PROLOGUE

439 Words
Nagkakagulo na ang buong Alzora, maraming nagtatakbuhan, nag-iiyakan at naglalaban. Kasalukuyang sumusugod ang Wiccan Tribe at walang habas na pinagpapapatay ang lahat ng nakikita nila, mapa bata man o matanda. Sa kabilang banda naman ay nasa isang silid ang Reyna ng mga Seraph, napapalibutan siya ng mga knight slayers kasama na ang kaniyang kanang kamay na si Magrett, sa araw kasing iyon ay manganganak na ang reyna. Nakarinig sila ng isang napakalakas na pagsabog sa labas ng silid kung kaya't naging alerto ang mga knight slayers, inilabas nila ang kanilang mga espada at pinadaloy rito ang elementong taglay nila. Habang si Magrett ay inilabas ang kaniyang wand at hinayaang umilaw ang dulo nito, habang ang mahal na reyna ay hindi magkamayaw sa pagsigaw dahil sa nalalapit niyang panganganak. "Sorcerers!" Sigaw ng isang Knight Slayer at sa isang iglap lang ay nabahiran ng dugo ang maputing silid ng reyna. Napadako ang tingin ni Magrett sa reyna at halos manlaki ang mata nito nang makitang naisilang na ang tagapagmana. "I-ta-takas m-mo a-ang a-anak k-ko" nahihirapang sabii ng reyna bago ito mabalutan ng gintong liwanag at unti-unting bumalik ang kaniyang lakas, suot-suot na niya ang kaniyang gintong baluti at nakatayo na siya sa harap nila Magrett. "Tara na" sabi nito bago buong pwersang hinawi ang kumpol ng mga sorcerers na humarang sa kanilang daraanan. Hinawakan nito si Magrett na kasalukuyang karga ang kaniyang anak, inilabas nito ang kaniyang ginintuang pakpak at mabilis itong ipinagaspas palayo sa magulong palasyo ng Alzora. Huminto sila sa Anzien Mountain, isa sa pinaka payapang lugar sa mundo ng Alzora, doon itinapat ng reyna ang kamay niya sa isang puno, at mula rito ay may namuong lagusan papuntang Greiko, ang mundo ng mga mortal. "Tumakas kayo ng anak ko Magrett, iligtas mo ang tagapangalaga ng mundong ito" "Pero---" tututol pa sana si Magrett pero hinawakan ng reyna ang kaniyang magkabilang balikat. "Makinig ka... May masama akong kutob, kung kaya't umalis na kayo!" Natigilan si Magrett sa sinabi ng reyna ngunit nakuha niya ang ibig ipahiwatig nito kung kaya't mabilis siyang humakbang papasok sa lagusang gawa ng reyna. "Sandali..." Napatigil siya sa paghakbang, humarap siya sa reyna at nakita niya ang mukha ng isang ina... Inang nagpapaalam sa kaniyang anak. Inilapit ng reyna ang kaniyang mukha sa kaniyang anak, hinalikan niya ito dahilan upang balutin ito ng gintong liwanag, ang basbas ng isang ina. "Ingatan mo ang anak ko" bilin ng reyna bago yakapin ang kaniyang kanang kamay. "Makakaasa ka mahal na reyna" sabi ni Magrett at mas hinigpitan ang hawak sa itlog ng mahal na reyna at tumuloy na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD