Special Chapter 6

1189 Words
Masaya silang kinasal ni Eren at magkayakap silang dalawa sa higaan ngayon habang hinalik halikan ni Eren ang noo ng asawa. "My Queen, I love you so much." nakangiting sabi ni Eren sa asawa. Napatingin naman si Miles sa asawa at hinalikan din niya ito sa labi. "Mahal din kita. My King." Napangiti sila parehos nang biglang may kumatok kaya napatingin sila sa pinto. "Sino yan?" sabi agad ni Eren. "Mahal na hari may bisita po kayo. Dumating na po si Lady Mary Jade." napatingin naman si Miles kay Eren. "Sino siya?" mahinhing sabi ni Miles sa asawa. "My friend para ko na din siyang kapatid." sabi nito. Napatango nalang si Miles. "Sige sabihin mong hintayin muna kami." sabi ni Eren sa katulong. **** Nang makababa na sila biglang tumakbo si Mary Jade at niyakap si Eren. "Eren! Miss na miss na kita!" masayang sabi nito kay Eren. "Me too." napatingin naman si Mary Jade kay Miles. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Eren... Siya na ba si Miles?" sabi nito kay Eren. Humiwalay sa yakap si Eren at hinawakan sa bewang ang asawa. "Yes, she is. Wife, she's my friend Mary Jade and Mary Jade she's my love of my life my wife, Miles." pakilala niya sa dalawa. Ngumiti naman si Jade at hinawakan ang kamay ni Miles at nagshake hands ang dalawa. "Nice to meet you, Miles. Gusto sana kitang maging kaibigan pwede ba?" sabi nito kay Miles. At inosenteng tumango nalang si Miles. "Sa susunod ha magkape naman tayo. Di muna ngayon aalis muna ako may lalakarin pa kase ako eh." sabi nito kay Miles. Tumango naman si Miles. "Sige." "Sige una na ako! Bye!" umalis na si Jade at nagtinginan naman si Miles at Eren. "Ang bait naman niyang bata para ko na siyang bunsong kapatid." sabi ni Miles sa asawa. "Yeah." Boung araw na bumibisita si Jade sa palasyo at araw araw niyang binibigyan ng reyna ng pagkain o inumin galing sa kanilang lugar. "Masarap ba?" sabi nito kay Miles habang nakangiti. Tumango naman si Miles habang iniinom ang tea na tinimpla ni Jade sa kanya. "Di ka na sana nag abala." mahinhing sabi nitosa dalaga. "Nako! Masanay ka na. Araw araw kitang dadalhan ng mga pagkain kasi para na din kitang ate eh." napangiti si Miles sa sinabi ng dalaga at niyakap ni Miles si Jade na kinabigla nito. "I love to have sister like you, Jade." nakangiting sabi ni Miles. Natulala naman si Jade sa kabaitan ni Miles. Humiwalay ng yakap si Miles ng yakap nang naramdaman niyang kakaiba parang sumasakit ang puso niya. "M-may problema ba, Miles?" nauutal na sabi ni Jade. Parang nagsisisi si Jade sa kanyang ginawa napakabait ni Miles para gawan niya ng masama ito. At sumuko na siya dahil di niya mapapaibig si Eren sa kanya. "A--ayos lang ako mukhang kailangan ko nang magpahinga. Pasensya na ha." kahit masakit ang puso ni Miles ngumiti padin siya sa dalaga bago umalis. Napatingin naman si Jade sa tea na nilagyan ng lason na unti unting nagpapahina at nagpapatay sa puso ni Miles. Sabi ng ama niya kay Eren daw iyon ipainom pero ayaw niyang masaktan ang kanyang mahal kaya kay Miles niya iyon pinainom. Ang sabi ng ama nito sampung araw na sunod sunod na ipainom iyon sa biktima siguradong mamamatay agad ang puso nito. At ito ang Ikawalong araw at gusto na niyang sumuko napakabait ni Miles para mawala kay Eren. Sa sumunod na araw hindi siya pumunta sa palasyo at nalaman agad iyon ng kanyang ama. Agad nagpautos ang ama nito sa isang maid na ipainom ito kay Eren na narinig ni Jade. "Ama! Ako nalang po!" agad pumagitna si Jade sa kanilang dalawa at kinuha ang lason sa kamay niya. "Akala ko ayaw mo na?" may nakakalokong ngiti sa mga labi ang ama niya. "I'll do it did you hear me! So no more question." Jade said. At agad siyang tumalikod nang bigla siyang tinawag ng ama nito. "Jade." napahinto siya at di tumingin sa ama. "Finnish him immediately." agad siyang umalis sa lugar na yun. Huminto siya sa isang puno at doon umiyak. Nang bigla itong napatingin sa langit dahil umiilaw iyon. Agad niyang pinahid ang luha niya para di siya makitang umiiyak. At nang makarating ito sa lupa at nag anyong tao agad iyon. "Jade." agad napatingin ang dalaga sa kanya. Nakita niya na titig na titig sa kanya ang binata. "Kuya Axle." umiwas siya ng tingin sa kapatid. "Anong ginawa ng bastardo mong ama sayo. Tinakot ka na naman niya?" sabi ni Axle sa kapatid. Isang Anghel si Axle at magkapatid sila ni Jade sa Ina. "W-wala Kuya." nauutal na sabi nito at dali daling umalis nang tumama siya bigla sa dibdib ng kapatid. "I know natatakot ka. At kung ipagpapatuloy mo ang gagawin mo ako na ang nagsasabi sayo na mag iiba ang lahat pag itinuloy mo ang lahat ng ito." sabi nito at hinalikan niya ang noo ng kapatid bago nawala sa harap ng dalaga. Napaluhod si Jade habang umiiyak. Kailangan niyang gawin iyon kung hindi... 'Kung hindi mo gagawin ang sinaasabi ko buhay ng mga kapatid mo ang kapalit. Uubusin ko sila isa isa!' sigaw ng ama sa kanya. "Sorry, Kuya Axle.... Para sa inyo itong gagawin ko." Nakarating siya sa palasyo at nakita niya si Miles na masayang tumingin sa kanya. Niyakap siya ni Miles. "Bakit natagalan ka? Akala ko may nangyari na sayo eh. Nag aalala ako sayo." sabi nito kay Jade. Ngumiti ng pilit si Jade kay Miles. "May binili lang saglit pasensya kung pinag alala kita, Miles." nakangiting sabi niya. "Para na din kitang kapatid. Tara na kumain na tayo baka gutom ka na." nakangiting sabi niya. Ngumiti siya at tumango. Ininum ulit ni Miles ang tea na binigay niya napaiwas siya ng tingin habang iniinom ni Miles yung Tea. Wala si King Eren sa palasyo dahil may mission sila sa isang parte ng kanilang nasasakupan kaya mag isa lamang si Miles dito. Nakaramdam nanaman ng sakit sa puso si Miles at mas lalo yung sumakit na kinabagsak niya sa sahig. Natulalang nakatingin si Jade sa katawan ni Miles at ang bilis ng t***k ng puso niya. 'Sorry Miles...' walang boses na sabi niya. "WAAA! ANG MAHAL NA REYNA!" sigaw ng isang katulong. Agad tinulungan ng mga kawal nila ang reyna papunta sa kwarto nito. Napakagat si Jade sa labi niya at agad umalis sa kaharian pabalik sa bahay nila. Nang bigla siyang sinakal ng ama nito. "Ano tung nakikita ko, Jade!" sigaw ng ama nito sa dalaga. "A-ama..." nahihirapang sambit niya sa ama niya. "Bakit si Miles ang malapit nang mamamatay! Diba si Eren ang sinabi ko sayo! Di si Miles ang dapat mamatay si Eren dapat!" sigaw ng ama nito sa kanya. Itinapon siya ng kanyang ama na kinapikit niya sa sakit. "Sumagot ka!" "Dahil... Ayokong masaktan si Eren! Mahal ko siya!" sigaw ko. Napahawak siya sa kanyang ulo at masama siyang tumingin saakin. "Pasalamat ka may kailangan ko pa kayong mga kapatid mo kung hindi pinatay ko na kayo!" sigaw ng ama nito bago nawala. Napaiyak nalang si Jade hanggang sa mawalan siya ng malay. **** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD