanggang tumunog ang bell" sabi nito sabay lagay ng tig-aapat na libro sa kamay ko na singkapal ng mukha niya. Wala akong choice kundi buhatin ito, at poker face kong hinarap ang mga classmates ko, nakita ko pang nagpipigil ng tawa ang classmates ko at lalo na ang bestfriend ko. Isa siyang magandang halimbawa ng isang mabuting kaibigan. Promise. Ilang minuto pa ang lumipas, tumatagaktak na ang pawis ko at nanginginig nadin ang tuhod ko at namamanhidnarij ang mga braso ko. God! Kapag ako nagkaroon ng pagkakataon? Kakalbuhin ko talaga ang gurang na iyon, I SWEAR. Habang nag-ala model ako ng mga libro, ay napaisip ako. Bakit ba palagi nalang akong napapahamak sa tuwing nag-aala detective ako? Hahay last na 'to, di na ulit ako magpapaka-detective. PROMISE. Promise nga! *Kriiiing!* oh yeah! Saved by the bell. I really love the sound of it, sinong estudyante ba naman ang hindi? "Okay, class dismissed. Ms. Amina you may take your recess" sabi ni Ma'am Ramos at tuluyang lumabas na ng classroom, pero bago 'yon inirapan niya muna ako. Insecure yata sa ganda kong pang-diyosa. Pero hayaan niyo na, wala tayong magagawa kung marami tayong haters. Haters are those people who envy you. Don't hate them, love them. Because they are the living proof that we have something that they don't have. Agad kong ibinagsak ang mga librong nakapatong sa kamay ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Sa wakas! I'm free. Nag-unat muna ako ng katawan dahil sobrang ngalay talaga. Lumabas na ako ng classroom at nakita ko si Lyka na nakapameywang sa labas at halatang naiinip na, she's tapping the floor gamit ang paa niya at nakakunot na ang noo, at nang makita niya ako ay mas lalo lang itong kumunot. "What took you so long? Masyado bang mabigat ang libro? To the point na parang dumikit na ang mga paa mo sa sahig?" Anong konek ng libro sa sahig? Paki-explain. "Nag-unat lang ako. Hmm let's go, Gutom na ako" sagot ko sabay hila sa kanya papuntang canteen, hindi na ito pumalag, I know she's hungry. Pagkarating namin ay agad kaming pumila. Nauna si Lyka sa akin kung kaya't kita ko ang likod niya. Nang hinangin ang buhok niya ay bahagyang na-expose ang kaniyang batok at nakita kong may parang tattoo siya roon, isang parang water drop na color sky blue na may cursive letter M sa loob na kumikinang. "Hoy Lyka, ganda ng tattoo ah! Bad Influence ka talaga!" Puri ko rito sabay siko ng tagiliran niya. Napalingon naman siya sa akin, saka inayos ang buhok upang matabunan ang tatoo niya. Namumutla ito at pinagpapawisan. Napakunot ang noo ko dahil sa ekspresyon niya. "Hoy, anong problema? Bakit amputla mo? Tsaka pinagpapawisan ka rin!" Sabi ko rito at pinahid ang pawisan niyang noo. Pero nanatiling tahimik lang ito. LYKA Nabigla ako sa sinabi ni Stella. Tattoo? Bigla kong narealize ang Emblem ko sa batok ko. Kung kaya't namutla ako dahil nakita ito ni Stella. Hini ko namalayang tapos na pala ang pamamalagi ko sa mundong ito, Yes you've heard it right, since nakikita na ng tao ang emblem ko, nangangahulugang tapos na ang pamamalagi ko sa mundong ito. I need to go back there, dahil ganap na akong Alzorian, at kung mananatili pa ako rito sa Greiko, there will be a possibility na maubos ang Magoi ko dito. And when that happens, I will be a mortal. FOREVER. Napadpad lang kami dito sa Greiko/mortal world dahil sa nangyaring pagsugod ng Cursed Tribe, kwento ni Dad. While my mom? She died giving birth to me here in Greiko. Nang ililikas na sana niya si Mama ay naabutan na sila ng ilang miyembro ng Cursed Tribe, that's why to save my mom, he opened a portal that consumed almost of his Magoi (the inner soul of an Alzorian) that made him powerless. Ang inner soul ay ang kaluluwa ng kapangyarihan ng isang Alzorian, without it... you're just a normal person. Gusto ko pa sanang makasama si Dad, pero baka maubos na ang Magoi ko. Hindi ko narin naman siya maisasama sa Alzora, dahil wala na ang Magoi niya. Isa na siyang ganap na tao. And it may lead him to death pag sinama ko pa siya doon. You'll know the reason soon. STELLA "Hoy bruha! Alis na muna ako. May titingnan lang " paalam ni Lyka na hindi mapakali. "Ha--" Hindi na niya ako hinintay na makapag-salita pa at agad na itong kumaripas ng takbo. Napansin kong kumikinang ang parang tattoo niya sa batok niya, nacu-curious tuloy ako. At dahil do'n nabuhay na naman ang dugong detective ko. Hmmmm, I guess di naman ako mapapahamak nito, kaya 'Last na talaga to' PROMISE. Sinundan ko na si Lyka Impakta at nakita ko siyang papunta sa balete kaya nagtaka ako, binilisan ko pa ang takbo at nang makarating ako sa balete ay may naramdaman akong kakaiba. Nakaramdam ako ng kaba at pag-aalinlangan na ituloy ang pagsunod kay Lyka. Narinig ko pa siyang may sinabi. Kung tama ang pagkakadinig ko, ang sinabi niya ay 'Abre porta de Alzora'. Balak ko sana siyang gulatin pero ako ang nagulat nang makita kong pumasok siya sa isang...PINTO? Oh my god! Kinusot-kusot ko ang mga mata ko baka nagha-hallucinate lang ako, pero wala parin eh. Nando'n parin ang isang double-door na may marka ng parang isang pentagram sa loob ng isang bilog na may disenyo ng ginto at sari-saring makukulay na gems. Pero imbis na matakot, "Mystery!" Excited kong sabi sabay sunod sa kanya, at nang tumapat ako sa pinto ay biglang sumakit ang birthmark ko sa kaliwang parte ng dibdib ko, parang napapaso ito. Ang init ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, tumutulo na ang malamig kong pawis, balak ko na sanang umalis nang maramdaman kong parang hinihigop ako ng pintuan, kaya nataranta ako at naghanap ng makakapitan, naramdaman kong umangat na ang katawan ko pero nanatili akong nakakapit sa ugat ng balete. "Ahhhhhhhh!" Sigaw ko nang tuluyan na akong hinigop ng pinto, para akong maduduwal dahil paikot-ikot akong nahuhulog sa walang katapusang bangin ba ito o ano? Nagrarambulan na ang mga laman-loob ko sa tindi ng pag-ikot ng katawan ko, tinakpan ko nalang ang bibig ko gamit ang dalawa kong palad, dahil anytime kapag sumigaw ako, sigurado... Back to nature ang mga kinain ko. Narinig ko pa ang malakas na pagsara ng pinto at tuluyang naging madilim ang buong paligid. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD