CHAPTER FOURTEEN

1787 Words

HINDI MAPIGILANG hindi makadama ng awa ni Liza kay Tita Sarah. Walang ina na hindi gagawin ang lahat para sa anak at naiintindihan n'ya ito. Siya rin naman ay ayaw niyang mawalay kay Miggy. Kung pwede nga lang na ipagdamot n'ya ito kay Mike ay ginawa n'ya na pero aminado siyang nahihirapan siya sa buhay. Hindi n'ya alam kung paano buhayin nang mag-isa si Miggy. Kung s'ya nga ay hindi n'ya alam kung saan kukuha ng kanyang kakanin. Magiging kawawa lamang ang buhay ni Miggy sa kanya. Bakit niya ipagdadamot sa kanyang pamangkin ang magandang buhay na pwede naman nitong makuha sa ama nito? "Liza," tawag sa kanya ni Mike. "Gusto raw tayong makausap ni Lola," wika nito kaya natigilan s'ya. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Napatingin s'ya kay Tita Sarah. Tumango ito sa kanya. Alumpihi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD