CHAPTER NINETEEN

2177 Words

NAGSALUBONG ang kilay ni Liza nang mapagsino ang bisita ni Mike. Napatigil s’ya sa pagbaba ng hagdan at pinakinggan n’ya ang pag-uusap ng mga ito sa sala. Naramdaman niya ang pagkirot ng puso n’ya nang makita niyang todo ang ngiti ni Mike kay Dyna. Asikasong-asikaso pa nito ang babae. Babalik sana siya sa sariling silid nang biglang tawagin siya ni Mike kaya napilitan siyang bumaba at lumapit sa dalawa. Ngumiti siya sa bisita nito. Ayaw niyang magpapakita na hindi n’ya gusto ang pagdating nito, samantalang si Dyna ay kulang na lang ay bugahan siya ng apoy. Hindi niya naman ito masisisi dahil siya ang dahilan kung bakit napahiya ito sa simbahan at iniwan ng groom. “Dyna, she’s Liza. Miggy’s mother,” pakilala ni Mike sa kanilang dalawa. “Hi, how are you?” tanong n’ya kay Dyna pero pinag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD