Special Chapter 7

1299 Words
Napamulat si Miles at nakita niya na nasa kwarto siya ngayon at katabi niya ngayon ang kanyang mahal na nakahawak sa kamay niya habang natutulog. Hinang hina siyang hinalikan ang asawa at di niya alam kung bakit siya nagkakaganito sana malagpasan nila ang lahat ng problema nila ngayon. Naalala niya ang sinabi ng doctor sa kanya na ang buhay niya ay di na hahaba. At pinakausapan niya ang doctor na wag ipaalam sa hari dahil mag aalala lamang iyon. "Mahal na mahal kita, Eren." naramdaman niyang niyakap siya ng kanyang asawa at doon na tumulo ang luha niya na di na niya pinigalan pa. Nakatulog na siya ulit. Nasa isang kagubatan siya at nakita niya ang isang lalaki. At namukhaan niya iyon. "Kuya Zaido?" napatingin ang lalaki sa kanya. "Miles, pwede iwan mo na siya at saakin ka nalang? Wag kang mag aalala pag ako ang pinili mo pagagalingin kita." sabi nito sa kanya. Umiling naman si Miles sa sinabi nito. "Pasensya na Kuya... Si Eren ang mahal ko di ko siya kayang ipagpalit pa." sabi nito sa kanya na kinanigas niya ng lalaki. "Ako nalang please... Aalagaan kita mas hihigitan ko lahat ng ginawa ni Eren. Mapasaakin ka lang ibibigay ko sayo ang lahat." pagmamakaawa niya kay Miles.  Umiyak na si Miles dahil sa pagmamakaawa ni Zaido. "Kuya, kapatid lamang ang tingin ko sayo hindi na yun hihigit pa dun." naiiyak na sabi ni Miles sa kanya. "Hindi na ba maiiba ang desisyon mo? Ano ba ang meron sa kanya na wala ako? Gagawin ko ang lahat. Marami na akong nakilalang babae pero hindi padin sila ang hinahanap ng puso ko. Ikaw ang hinahanap nito." umiiyak na sabi niya kay Miles. "Hindi na. Mahal na mahal ko si Eren, Kuya. At may babae talagang para sayo." sahi nito nang biglang umiba ang awra ni Zaido at bigla itong hinawakan sa pulso si Miles. "Kung hindi ka magiging akin... Papatayin nalang kita! Kayong dalawa ng Eren na yun!" sigaw niya at napapikit si Miles dahil sa masakit ang pagkakahawak sa kanya ni Zaido. "N-nasasaktan ako, Kuya!" "Hindi kayo magkakatuluyan tandaan mo yan." at napamulat si Miles habang hinihingal nakita niya ang asawang nag aalalang nakatingin sa kanya. "Anong nang nangyari, Mahal?" agad niyakap ni Miles si Eren. "Mahal na mahal kita ikaw lang ang mamahalin ko hanggang kamatayan ko pa." sabi nito sa kay Eren na kinangiti naman ni Eren. "Mahal din kita, Mahal. Hanggang kamatayan pa yan. Teka may masama bang nangyari sa panaginip mo?" sabi nito na kinailing agad ni Miles di niya sasabihin ang nangyari baka panaginip lamang iyon at hindi totoo. "Wala matulog na ulit tayo." sabi nalang ni Miles at mahigpit na niyakap ang asawa at lihim na tumulo ang luha niya dahil sa lungkot. ***** "Hmmm... Nagawa ko na ba ang lahat?" sabi ni Miles habang nakatingin sa plan paper niya. Pinaghandaan niya na ang lahat bago siya mawala kahit ayaw niyang mangyari iyon. Napabuntong hininga nalang siya at pumunta sa salamin sa kanilang kwarto. Nakita niya doon na umiba ang ang kanyang kalagayan. Makikita sa mukha ni Miles na nanghihina na talaga siya. Biglang may kumatok sa pintuan na kinatingin niya. "Sino yan?" sabi ni Miles. "Ako po ito mahal na reyna." sabi ng kanilang doctor na lalaki. "Pumasok ka." utos niya at pumasok naman ang doctor at tiningnan ang kanyang kalagayan. "Mahal na reyna..." "I know na mas lalong lumala na ang pakiramdam ko. Nais ko lang sabihin sayo na sana alagaan mo ng maayos si Eren kahit wala na ako." nakangiting sabi ko sa kanya. "Masusunod po mahal na reyna." sabi niya. "Mahal na reyna, wala po ba kayong balak na sabihin sa hari ang iyong kalagayan?" tiningnan ko siya at nagbuntong hininga. "Ayokong mag alala siya ang dami niyang problema ngayon at dadagdag pa ako wag na." tumango nalamang ang doctor. ****** "Mabuti at nakabisita ulit, Jade?" nakangiting sabi ni Miles sa dalaga. Malungkot na ngumiti si Jade kay Miles at niyakap nito ang Reyna. "I'm sorry." umiiyak na sabi nito. Di maintindihan ni Miles kung bakit ito humihingi ng patawad pero pinabayaan nalang niya. At humiwalay na siya ng yakap sa dalaga. Napatingin si Miles sa dala nitong Tea at huli na para itago iyon sa likuran ni Jade. "Yan nanaman ba yung ipapatikim mo saakin?" nakangiting sambit ni Miles. Umiling naman si Jade. "H-hindi... Uhmm..." nag iisip si Jade kung ano ang sasabihin niya. Di na niya hahayaang gawin ang maling ginawa niya noon. "Uhmm... Ganun ba. Sige mag uutos nalang tayo sa katulong ng tyaa." nakahingang maluwag si Jade sa sinabi ni Miles. "M-mas mabuti pa nga yun." sabi nito kay Miles. Umupo na sila sa upuan dito sa labas ng kaharian harap ang mga rosas. "Napapansin ko nitong mga huling araw na may problema ka. Wag mong kalimutan na nandito lamang ako sa tabi mo para tulungan ka para na kasi kitang kapatid wala kasi akong bunso eh." nakangiting sabi ni Miles kay Jade. Nakaramdam naman si Jade ng galak sa kanyang puso dahil may isang taong nakakaintindi sa kanya. "Salamat, Miles. Napakabuti ng iyong puso at maswerte si Eren sayo dahil nakakita siya ng babaeng katulad mo sana maging katulad kita." napangiti si Miles at niyakap si Jade. "Alam ko na may lalaking dadating sa buhay mo. At siya talaga ang nabababagay sayo." Nagngitian nalang sila hanggang sa dumating na ang tsaa na hinihintay nila. Inilapag na ng katulong ang tsaa at nagpasalamat naman si Miles at agad ininum nila ang tsaa hanggang sa maubos. Napatingin naman si Jade sa katulong na sekretong napangiti at napatingin siya kay Miles na inu ubos ang tsaa hanggang sa inilapag nito ang baso. Doon na niya na realized ang nangyayari. Biglang napahawak si Miles sa kanyang puso at namimilipit sa sakit. Hanggang sa natumba ito sa sahig. "Miles!"sigaw ni Jade at tumingin siya sa kung saan ang katulong wala na sa kinatatayuan nito. "Sh*t! Tulong!!" nagpapanik na sigaw niya hanggang sa mawalan na ng malay si Miles. "M-Miles!" napatingin si Jade sa may gate nandoon si Eren na tumatakbo papalapit sa kanila. "Mahal, gising." sabi ni Eren at nang hindi magising agad nitong binuhat si Miles papasok ng kwarto nito. Napakagat si Jade sa labi sinisisi niya ang sarili dahil sa ginawa niya kay Miles. Siya ang nagdesisyon na patayin ito kahit si Eren naman talaga ang target ng kanyang ama at ngayon di niya naligtas at natuloy ang tuluyang plano ng kanyang ama na patayin kung sino man ang nakainom noon.. Di siya makatiis agad siyang bumalik sa palasyo kung saan umiinom ang kanyang ama ng wine at tumatawa ng parang nababaliw na. "Patay na siya diba?" natatawang sabi ng ama nito. "Oo dahil sayo wala na si Miles! Si Miles na nakakaintindi saakin wala na!" sigaw ni Jade sa ama natahimik naman ang Ama nito at masamang tiningnan ang anak. "Oo...  Dahil rin naman sa ginawa mo kaya si Miles ang namatay! Ngayon tanggapin mo ang parusa para magtanda ka!" sigaw nito at nagpalabas ng mahika ang ama nito at isang iglap nasa isang kulungan na siya at nakatali ang kamay at paa niya at nararamdaman niya ang init ng apoy sa paligid niya para siyang niluluto. "Karma ko na toh." mahinang sabi niya. Napapikit siya at tinawag ang kanyang kapatid na si Axle. 'Kuya, please iligtas mo si Miles. Pabalikin mo siya sa piling ni Eren.' mahinang sabi nito sa kapatid sa isipan. 'Nasaan ka! At mahirap ang sinasabi mo.' 'Please, Kuya. Kahit yun na ang huling kahilingan ko bago ako mawala sa mundong ito.' naiiyak na siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. 'Ililigtas kita. Sabihin mo kung nasaan ka tutulungan kita sa kahilingan mo. Please tell me!' 'Mahal kita kuya... Mahal ko kayong mga kapatid ko." yan ang huling sinabi ni Jade bago mawalan ng malay. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD