Special Chapter 8

784 Words
Umiiyak si Eren habang yakap si Miles. "Mahal." mahinang tawag ni Miles kay Eren. "Mahal, bakit di mo sinabi." yakap yakap padin ni Eren ang kanyang asawa. "Ayokong dagdagan ang problema mo, Mahal. Pero tandaan mo babalik din ako at magkikita pa tayo sa hinaharap." umiiyak na din si Miles habang binabanggit ang mga salitang iyon. "Don't say that. Di ka mamamatay." Hinawakan ni Eren ang kamay ng asawa at hinalikan iyon. "Pakawalan mo na ako. Maliit nalang ang oras ko dito sa mundo." nanghihinang sabi niya. "Habang wala ako ha be a good king at pagnagkita tayo ipaalala mo saakin ang lahat ha." pinilit ni Miles na ngumiti sa kanyang mahal. "I-I will." nagcast si Eren ng isang magic at itinapat nito sa kamay ng asawa at lumabas doon ang korona nito. "Ito ang palatandaan ko sayo pag nasa hinaharap na tayo at ito din ang nagsasagisag na ikaw lamang angmagmamay ari ng koronang ito dahil ikaw lamang ang nag iisang reyna ng buhay ko." napangiti naman si Miles sa sinabi ni Eren at hinalikan ni Eren ang asawa sa mga labi nito. Hanggang sa mawalan na ito ng buhay sa bisig ng mahal nito. Ilang taon din nang talunin ni Eren ang dating kaibigan nito na si Zardo dahil nalaman niya na ito ang naglason sa mahal niya kaya agad sinugod nila ang kaharian nito at mabilis na tinalo. Tinupad din ni Eren an kahilingan ng asawa na maging magaling na hari na mamumuno sa kaharian. At nagkasundo na din sina Eren at Red at nagtulungan na magpatayo ng Akademya para sa mga wizard na katulad nila para matalo nila kung sino ang mga kalaban ang handang sumugod sa kanila at pinatayo niya rin ang Akademyang iyon para din sa kanyang Mahal na si Miles. ***** Naglalakad si Eren sa isang kagubatan di niya alam kung bakit siya napunta dun? Hanggang may nakita siyang matanda na naglalakad. "Excuse me po. Saan po ba ang ang palabas dito?" sabi ni Eren sa matanda. "Ah iho, dumiretso ka lang diyan." sabi ng matanda sabay turo sa kaliwa. "Ah salamat po." sabi niya at ngumiti ang matanda lalakad sana siya ng.... "Mahal na hari, ang buhay ng isang tao ay isang lotus flower, minsan mabubuhay, minsan mamamatay, wag kang mag alala kasi bumabalik siya sa pagkabuhay. Isisilang siya sa ibang tao doon sa mundo ng mga tao. Once na Wizard ka noon, magiging tao ka sa susunod na reincarnation mo. If tao ka magiging hayop ka pagdating ng Reincarnation mo. Kaya wag kang mag alala nararamdaman ko magkikita pa kayo. Dito sa wizard world kayo magtatagpo." sabi ng matanda. 'Earth?  lugar ng mga mortal.' sabi nito sa isipan. Ngumiti nalang si Eren dahil sa pag asa na nasa puso niya na makikita na din niya ang kanyang iniibig. "Salamat po!" masaya sabi nito sa matanda. "Maghihintay ako sa pagdating mo. Mahal ko." sabi niya sabay tingin sa kalangitan. **** Nakatingin si Eren sa babaeng kakadating lang sa kanyang Akademya may kasama siyang isang babae at kasama din nito ang kanyang kapatid na si Red. Napahawak siya sa puso nang maramdaman ang bilis ng t***k nito. Tiningnan niya ng maigi ang mukha ng dalaga at magkamukha nga sila ng kanyang asawa noon na si Miles. Gusto niya itong lapitan pero natatakot siya na baka hindi pala iyon si Miles na asawa niya noon. Pero naaalala niya ang sinabi ng matanda noon na nandito ang kanyang asawa kaya napagdesisyonan niyang pasunurin ito sa kanya. Naramdaman niyang gumana ang kanyang plano na mapasunod ang dalaga sa kagubatan at nang tinanong niya ito kung bakit niya siya sinusundan. Muntik na siyang matawa nang nagkadi utal utal ito habang nagsasalita at kumirot ang kanyang puso nang umiyak ito matapos siyang sugudin ng mga kalaban na tinalo niya agad. Habang karga karga niya ang dalaga dahil natapilok ito di maiiwasan na magkadikit ang kanilang balat na kinaresulta ng pagkakuryente sa kanyang katawan. At doon na siya naghinala na baka siya ang matagal na niyang hinahanap na asawa. Hanggang sa malaman niya ang totoo na si Angelie at Miles ay iisa pero huli na ang lahat at bumalik ang nangyari noon. Marami mang nangyari pero heto padin sila sa huli magkasama padin kasama ang kanilang anak na resulta sa kanilang pag iibigan. "Mahal kita Miles. Handa akong maghintay makasama ka lang ulit." sabi nito sa asawa at hinalikan nito ang noo ni Miles. Napangiti nalang si Miles at niyakap ang kanyang mahal. "Mas Mahal kita nag iisang Eren ng buhay ko. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko." "Ako!" napatingin sila sa anak nila. "Syempre ikaw din. Mahal ka din namin anak." sabay yakap nila sa kanilang anak. At doon na magtatapos ang kwento nila Eren at Miles... ****** LMCD THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD