Chapter 9

2578 Words
CHAPTER 9 ----------------------- BRANDEE POV ----------------------- "No need! Hindi rin akin yan girl. Ganito nalang, pakitabi mo nalang diyan yan at kung may maghahanap sa isa sa mga kasama natin that night ay ipapakuha ko agad, okay?" Maya maya ay suggestion ni Annika. Dahil busy kami pareho to fight over some weird item ay sinang ayunan ko nalang ang sinabi nya. Ibinalik ko yung black box sa paper bag then itinabi ko na yon para kalimutan. I'm too busy to think about that useless thing kaya ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa trabaho. "Yes ma'am, nag confirm naman po sila Mr. Regueza that they will get the designs they have chosen. Ang totoo nga nyan ma'am, he really wants to meet you in person. Bukod sa tingin ko ay type na type ka po nya ay sobrang gandang ganda po sila sa gawa ninyong mga designs," masayang balita ni Estelle sa akin habang ipinapakita nya ang ilang purchase orders. Kinuha ko yon kasama ang mga report papers na ibinibigay nya then binasa ko yon. "Ma'am Brandee naisip ko po, bakit kaya hindi nalang po natin padalhan ng invitation sila Mr.Regueza para sa next collection natin since gustong gusto po nila yung mga designs nyo. I think it will be great ma'am kaya inilagay ko po yang suggestion ko na yan sa pinakadulo ng---" "Estelle!" putol ko sa mga sasabihin nya. I am in the middle of studying her reports tapos ay kung anu ano na agad ang sinasabi nya. Hindi man lang ba sya makapaghintay na matapos ako sa pagbabasa at tanungin ko sya sa opinyon nya? Of course sa kadaldalan nya ay agad agad akong nairita. Nung marinig nya ang tonong ginamit ko sa pagtawag ng pangalan nya ay automatic naman na syang natahimik. "Are you telling me what to do? I do not pay you to tell me what to do okay? Di ba sabi ko sayo may sarili akong utak?" Pagsusungit ko agad sa kanya. Nung tinaasan ko sya ng isang kilay sabay kumpas ng kamay ko ay alam na nyang pinapaalis ko na sya. Kaya bago pa man ako tuluyang mawala sa mood ay umalis na sya agad sa harapan ko. "Stupid," naiinis na bulong ko. Naiiling na nasundan ko nalang sya ng tingin. Estelle is not so bright and she's not also that pretty. Medyo chubby sya pero she's maganda magdala ng damit. Pumasa sya bilang assistant ko dahil bukod sa may alam sya about sa fashion ay wala na rin akong choice. Kung hindi ko kasi napapa alis sa trabaho ang assistant ko ay bigla nalang mga sumusuko. Si Estelle, immune na sa ugali ko at kabisado na ang mood ko. So madali na syang makasunod sa mga utos ko. And one thing I really like about her is hindi sya balat sibuyas like the others. When I spoke badly to her ay hindi sya nagpapaka apekto don. To top it all ay good naman sya sa work though minsan ay napaka advance nyang mag isip. Ayaw na ayaw ko pa naman ng pinapangunahan ako kaya laging umiinit ang ulo ko sa kanya. I sigh. Then pansamantala kong itinigil ang pagpirma ko ng mga dokumento nung marinig ko na may tumatawag sa cellphone ko. And I smiled when I saw that Millie was calling. Actually ay magkatawagan na nga kami kagabi and she already told everything she knows about what happened last night. So ayon nga, kagabi daw ay hinanap nila ako nila Annika sa loob at labas ng bar. Then they found me unconscious sa isang corner. Akala nila ay marami lang akong nainom so hindi na nila ako pinatignan sa emergency room, instead ay dinala nalang nila ako sa condominium. They watched over me the whole night then nagsi-uwian nalang sila nung nag umaga na. "Yeah! Nandito ako sa La Beau, how about you?" Balik tanong ko sa kanya nung tinanong nya kung nasaan ako. "What? You're still busy pa rin? Why? Hindi pa ba tapos ang pag aayos nyo ng kasal nyo ni Mr.Arcega?" Natatawang tanong ko sa kanya. Imagine sobrang busy ng bruha sa pag aayos ng nalalapit nilang wedding? Para saan pa ang mga coordinator kung aabalahin nya ng todo ang sarili nya hindi ba? "Hindi naman kami nag mamadali ni Cef sa pag aayos e, kasi di ba nga na adjust yung date ng kasal namin?" Natatawang sagot naman nya sa akin. And yeah, I did remember that. Ang pabebe kasi ni Millie, gusto pa nyang itapat yung date ng kasal nila sa date ng pekeng kasal nila dati. And of course oo lang naman itong si Mr.Arcega, I'm sure hindi naman sya tututol sa gusto mangyari ng fiancee nya. "So may six months preparation pa pala kayo? Ang tagal ha! I'm sure apura nalang ang tikiman nyong dalawa habang waiting pa kayo na matali na talaga!" Bully ko sa kanya. "Grabe ka Bran ha! Hindi kami magkasama sa bahay ni Cef!" Parang napapahiyang kontra nya sa sinabi ko pero kinikilig naman. "Sus! Don't try to fool me noh! I wasn't born yesterday!" Natatawang sabi ko pa sa kanya. And I'm so happy for both of them. Imagine ang tagal nilang nagkawalay nung love of her life tapos sila pa rin pala ang itinadhana sa huli. Nung malaman ko nga na nagkabalikan na sila ay isa talaga ako sa natuwa. And I'm really looking forward to their wedding as one of their bridesmaids. Busy ako sa pakikipagbiruan kay Millie sa kabilang linya nung mapansin kong iikot ikot sa may pintuan ko si Estelle at ang isa ko pang staff na si Maricon. The walls of my office are mostly made of glass, so I can see them from outside. They both know na ayoko ng basta bastang ini-istorbo ko so pareho silang naghe-hesitate na puntahan ako. Nung malapit na nila akong mairita ay nagpaalam nalang muna ako kay Millie para harapin nga yung dalawa. "Ay bruha!" Nagulat na sabi ni Maricon pag bukas ko ng pintuan. Who would have thought na nakasandal pala sya sa door nung buksan ko yon. So ayon... Nung bigla ko yung buksan ay muntik pa syang ma out of balance. When she saw me na nakakunot noo ay agad syang nag sorry at ng cover ng mouth. "What's the matter ba? Mukha kayong mga tanga na sisilip silip diyan?" Nakahalukipkip na tanong ko sa kanila. Para kasi silang mga bata kung umasta. And I hate it. "Ah ma'am kasi may lalaki pong naghahanap sa inyo sa store," alanganing inform sa akin ni Maricon. Ang store na sinasabi nya ay yung nasa first floor. Naroon ang display ng aming mga merchandise at sya ang in charge don kasama ang ilang saleslady. While ang office ko and other workstation ay narito naman sa second floor. "So what's the problem? Hindi ba may instruction naman ako sa inyo na pag may naghanap sa akin, especially mga lalaking annoying ay wala ako?" Nakataas ang isang kilay na sagot ko sa kanya. "Yes ma'am! Sinabi ko naman po yan kaso hindi daw po sya aalis don hanggat hindi po kayo nagpapakita. Tapos ma'am tinanong din po nya kung nasaan ang iba pang mga exit natin dito sa building," alanganing report ulit ni Maricon sa akin. "Ganon? Sino ba yang lalaki na yan? Ang lakas naman ng loob nya! Where is that bastard?" Inis na tanong ko agad. Hindi ako makapaniwala na nakalusot sa securities ko ang lalaking katulad nya. "Nasa ibaba po yung lalaki ma'am," maagap na sagot sa akin ni Estelle. Tapos nag lean forward sya ng konti sa akin at may binulong. Pagkarinig ko sa sinabi nya ay parang tumaas agad ang presyon ko. "Totoo? Nasaan yung lalaking yon?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. Hindi ko na sila hinintay sumagot basta lumabas na agad ako ng office ko. Sabi kasi ni Estelle ay kamukha daw ng lalaking naghahanap sa akin sa baba yung lalaking namahiya sa akin sa video. Agad akong nagpunta sa may indoor balcony ng second floor. Buhat sa kinatatayuan ko ay nakita ko nga agad yung lalaki na sinasabi nila. Nakatayo sya malapit sa may entrance at matiyagang naghihintay. When I saw the familiar look of that guy, I immediately felt disgusted. Napahawak ako ng mariin sa railings. Naalala ko na naman kasi ang gabing ipinahiya nya ko sa buong madla. Tapos na 'yon oo! But still... it's like a ghost following me dahil hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga tawanan ng mga taong nakapanood sa amin. At dahil diyan ay hindi ko talaga sya mapapatawad! "Oh my God ma'am sya nga po yata talaga yung lalaki sa viral video kasi look! He's wearing the signature jacket and that black cap!" Narinig ko na komento ni Estelle. "Sya nga yan! I'm sure sya yung guy na hindi hinalikan si ma'am kahit sabi pa naman ni ma'am sa kanya ay "kiss me!" Oa na sang ayon naman ni Maricon. Sa narinig ko ay agad na nag init ang mga pisngi ko. Sa pagkapahiya ko ay marahas ko silang tinignan kaya pareho ulit silang natameme. Ang mga bruha! Matapos nilang sabihin sa akin na kinalimutan na nila yung video.. eto at hindi pa rin sila nakaka move on! "Wait! Paano mo nalaman na sinabi kong kiss me?" Nagtatakang tanong ko kay Maricon. Ang alam ko kasi ay sobrang ingay sa bar so bakit alam nila yung dialog ko? Bago sumagot yung tinanong ko ay nagkatinginan pa yung dalawa na nasa harapan ko. "Ma'am kasi may video po akong napanood na may subtitle..." Alanganin na sagot nya sa akin. "Sub...subtitle?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Grrr!!! Sa narinig ko ay lalong umusok ang bumbunan ko sa galit. "Tumawag ka sa baba Maricon! Sabihin mo sa guard na isara ang pintuan at huwag palabasin yung lalaking yon! Maliwanag ba?" Inis na sabi ko. Ang plano ko ay bumaba na agad at gyerahin yung lalaking yon. "Yes ma'am!" Sagot naman agad ni Maricon sa akin. Nagmamadaling kinuha nya yung cellphone nya at tumawag. Ako naman, bago tuluyang bumaba ay bumalik muna ako sa may office ko. Binalikan ko ang blazer na hinubad ko kanina para kumpleto ang outfit ko. Syempre kahit galit at mainit ang ulo, importante pa rin sa akin ang aking looks. "Ma'am I'm sure natauhan na ngayon yang lalaki na yan kaya yan narito. Malamang ay alam na nya ngayon kung sino ang sinayang nya kaya binalikan ka nya," palatak pa ni Estelle habang maingat na ipinapatong nya sa balikat ko yung blazer. Pagbalik ko ng office ko ay automatic na nauna sya sa akin. Kinuha nya ang blazer ko at iniumang nya agad sa akin yon. She really knows what I'm going to do next kahit hindi ko pa sabihin kaya hindi ko rin talaga sya maitapon. "How do I look?" Seryosong tanong ko. "Super pretty ma'am!" Mabilis na sagot nya sa akin. Estelle even took my extra large rectangular hand mirror na nasa gilid ng table ko at itinapat yon sa akin. With my super mahal and sosy outfit ay talaga namang mukha akong isang celebrity. "You're so perfect ma'am! Lalo po ngayon na day light! Naku ma'am! I'm sure maglalaway at luluwa ang mga mata nung lalaking tinanggihan ka ma'am!" With feelings na sabi pa nya habang titig na titig sa akin. "Estelle enough about the word "tinanggihan!" Okay? Kailangan ba talaga paulit ulit ka? You don't have to remind me every time dahil naiinis ako! Kaya I'm telling you! Isang sabi mo pa sa salita na yon ay ikaw ang sasamain sa akin, maliwanag ba?" Inis na sabi ko sa kanya. Isang beses pa ay sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Nung makuntento ako ay para akong isang super model na rumampa pababa sa store kasunod ang assistant ko. "Estelle!" "Yes ma'am Brandee?" "Take out your cellphone at kuhanan mo kami ng video," utos ko sa kanya. "Ma'am?" Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Estelle. Alam naman nya na gusto kong gumanti tapos aasta syang clueless. "Hindi mo ko narinig?" Iritadong tanong ko sa kanya na pinanlakihan ko pa sya ng mga mata. "I heard you ma'am! Sige po okay!" Pagpayag naman agad nya na halos magkandalito lito pa sa pagkuha ng cellphone sa bulsa. Nung alam ko na ready na si Estelle ay itinuloy ko na ang pagrampa. Lumakad ulit ako papunta sa lalaking yon. Malayo palang ako ay nakaramdam na ako ng inis nung makita ko si Ged. Or what ever man ang lintik na pangalan nya. Basta I'm sure na sya yon dahil like nung gabi na yon ay same outfit lang sya. Naka cap pa rin sya at nakasuot ng jacket. Oo na, matangkad sya at maganda ang tindig. So what? I don't care. Nung makita ko sya ay hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at dumiretso na agad ako sa pwesto nya. "Well well well...look who's here!" Intro ko. Nung marinig nya yung sinabi ko ay automatic na napalingon sya sa akin. And I know right! I'm sure na matutulala sya sa kagandahan ko like any other guy na nakakakita sa akin. Hindi ko lang agad ma confirm yon dahil nga medyo nakatabing yung cap nya sa gawing face nya. Pa-mysterious pa ang loko. Or better to say na talagang tinatakpan nya yung pagmu-mukha nya dahil ugly naman talaga sya. "Ano naman ang masamang hangin na nagdala sayo dito ha?" Nakahalukipkip na tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano mo ko natunton dito pero kung nandito ka para mag sorry sa akin, I'm telling you hindi ako basta nagpapatawad. At kung narito ka naman para makipag lapit sa akin, well I'm sorry to tell you it's not happening kahit sa panaginip mo pa!" Mataray na sabi ko sa kanya. Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa at sinabi ko na lahat ng gusto ko. Dahil ang main goal ko lang ngayon ay maipahiya ko rin sya! Ang balak ko pag super apologetic na sya ay uutusan ko ang mga bodyguards ko na bitbitin na sya palayo. At who knows kung ano pa ang ipagawa ko pagkatapos non! That way ay makakaganti na ko sa kanya! Tapos ay maibabangon ko na rin ang pride ko na grabe nyang pinadapa! Kasalanan naman nya dahil ang lakas ng loob nya na puntahan pa ko dito! Bakit anong akala nya? Magiging star sya pag nadikit ng pangalan nya sa name ko? Oh Gosh! Ang kapal ng face nya ha! Nasa moment na inis na inis na ko nung sumagot yung kausap ko. Pero imbis na sagutin nya ang mga paratang ko kanina ay bumati pa sya ng magandang araw! Aba nang aano ba talaga sya? "Magandang araw? Ano ang maganda sa araw? Hindi mo ba alam na yung existence mo palang dito nakakasira na ng araw?" mataray na tanong ko sa kanya. "Ah ma'am hindi ko po kasi alam kung ano ang mga sinasabi ninyo kaya hindi ko alam kung ano ang mga isasagot. Para malaman nyo lang po, ako po yung pinapunta ni Mr. Imperio dito upang maging security ninyo," magalang na inform pa nya sa akin. Nung marinig ko ang salitang "security" ay nanlaki talaga ang mga mata ko. "What? Pinapunta ka ni daddy dito para maging security ko? As in ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "What made you think na tatanggapin kita bilang security ko eh ayaw mo nga akong tulungan nung isang gabi di ba? Alam ko na ang kalibre mo kaya ayoko!" Mariin na pagtanggi ko. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD