Chapter 8

2544 Words
CHAPTER 8 ----------------------- BRANDEE POV ----------------------- Paninindigan ko nga sana ang sinabi ko na ayoko ng bodyguards. Kaya lang ay nakatanggap ako ng isang tawag and it's from daddy. Inutusan na muna nya akong umuwi ng mansion para magkausap kami. Kung hindi ako uuwi ay mapipilitan syang sisantihin ang dalawang bodyguard na kasama ko kagabi. So ang ending ay walang choice na umuwi na muna ako ng bahay. For the sake nalang na hindi matanggal sa trabaho si Mang Boy at si Mang Bryan ay kakausapin ko si daddy. They are so kind to me naman, iyon nga lang ay madali ko lang talaga silang naiisahan. Pagdating namin sa bahay ay sinalubong ako ng pagbati ng mga kasambahay namin. They look beautiful in their uniforms lalo na at ako mismo ang nag desenyo non. As usual ay alam na nila ang gagawin pagbaba ko ng sasakyan. May kukuha ng bag ko at ng kung ano man ang i-abot ko sa hangin. Tapos ay panonoorin lang nila akong lumakad hanggang sa maka akyat na ako sa hagdanan. "Ma'am magandang umaga," nakangiting bati sa akin ni aling Guada. Nung narinig ko syang nag salita ay huminto ako sa paglakad. Alam nya kasi ng ayoko ng naaabala kung walang kwenta ang sasabihin nya. Since naglakas loob syang kausapin ako... maybe she has something important to say. "Ma'am Brandee sya nga po pala... sya po si Ellaine, yung bagong maid po natin na kapalit nung pinalayas este pinagpahinga nyo po nung isang araw," inform nya sa akin habang mabilis nyang kinakambatan yung babae na lumapit sa akin. "Magandang umaga po ma'am ako po si---" "Ssshh!" putol ko sa mga sasabihin pa nya. Isinarado nya agad ang bibig nya nung sumenyas ako ng stop. Hindi ko sya kinakausap kaya dapat ay alam nya na hindi sya pwedeng magsalita hanggat hindi ko sinasabi. Sabay sabay na natahimik yung mga babae lalo na nung hagurin ko ng tingin yung bagong maid mulo ulo hanggang paa. Well... mukha naman syang okay at hindi nakakairitang tignan. So... "Okay," pagbibigay ko ng approval. Sa sinabi kong yon ay automatic na lumuwang yung pagkakangiti nung kaharap ko. Ngiti na bigla nalang umasim dahil sa sumunod na sinabi ko. "Ellaine tama ba? Sige okay ka na sa akin, basta ang gusto ko alisin mo nalang yung choker na nasa leeg mo ha. Ang baduy kasi," sabi ko don sa maid tapos ay iniwan ko na agad sila. Alam ko na nainis sya sa akin pero wala akong paki alam sa iisipin nya. "Aling Guada," tawag ko sa aming mayordoma nung bigla ay may naalala ako. "Yes ma'am?" Maagap na sagot nya. Nakasunod kasi sya sa akin habang naglalakad ako. Huminto ulit ako at hinarap ko sya. "Alam ko na alam nyo ang tungkol sa kumakalat na viral video. So sinasabi ko na sayo in advance ha... Ang sino mang mahulihan na nanonood non or kahit ang may kopya lang non sa mga cellphone nila, mawawalan agad ng trabaho! Maliwanag ba?" Mataray na sabi ko sa kanya. Hindi ko na sya hinintay na sumagot basta dire-diretso na akong pumanhik sa may hagdan paakyat sa second floor. I was in the middle of the stairs when I smelled something. Ewan ko ha. Parang ang baho kasi so napa stop talaga ko ng hakbang. Then... I sniffed again to make sure na tama ako. And I'm right! It smelled like dried fish that had been cooked. Nung maamoy ko yon ay pinigilan ko talaga ang masuka. I don't know... Pero bata palang kasi ako ay nasusuka na ako tuwing naamoy ko yon. So alam na alam ng mga katulong dito na ipinagbawal ko ang pagluluto non.. so why suddenly something like that smells? Dini-disregard ba nila ang utos ko? Sa isipin kong yon ay agad na uminit ang ulo ko. Umiba ako ng daan. Nung marinig ng mga katulong na pababa ang tunog ng sapatos na suot ko ay automatic na napalingon sila sa aking lahat. Nagmistula akong isang reyna na hinihintay nilang bumaba. Nung tignan ko silang nag uumpukan ay nakita ko agad ang takot sa kanilang mga mukha. I know, alam na nilang meron akong hindi nagustuhan kaya nag aalala sila. "May nagluto ba sa inyo ng dried fish dito sa pamamahay ko?" Singhal ko agad sa kanila habang nakahalukipkip ako. Nung marinig nila ang tanong ko ay kanya kanya na silang bulungan at sikuhan. Alam ko na may mga alam sila pero walang naglakas loob na sumagot isa man. "Sino kako ang nagluto ng tuyo dito sa bahay ko?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. But again, like kanina ay walang paring ibig kumibo. "Alam nyo na ayaw kong nakaka amoy non cause it's kadiri tapos dito pa kayo magluluto? Ang kapal naman yata ng mga mukha nyo?" Gigil na sita ko sa kanila. Yumuko silang lahat na parang kung sinong maamong tupa. Hindi nila alam ay lalo lang nila akong maiinis sa ginagawa nila. "Kung walang aamin sa inyo ngayon dito. Mainam pa na sabay sabay na kayong mawalan ng mga trabaho!" Nanlalaki ang mga matang pananakot ko. At effective naman yung sinabi ko dahil saglit lang ay may naglakas loob ng magtaas ng kamay upang umamin. "Sorry po ma'am Brandee, ako po yung nagluto ng tuyo. Pasensya na po kayo ma'am... naglilihi po kasi ako kaya hindi ko na po napigilan ang aking sarili. Kung gusto nyo po ay mag spray nalang po ulit ako ng mga air freshener para hindi nyo na po iyon maamoy ma'am," pagdadahilan nung salarin. Sa mga sinabi nya ay tumaas talaga ang mga kilay ko. Cause for me it's not about the paglilinis noh! It's about the rules! Yung hindi ka sumunod sa mga tama at dapat na gawin. "No need na mag spray ka ng air freshener kasi iba nalang ang gagawa non para sayo. You know why? Cause you're so fired!" Walang kagatol gatol na sabi ko. Syempre shock lahat sa sinabi ko lalo na yung sinesante ko. "Ma'am Brandee sorry po!" Mangiyak ngiyak na sabi nung babae. Sa bugso ng damdamin nya ay napahawak pa nga sya sa akin. Nung tignan ko sya ng masama ay parang napapasong lumayo sya sa akin. Alam ko na medyo matagal na sya sa paninilbihan dito. Pero ayoko kasi ng binabaliwala ang mga sinasabi ko. "Ma'am Brandee please... Maawa na po kayo sa akin. Patawarin nyo na po ako! Hindi na po ako uulit! Kailangan ko po talaga kasi itong trabaho ko para makaipon ako para sa panganganak ko. Please maawa ka na sa akin ma'am," nagsusumamong sabi pa nya sa akin habang tumutulo ang kanyang mga luha. Umiiyak na agad sya dahil alam nya na hindi na ako nagbabago ng pasya. "Awa? Ah gusto mo ng awa? Bakit hindi mo i-try mo lumapit sa mga charitable institution baka sakaling may maawa sayo," mataray na bwelta ko. She's crying so I was even more irritated. Marami pa sana akong sasabihin kaso ay biglang dumating si daddy sa eksena at pinigilan na nya ako. "Ako na ang bahala dito, sige na at bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo," dismis sa kanila ni daddy. Syempre matic naman na nagpulasan na ang lahat. "And as for you hija, halika at marami tayong pag uusapan," baling nya sa akin sa seryosong tinig tapos ay lumakad na sya papunta sa study room. Nag aalangan na sumunod ako sa kanya. Kahit hindi kasi nya sabihin sa akin ay alam ko na disappointed sya. "Dad, I'm tired. Pwede bang huwag mo na akong pagalitan please?" Naglalambing na ikinawit ko ang kamay ko sa braso nya tapos ay pilit akong umagapay sa paglalakad nya. "Paano kitang hindi papagalitan kung paulit ulit nalang ang iyong ginagawa?" Kulang sa pasensyang sabi ni daddy na napabuntong hininga pa. Pansamantala kaming huminto sa paglalakad at hinarap nya ako. "Brandee hija, nakarating sa kaalaman ko na basta basta ka pa rin nagtatanggal ng mga taong nagta-trabaho para sayo. Hindi ba at napag usapan na natin ang bagay na iyan?" Seryosong tanong nya sa akin. Hindi ako kumibo kasi ay totoo naman ang sinabi nya. Though wala naman talaga akong kahit anong ipinangako sa kanya na hindi na ko magtatanggal ng empleyado. "Kailangan mong maunawaan hija na ang mga taong iyon ay naghahanap ng ikabubuhay kaya sila narito hindi ba? Tulad nyan, sabi mo sa akin ay pagod ka pero sa nakikita ko naman ay may lakas ka pa upang mang away ng katulong," sermon pa nya sa akin. "Dad I'm not doing this dahil trip ko lang po okay? Hindi naman ako basta basta lang nagtatanggal ng mga tao. They lose their jobs because hindi sila makasunod sa gusto ko," Pag alma ko. Agad kong inalis ang pagkakakapit ko sa bisig nya upang ipakita na na-hurt nya ang feelings ko. "Inaway ko sila dahil palpak sila sa trabaho nila! I know that they need a living, nauunawaan ko 'yon dad. Pero hindi ba mas dapat muna nilang maunawaan na kailangan nilang maging magaling sa gawain nila upang hindi sila napapagalitan! They have to obey! Dahil kung simpleng instruction lang tulad ng "bawal magluto" ay hindi sila makasunod ano pa kaya ang ibang complicated na mga utos hindi po ba? Ayoko ng palpak dad, you know that! Sobrang nakakapangit po 'yon eh!" Pagtatanggol ko sa aking sarili. Hindi kumibo si daddy. Narinig ko lang ang pag buntong hininga nya like sinabi nya na rin na hindi na nya alam ang gagawin nya sa akin. "How about yung ginawa mo kagabi? Hindi ba matatawag 'yon na isang kapalpakan?" Maya maya ay sita nya sa akin. Ako naman ang hindi nakakibo dahil I know naman na ito ang main reason kung bakit gusto nya talaga akong makausap. "Nagmumukhang tanga ang mga security mo dahil sa mga pang uutak mo sa kanila. And it's not the worst hija, ang masama ay muntik ka ng mapahamak!" may galit na sabi sa akin ni daddy. "Dad I know that the outcome of what happened last night was not good. Pero alam nyo naman po that I have my reasons kung bakit tumatakas ako sa mga security ko hindi ba? Gusto ko lang naman po maging malaya tulad ng iba babaeng kakilala ko! Gusto kong mag enjoy kasama ng mga kaibigan ko ng walang mga anino na nakasunod sa akin! I'm already 23 dad! You see, malaki na po ako at hindi na ako isang baby!" Nagpapaawang pangangatwiran ko. "Hija kaya lang naman kita pinasusundan ay dahil delikado ang panahon ngayon. Tulad na lamang kagabi na iniwan mo ang mga bodyguards mo, hindi ba at kamuntik ka ng mapahamak? Paano kung may nangyaring masama sayo anak? Baka isumpa ako ng iyong ina na nasa langit," problemadong sagot sa akin ni daddy. Napahawak pa nga sya sa kanyang sentido na para bang sumasakit ang gawing iyon. "Alam ko po...dad alam ko! Pero you see! I'm still here in front of you. Hindi ako napahamak at walang nangyaring masama sa akin. So please... Huwag ka ng magalit sa akin okay? I'll promise hindi na ko uulit," seryosong sabi ko nalang at itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. Ang tagal na kasi naming nag uusap. Ayoko ko ng ma stress at baka kumulubot pa ang skin ko. Nung makita ko na lumambot na ang itsura ni daddy ay malambing na niyakap ko sya para matapos na. "Thank you for helping me earlier dad. Sinabi sa akin ni tita Bianca na inasikaso nyo na lahat ng mga naging sabit ko kagabi so I have nothing to worry about right? Thank you dad! You're the best!" Nakangiting sabi ko sa kanya nung saglit akong humiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya. "Bukod sa mga pambobola mo sa akin hija, may iba ka pa bang gustong sabihin?" Nangingiting tanong nya Kabisado na talaga ako ni daddy. Alam na alam nya talaga kapag may iba pa akong gustong mangyari. "Dad, about sa mga bodyguards ko. Pwede bang ibalik mo na sa akin si Mang Bryan at si Mang Boy? Promise hindi ko na sila iisahan and I will be a good girl na," paglalambing ko pa sa kanya. Okay na kasi sa akin yung dalawa na yon kaysa naman sa mapalitan yon ng tatlo pa. Imbis na kumonte ang anino ko ay nadagdagan pa nga. "I have already talked to those two hija and I have given them new instructions. Magkakagulo gulo lang pag binago ko pa," sagot nya lang sa akin. "So it's a no?" Naka kunot noong tanong ko. Nung hindi agad sumagot si daddy ay nalungkot talaga ako. "But dad! Ayoko ng maraming nagbabantay sa akin, you know that!" Medyo naiiyak sa inis na sabi ko. I know para sa kapakanan ko yon pero ganoon pa man ay ayoko talaga! "Okay, okay," pagsuko ni daddy na napabuntong hininga pa. "Pag iisipan ko yan. Bukas ay malalaman mo na ang changes. But for now... I know you're tired kaya magpahinga ka na muna," sabi nya sa akin while patting my head. Ang akala talaga ni daddy ay baby pa rin nya ako. ------------------------ KINABUKASAN ------------------------ Maaga palang ay wala na ako sa mood dahil syempre hindi ko nagustuhan ang idea na apat pa rin ang bodyguards na kasama ko. Pero dahil ayaw ko ng magtalo na naman kaming mag ama ay suman ayon na muna ako sa kanya. Kasama ang mga bantay ko ay agad kong narating ang office ko. La Beau is the name of my fashion boutique that specializes in elite and fashionable items, such as clothes and jewelry. It has only been three years but it is already known in the fashion industry. Bukod sa magaganda at de kalidad ang mga items namin ay original designs ko ang mga ito. So there are more rich and famous people who become our regular customers. Not to mention na isa ang shop ko sa nabigyan ng award sa pagiging top grosser nito nung nakaraang taon. "Estelle, ano ito?" Takang tanong ko nung paglapit ko sa table ko ay isang paper bag ang nakita kong nakapatong don. "Ah ma'am idinaan lang po yan ng boyfriend ni ma'am Annika awhile ago. Bilin lang po nya ay ibigay ko daw po sayo," sagot naman nya sa akin. "Ano daw kaya ito?" Tanong ko sa isip ko habang tinitignan ko ang laman nung paper bag. It is medium sized box that is the size of a cell phone box. Kulay itim ang kulay nito at medyo mabigat. Nung mapansin ko na mayroon itong passcode lock bago mabuksan ay agad ko na yung binitawan. Malay ko ba kung para saan talaga ang bagay na to. Dahil ang tanging nasisiguro ko lang ay hindi ko ito pag aari. Kaya naman tinawagan ko agad si Annika na ngpadala nito upang tanungin sya. "No this is not mine!" Tanggi ko agad sa kanya. Sabi nya kasi ay naiwan ang bagay na yon sa may sasakyan nya. Since nakisakay daw ako sa car nya nung gabing papunta kami ng bar ay inakala nyang akin yon. Akala nga daw nya ay nawala na sa isip ko kaya ipinadaan na lang nya sa boyfriend nya ora mismo. "I'll just send this back to you. Hindi kasi talaga sa akin to," sabi ko nalang sa kausap ko sa kabang linya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD