M O N D A Y
STELLA
Excited kami ni Lyka na pumasok kasi pareho naming gustong matuto, ako ng self defense at siya naman ng new techniques related to water, habang si Zy ay chill lang, siyempre old student na siya eh. Nga pala nakita ko na ang Emblem ni Zyline, it was a neon green colored letter M intertwined on a red rose.
"Excited?" Tanong nito sa aming dalawa ni Lyka. Tumango lang kami at ngumiti nang pagkalapad-lapad.
"Then let's go" at hinila na niya kami papuntang classroom namin.
Galing kaming tatlo ng Cr kasi po nag-ayos pa kami dahil sumakay po kami ng Flaschen kanina kaya nagulo ang buhok namin at para tuloy kaming na-r**e! Nakasuot kami ng aqua blue long sleeves topped with a black blazer, with a black-sky blue striped ribbon paired with a black mini skirt with aqua blue linings, a three-inch heels and black knee-sock.
"BFFs sigurado ba talaga kayo na sa Commoner's class tayo papasok?" nag-aalinlangang tanong ko sa kanila.
Eh kasi naman po napagkasunduan naming tatlo na sa Commoners class pumasok para daw mapagtakpan ang pagiging mortal ko, doon kasi it's either na mahina ang powers mo or undeveloped/ undiscovered pa. Habang ang isa ay Elites wherein nandoon lahat ng malalakas at namaster na ang powers nila at still learning pa.
Doon nga sa Elites si Zy nabebelong eh, kaso she decided to transfer sa Commoners with us para daw hindi na siya ma-bully, nakakaawa nga eh kasi sa ganda niyang 'yan ay inaapi lang siya.
"Siyempre naman Bff, para iwas gulo narin hehe" sabi ni Zy sabay taas-baba ng dalawang kilay.
Napangisi lang ako pati si Lyka, ang kulit talaga.
"And para masamahan ka narin namin!" Si Lyka na super hyper ngayon kasi excited masyado, hindi naman halata diba? Dzuh.
"We're here! Section E ." Sabi ni Zy sabay katok sa white doubledoor.
Nakatatlong katok muna siya bago pinagbuksan ng instructor, yes imbes na teacher/ma'am/prof, instructor ang tawag sa mga nagtuturo ng paggamit ng mahika dito sa Paradus Academy, bakit? Hindi ko alam. Itanong niyo sa pagong.
"Transferees po" sabi ni Lyka sabay ngiti sa instructor naming babae, ginantihan kami nito ng matamis na ngiti bago ibibaling ang tingin sa kaniyang estudyante.
"Okay class, we have three transferees, so please be quiet." Paalala nito sa mga estudyante niya. "Okay come in beautiful ladies, and introduce yourselves" dagdag nito bago mag-give way para sa amin.
Unang pumasok si Zy at nagpakilala "Hi I'm Zyline Blowan, eighteen and I'm a plant Mage, please be good to me and to my friends" sabi nito sabay ngiti. At punta sa gilid sa right side. Sumunod naman si Lyka.
"Hi I'm Lyka Wazzardrop. Eighteen, a water Mage. I hope that you'll treat me and my friends well" sabi nito sabay sunod kay Zy.
Shit! Ako na ang susunod.. hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako, natatae tuloy ako. De joke lang.
Pumasok na ako sa classroom at humarap na sa kanila.
"Hi everyone! I'm Stella Amina. seventeen, please be good to me :)" sabi ko sabay smile at pa-kyut konti.
"Okay take your seats ladies, kayo na ang bahala kung saan niyo gustong umupo" sabi ng instructor naming si Ma'am Helen.
Nakakita naman kami ng three vacant seats sa likod malapit sa bintana at doon namin napagpasiyahang umupo.
Habang naglalakad kami papunta dun ay nakarinig ako ng mga bulung-bulungan, take note, bulong palang 'yan ha? Pero rinig na rinig ko na.
Uy! Ang ganda nilang tatlo. G1
Yeah, tama ka. G2
Yay! Madadagdagan na naman ang E-family! G3
Napangisi tuloy ako. I thought pagsasalitaan nila kami ng masama, pero ito na yata ang sinasabi nilang 'expectations versus reality".
"Excuse me class, pinapatawag ako ng Head, so maiwan ko muna kayo." Sabi ni Ma'am sabay labas ng room. Nag-ingay naman silang lahat well except for the three of us, nag-aadjust pa kasi ang ganda namin. Maya-maya pa ay may lumapit na babae sa amin, nerdy ang porma niya pero maganda.
"Hi" nakangiting bati niya at bahagyang nag-wave ng kamay.
"Hello!" Sabay na bati naming tatlo then flashed a smile.
"Kyah! Ang bait nila!" Sigaw ng isang babaeng nasa 5'1 ang height at medyo chubby tapos medyo kulot ang buhok at maputi. Dahil do'n isa-isang nagsilapitan ang mga classmates namin sa amin, mapa lalaki man o babae, they all gave us a warm welcome and made us feel that we are already a member of their family.
"Hi I'm Audrey Leafresk, isa akong Caster" pakilala ni Nerdy girl na may emblem sa leeg niya, isang shiny magic wand na color golden brown. She waved her hand for the second time around, nginitian lang namin siya.
"Hi I'm Paolo Briz, hehe, Air Mage" pakilala ng isang lalaking matangkad, maputi, at gwapo, yo'ng emblem niya ay nasa braso niya, it looked like a shiny cloud na kulay white at sa loob no'n ay Letter M. Napansin ko namang titig na titig kay Paolo si Zy, kulang nalang gahasain niya ito, haha humanda ka mamaya sa akin Zyline.
"Uhmm hi, ako si Mav Frost, Ice Mage" pakilala ng isang lalaking matipuno ang katawan ngunit mahiyain. Gwapo rin ito, ang emblem niya ay nasa batok rin, it was a shiny color sky blue snowflakes, then as usual nasa gitna ang letter M. Pag-tingin ko kay Lyka, ayon! Kumikislap ang mga mata.
Bwahahaha! Humanda kayong dalawa mamaya, bakit sila meron ng kraz? Samantalang ako, wala!
Masaya kaming nagkwekwentuhan nila Audrey, Paolo, Mav at siyempre sina Zy at Lyka. Na super halata na may crush kina Pao at Mav, marami kaming nalaman sa kanila, lalong-lalo na kay Audrey na daig pa ang puwit ng manok sa kakadaldal. Napag-alaman ko rin na ang Alzora ay pinamumunuan ng Magic Council, pero noon raw pinamumunuan ito ng Hari at Reyna, hindi nga lang nila nasabi kung sino, dahil nag-bell na.
Ang dali lang naming nagkagaanan ng mga loob, it was like there is a connection between the six of us, at dahil tumunog na ang bell, isa-isa ng nagsisialisan ang mga classmates namin, papaalis na din sana kami ng tawagin kami nina Audrey, Paolo at Mav.
"Uhmmm, gusto mo ay niyong sumabay?" alok ni Mav sa amin pero kay Lyka lang nakatingin, Hmm, I smell something, amoy bangus.
"Sure" sagot ko, dahil tulala lang ang dalawa habang nakatingin sa crush nila. Siguro sa mga oras na'to, hinuhubaran na nila ang dalawang binata na ito sa kanilang mga isip. Pagkarating namin sa cafeteria ay andaming tao, may magaganda, ungas, gwapo malandi, simple, fashionista...basta sari-saring tao ang kumakain sa cafeteria, alangan namang magkaparehas kami, edi nagmukha kaming kalabaw!
Napatingin naman ako sa isang grupong nakaupo sa gitna, na tila iniiwasan sila ng lahat, isa-isa ko silang tiningnan, ngunit napako ang tingin ko sa isang babaeng mahaba ang buhok na kulay pula, maganda ito, pero halatang suplada. Nagkasalubong ang tingin namin at halos maubos ang hininga ko dahil nakakatakot ang titig ng babaeng 'yon, yo'ng mga tinginang nagsasabing 'anong tinitingin-tingin mo? Gusto mong gilitan kita sa leeg?' 'yan yo'ng mga tinging ibinibigay niya sa akin eh, kaya namutla at nanigas ako ng slight.
"Bff ayos ka lang?" Tanong ni Zy habang sinusuri ang mukha ko,
"Yeah, I'm okay! " pagsisinungaling ko at mas piniling ituon nalang ang atensyon sa ibang kumakain.
Umupo kami sa pinaka-sulok na table,Mas okay kasi do'n, iwas sa atensiyon, pagka-upo namin ay agad akong nagtanong.
"Uhmm guys? Sino ang grupong iyon?" Turo ko sa grupong kinaroroonan ng babaeng tiningnan ko kanina.
"Oh! Crap huwag mo silang ituro Stella, baka magsisi ka!" Babala ni Audrey at ibinaba ang kamay ko.
"Bakit?" Tanong ko naman na bahagyang napataas ang kilay, sino ba sila?
"Sila ang sorceress, ang pinakamalakas na grupo ng Casters sa buong Paradus Academy. Si Jane yung may pulang buhok ay Class B+ caster, siya ang leader and the other 5 are all class B casters." Nangilabot naman ako sa sinabi ni Audrey, "So it means sila ang pinakamalaks dito sa campus?" Tanong ko.
"Yes they are the strongest Casters and Group here in Paradus Academy, but may isang estudyante dito na Class A Fire Slayer na. Siya si Flint Sieszier." Paliwanag ni Pao. Hmm, now I know kung bakit iniiwasan ng mga estudyante ang Sorceress, and about Flint, Nacu-curious tuloy ako, iniiwasan rin kaya siya ng mga estudyante rito ?
"Don't ever mess with them Stella, baka hamunin ka nila sa isang battle at madamay pa kami at nasisiguro kong hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin nila 'pag nangyari 'yon" babala ni Mav.
"Sure! Don't worry,mag-iingat ako Mav" sabi ko. "Uhmm guys Cr muna ako ah. Balik ako agad" paalam ko at pumunta na sa Cr.
Habang naglalakad ako ay binangga ako ng isang lalaki na nakayuko,
"Aray! Ano ba yan ang tanga!" inis kong sabi at nakarinig naman ako ng gasps, tila nabigla ang lahat, O.A lang?
"Ikaw ang tanga." Cold na sabi nito, ay anak ng malanding kambing! Imbes na mag'sorry' ay sinagot pa ako?!
"Anong ako?! Eh ikaw nga yang yuyuko-yuko tapos binangga mo pa ako! s**t ka naman oh!" sabi ko sabay tingin sa kanya. Pero parang nawala ang galit ko dahil nakakita ako ng isang gwapong nilalang, isang lalaking nasa 5'7 ang height, maputi, makinis ang mukha, may red kissable lips, matangos na ilong at brown eyes, ang emblem niya ay nasa left side ng leeg niya, it was a flaming sword, tila buhay ang apoy na nakapalibot sa espada.
"Shut up" again, cold na sabi nito at akmang tatalikod na, kaya nainis na naman ako. Nawala na ang paghanga ko, as in WALA na!
"Shut up mo mukha mo! Balatan kita ng buhay diyang labanos ka eh!" Inis na sabi ko sabay balik sa mesa namin. I even heard him asking 'what's labanos?' pero hindi ko na sinagot.
Habang naglalakad ako pabalik sa mesa ay nakarinig na naman ako ng mga bulong pero parang pinaparinig sa akin.
"Hmmm ang tapang ng Commoner nayan para sigawan si Fafa Flint! Magbabayad talaga siya kay Jane" O.A Girl#1
"Yeah tama ka girl, mukha pa namang mahina ang isang iyan" O.A Girl#2
Hmm, parang familiar ang names na binanggit nila, I think I've heard it somewhere, pero the hell I care? Iba ako mainis, iba mainis ang mga diyosa tandaan niyo 'yan.
Napansin kong halos lahat ng babae ay nakatingin sa akin ng masama, inirapan ko lang sila, well bahala sila, pumutok man ang eyeballs nila kakatingin sa akin ng masama, wala akong pakialam.
Nakabusangot akong umupo at hinarap ang mga kaibigan ko.
Napansin kong namutla silang lahat maliban sa akin at parang nakakita sila ng multo sa likod ko.
"Hey guys, para kayong nakakita ng multo! Pfft. Hahaha!." natatwa kong sabi, ngunit still, shocked parin ang mga mukha nila kaya lumingon ako para tingnan kung ano o sino ang tinitingnan nila, paglingon ko ay halos mapasigaw na ako sa gulat nang makita ko ang grupo ni Jane na masamang nakatingin sa amin or sa AKIN?
"Hi :)" ngiting bati ko kahit kinakabahan na ako deep inside, magaling yata ako sa ganito.
I'm good at hinding my real feelings, that's why, no one really knows that i'm hurting and dying inside.
Tiningnan lang ako ni Jane mula ulo hanggang paa saka tinaasan ako ng kilay.
"Two weeks from now, Friday, 10:00 A.M, Battle Arena. Don't be late and bring your weak friends with you b***h! Pinahiya niyo si Flint my loves, kaya ipapahiya rin kita, pati yang mahihina mong mga kaibigan" mataray na Sabi nito sabay turo sa mga kaibigan ko. Nainis naman ako dahil sa sinabi niya about sa mga kaibigan ko, okay na sanang insultuhin niya ako eh, 'wag na 'wag lang niyang idadamay ang mga kaibigan ko!
"Hey, b***h ka rin! Wala akong pake sa mga sinasabi mo! At ano namang gagawin natin next friday, magpapagandahan? P'wes ngayon palang umurong ka na, wala ka ng pag-asang manalo kung gano'n" Mataray kong sabi sa kanya and I heard the crowd gasped. Ang overacting nila promise.
Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.
"Isn't it obvious? Well, hinahamon kita at ang mga kaibigan mo sa isang battle! Hindi pagandahan ang gagawin natin, kundi p*****n!" Sabi niya na nakapameywang pa.
"Sure! We're not scared! At ano namang kapalit kung mananalo kami?!!" Di ko alam saan ko nahuhugot ang lakas ng loob ko ngayon.
"Well, aalis kami ng Acedemy, but if kami ang manalo, you'll leave this Academy. Only YOU" sabi nito sabay alis palayo sa amin. Napansin kong naka-nganga ang halos lahat ng taong nasa cafeteria, pagtingin ko sa mga kaibigan ko, masamang tingin lang ang pinukol nila sa akin, napalunok naman ako ng plema ay este laway pala. Well i guess, I still need to convince them to help me win the battle of COMMONERS VS SORCERESS. And Siguro nga kakambal ko na ang kamalasan, dahil first day of school ko palang dito, mapapalaban na ako at dinamay ko pa sila..
Sana hindi ako mamatay, please lord help me!
ZYLINE
Now we're in trouble. It's beacause of Stella, pero di ko talaga magawang mainis sa kanya, I don't know why, then sinabi nila ni Lyka na Mortal daw siya, pero I don't believe them, maybe di pa nagigising ang kapangyarihan ni Stella because she's still seventeen, kasi po kapag ang powerless Alzorian reached the age of eighteen, that's the time that his/her power will be awakened, atsaka kung tao nga siya edi sana namatay na siya, because the Alzorian Core will drain her life force o di kaya'y sinugod na siya ng mga Foulen.
I really find you interesting Bff Stella. Sino ka ba talaga?