CHAPTER FIFTEEN

2071 Words

HINDI MAINTINDIHAN ni Mike kung bakit naiinis s’ya kay Liza at John. Pakiramdam n’ya ay niloloko s’ya ng mga ito. Wala siyang ginawa kundi ang magkulong sa kanyang silid dahil sa hindi n’ya maipaliwanag na nararamdaman. Naguguluhan s’ya sa kanyang sarili. Nakatingin nga s’ya sa kanyang laptop pero wala naman doon ang kanyang isip kundi nasa babae. Napatingin s’ya sa pinto nang bumukas iyon. Kumabog ang kanyang dibdib nang makita si Liza. Hindi n’ya ito pinansin at itinuon ang kanyang mga mata sa ginagawa. Kahit nakatalikod s’ya sa babae ay alam niyang nagbukas ito nang cabinet na ipinagamit n’ya. Mayat-maya pa ay pumasok ito sa banyo. Paglabas nito ng banyo ay nakabihis na. “May pupuntahan lang ako,” wika ni Liza sa kanya kaya napatingin s’ya rito. “Magkikita kayo ni John?” tanong niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD