Chapter 7

2569 Words
CHAPTER 7 ----------------------- BRANDEE POV ----------------------- "Ow shet, that's so ouch talaga!" Reklamo ko nung maramdaman ko ulit ang pan*nakit ng ulo ko nung tinangka kong bumangon. Kung dahil yon sa mga nainom ko kagabi ay hindi ko alam. Basta ang alam ko ay hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. "Ma'am! Bad morning! Oh my God ma'am buti nalang sumagot ka na! Grabe ma'am alalang ala po ako at hindi ko na alam ang gagawin ko! Baka kung hindi mo ito malalaman ma'am ay ba--" Narinig ko agad na sabi ni Estelle sa kabilang linya. "Quiet!" Malakas na putol ko sa mga sasabihin nya. Sa halos dalawang taon na pagta-trabaho nya sa akin ay alam ko na may pagka OA sya. Pero hindi pa naman kami humantong sa ganito na para na talaga syang nasisiraan ng bait. "Estelle..." "Ma'am?" "Tell me calmly what happened? Kung hindi mo kayang gawin yon mas mainam na humanap ka na ng kapalit mo sa trabaho, maliwanag ba?" Seryoso at may diin na sabi ko. Alam nya kung gaano ako ka-particular lalo na sa mga tawag na katulad nito. Ayaw ko kasi ng paulit ulit. Naiinis ako. At pag naiinis ako, pakiramdam ko ay mabilis akong tumatanda. And I hate it! "Yes ma'am!" Sagot naman nya agad sa kabilang linya. "Good. Now... take a deep breath," utos ko pa sa kanya then pinaulit ulit ko pa yon. Nung tingin ko ay kalmado na sya ay tsaka ko pinasabi sa kanya ng mahinahon yung mga problema. "A... Anong sabi mo?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. "Totoo ba yan?" Sa aming dalawa ay ako naman ang nag hysterical. Paano nga akong hindi mag hi-hysterical kung sinabi sa akin ng kausap ko na may viral video na kumakalat ngayon sa social media at ako yung bida. "Yes ma'am," worried na sagot ni Estelle. "I have sent the video to your email ma'am. And also, I tried to tell you about it earlier kaso ayaw nyo po kasi agad sumagot sa call. Sasabihin ko nga po sana sa inyo na tawagan nyo na po agad ang daddy ninyo at humingi po kayo ng tulong para hindi kumalat ang video kaso naman tanghali na ay tulog pa kayo. Kasi I'm sure naglasing ka na naman po kagabi. Hindi ba nangako na po kayo sa daddy ninyo na hindi ka na po iinom ulit?" dire-diretsong sabi pa nya. "Hoy Estelle! Don't you dare tell me what to do! Mag iisip ako ng sarili ko dahil may sarili akong utak okay? Ayusin mo nalang ang trabaho mo at balitaan mo ko kung may matino ka ng nagawa!" Inis na sagot ko sa kanya sabay patay ng tawag nya. I'm sure takot na takot na ngayon yon dahil baka sisantehin ko na sya. Serve her right! "Napaka uchuserang frog nya talaga!" Inis na dagdag ko pa. Kung hindi lang talaga malaki ang naitutong nya sa akin ay baka matagal na rin syang nagpaalam sa trabaho nya. Napagod na rin kasi akong humanap ng assistant na tatagal sa trabaho. Sa halos apat na taon kasing nakatayo ng business ko ay hindi ko na mabilang kung ilang empleyado ang nasibak ko sa posisyong iyon. Ang inis na bumangon sa dibdib ko ay napalitan agad ng pag aalala nung muli kong maalala yung video. Binuksan ko agad ang browser ng phone ko to check on my mail. Nung nakita ko ang video na naka tag sa akin ay nanginginig ang mga kamay na binuksan ko yon. Nung nag play 'yon at napanood ko yung kaganapan kagabi sa bar ay napapikit talaga ako. Lalo na sa part na pumikit na ako while waiting for that guy's kiss! I couldn't bear to watch myself be humiliated like that in public. Lalo na at after ng scene na yon ay nagtawanan pa ang mga tao sa paligid ko! That video was posted two hours ago. At sa mga oras na yon ay sobrang dami ng nag comments at naka view! Nakagat ko ang pang ibabang labi ko habang binabasa ko ng malakas ang ilan sa mga comments nung mga paki alamero. "Kawawa naman si ate girl, papansin at desperada lang ang peg?" "Hala bakit nya gagawin yan? Wala ba syang ka-class class para magpahalik nalang kung kani-kanino?" "Kilala ko yang babae na yan! Akala nya kasi kung sino syang perfect! Buti nga sa kanya! Bwahahaha!" "Oh emgi! Nakakahiya! Kung ako yang si girl magtatago nalang ako after this kahihiyan!" "Salute kay pogi! Ganyan sana hindi mapag patol sa mga feeling maganda!" "Ms.perfect ano ka nga yon? Ikaw naman na busted!" Hindi makapaniwalang napatitig nalang ako sa mga comments and I stopped reading. Nagpupuyos na kasi ko sa galit! "Haayyyyy! Nakakainis! This is so unreal!" Naiiyak sa inis na sabi ko. "Sino ba sila sa akala nila? Sino ang nagbigay sa kanila ng karapatan na pwede silang magkumento sa buhay ko? Mga epal! Mga walang magawa sa buhay! Humanda talaga sa akin ang taong nagpakalat ng video na 'to! Pag nalaman ko kung sino sya ay kakalbuhin ko talaga sya!" Ngitngit ko pa. Maisip ko palang kung ilang tao ang tumatawa ngayon sa akin ay parang maloloka na ko! Paano na ang credibility ko nito? Leche talaga! Mas malakas pa ang kabog ng dibdib ko ngayon kaysa sa kagabi na ginagawa ko ang dare na yon. Who would have thought that I would be embarrassed like that! Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na may lalaking tatanggi sa akin! Lalo na at hindi ang lalaking katulad lang nya! Nung maisip ko ang lalaking bastos kagabi ay lalong uminit ang ulo ko. Ako si Brandee Imperio! Many men stumble over my beauty. Gosh! I could not believe that a random guy named Ged or whatever that guy's name is.. had rejected me in front of many people! Shet sya! I have never been humiliated in my whole life before! Never! Tapos sya gaganituhin lang nya ako? "Walangya sya! Huwag na huwag ko lang syang makikita at sasamain talaga sya sa akin!" Naiiyak sa galit na sigaw ko tapos ay parang tangang nagdadamba ako sa kama. Yung parang sa pamamagitan non ay maiibsan ang inis at galit na nararamdaman ko. Nasa ganoon akong gawain nung biglang may nag text sa akin. Ayoko nga sanang magbasa ng mga messages dahil marami rami na ang mga nag message sa akin. And I know puro mga nang uusyoso lang ang karamihan sa mga yon. To hell with that mga chismoso at chismosa! Pero yung last text na yon ay galing kay Estelle. Nag pop up yon sa top ng screen ko kaya nabasa ko. Sabi nya: Ma'am alam ko na galit ka pero sana unahin nyo po ipabura yung video nyo bago pa milyon milyon ang makakita. Sorry ma'am Brandee, concern lang po ako. Tapos with sad emoticons pa yon. Sa nabasa ko na yon ay parang bumalik sa katinuan ang isip ko. "Calm down Brandee!" Sabi ko sa sarili ko tapos ay nag breathe in at nag breathe out ako. Alam ko na hindi masyadong smart si Estelle pero tama naman sya. The first thing I have to do is get rid of that video especially the person who uploaded it. Tapos isasama ko na ring sirain ang buhay nung lalaking tumanggi sa akin! By all means ay dapat nyang pagbayaran ang p*******t nya sa aking damdamin! Lalo na ang paninira nya sa pagkatao ko! Aba sobrang na stress ang beauty ko sa kanyang leche sya ha! I was about to call for assistance nung biglang tumunog ulit ang cellphone ko. And promise nabuhayan ako ng loob nung makita ko ang pangalan ni tita Bianca sa screen. Sya ang dating secretary ni daddy na ngayon ay assistant na nya. Magaling talaga kasi ang isipan ni tita Bianca tungkol sa pagpapatakbo ng business kaya in three years lang ay na promote na sya. Well assistant na usually ay ipinapadala sa ibang bansa bilang representative. Kaya madalas ay hindi rin kami nagkikita. Sa lahat ng tao na nakilala ko (maliban sa mga kaibigan ko na tulad nila Millie) ay sya lang ang nakagaanan ko ng loob. Huling huli nya kasi ang ugali ko at feeling ko nauunawaan nya ako kaya nagkasundo kami. Ilang beses ko pa ngang tinangka na ireto sya kay daddy. Kaso ay purely business lang daw talaga sila. "Brandee how are you? Okay ka lang ba hija?" Narinig kong tanong nya sa kabilang linya. Bakas na bakas sa boses nya ang labis na pag aalala. "No tita Bianca! Honestly I'm not okay! Siguro by now alam mo na kung bakit hindi ba?" Malungkot na sagot ko sa kanya. "Napanood ko nga yung video and I know you'll be devastated about it. Kaya nga ginawan ko na agad iyon ng paraan. May tinawagan akong tao upang ipabura ang video at upang hanapin na rin ang taong nag upload. So you don't have to worry dahil any minute now ay maglalaho ng parang bula ang video na yon," assurance nya sa akin. Nung marinig ko ang sinabi nya ay biglang sumaya ang pakiramdam ko. Hulog talaga ng langit si tita Bianca sa buhay namin ni daddy. Usually ay hindi pa namin nasasabi ay nagawa na nya. Tulad ngayon... Though nasa Taiwan sya ay nakuha pa rin nya akong tulungan. Magaling talaga kasi sya mag anticipate ng mga pangyayari unlike sa ibang kakilala ko na kailangan pang pukpukin muna bago kumilos. "Oh my God tita! Thank you so much! I don't know kung paano kita mapapasalamatan. Talagang dumadating ka on time most especially if I needed you. Thank you talaga! I owe you one!" masayang sabi ko. Sa sobrang saya ko nga ay parang nag init ang gilid ng mga mata ko. Kahit naman kasi wala akong masyadong nakakasundo ay may mga tao talagang nakakaunawa at nagmamahal sa akin. I can't help but to be emotional. "Of course naman! Ikaw pa ba?" Sagot naman sa akin ni tita Bianca. "Pero syempre hindi ko naman magagawa 'yon without the help of your daddy. Sya naman talaga kasi ang may connection kaya bago ko gawin lahat ng ginawa ko ay itinawag ko na muna sa kanya for approval," paglilinaw nya sa akin. "So hija, mas mabuti pa call him o better puntahan mo sya sa bahay at magpakita ka. Just to let him know na okay ka. Alam mo naman ang daddy mo, medyo mataas ang blood pressure. Pagnakita ka nya I know he'll be more than okay." Nag usap pa kami ng ilang bagay ni tita Bianca bago sya magpaalam sa kabilang linya. I sigh. Then naisipan kong i-check ang site nung video. Tulad nga ng sinabi ni tita Bianca ay deleted na ito sa wakas. Ang magiging sagabal nalang ay kung may mga bwiset na nag saved ng video sa mga devices nila. Again I sigh tapos ay pabagsak akong nahiga sa kama. Wala na ang video pero inis na inis pa rin ako! I guess, hindi talaga ako mapapakali hanggat hindi ako nakakaganti sa nag upload ng video. Kay Kurt at sa mga pasaway na kasama nya... lalong lalo na sa lalaking namahiya sa akin! "Ged!" Inis na banggit ko sa pangalan ng taong yon. Inangat ko ang isang kamay ko sa ere tapos ay mariin kong ikinuyom yon. "You have to make bayad no matter what happens! Nasaan ka man ngayon ay magtago ka na! And you better pray na hindi tayo magkita dahil patay ka talaga sa akin!" Inis na sigaw ko tapos ay nagdadamba ako ulit sa kama. Nasa moment na para akong batang nagta-tantrums nung biglang may mag buzzer. Wala akong inaasahang bisita dito sa condo unit ko kaya napatayo ako ng di oras. Pumunta agad ako sa may pintuan at sumilip sa may peep hole. Akala ko kung sino na, delivery lang pala from sa restaurant sa baba ng building. "Si Millie talaga oo!" Napangiting sabi ko. Sobrang maalalahanin talaga nya para padalhan pa ako ng breakfast. Most especially at para daw yon sa hang over ko. Mabait talaga syang kaibigan dahil alam ko na hindi nya ko iniwan kagabi hanggang sa hindi pa ako nagiging okay. Speaking of kagabi... Pagkatapos ng gulo sa tropa ng bwiset na si Kurt ay natatandaan kong tinangay ako nung hudas na lalaking yon. Tapos ay... Ay... It's so weird pero... Wala na talaga akong natatandaan! Anyway... "I'll call Millie nalang later para magpa kwento ng mga nangyari," kausap ko sa sarili ko bago ko mapag desisyunan na maligo na at mag ayos ng aking sarili. So pumunta na ako sa shower room to clean myself. I immediately took my favorite brand of mineral water from Thailand to brush my perfect set of teeth. I don't trust local brands because my stomach is very sensitive. Hello! eh ang dami kayang germs na nasa tubig noh? Mainam na yung nag iingat! Ayoko kasing magkasakit dahil nakaka panget yon! Next thing na ginawa ko ay nagbabad na ko sa bath tub. Of course I used branded milk to take a bath. I believe kasi na it soothes and hydrates skin. It also reduces fine lines and wrinkles then improves skin firmness para ma-maintain ko ang aking beauty. Cause for me, beauty is everything! Lahat pwede makuha ang everything pero ang beauty ay hindi! Hindi naman kasi lahat tao ay pinagkalooban ng kagandahan na katulad ng mayroon ako. Nung makuntento ako sa paliligo ay nag ayos na ako ng aking sarili. I chose a simple but elegant white dress from the 9th collection of my botique that I designed myself. It's fitted so naturally kaya kitang kita ang perfect shape ng body ko. Nung makuntento na ako sa itsura ko na nakikita ko sa malaking salamin ay kinuha ko na ang bag ko at nag ready na akong umalis. "Goodmorning ma'am!" Sabay sabay na bati ng tatlong lalaki na matiyagang naghihintay sa akin sa labas ng pintuan. Paglabas ko ng pintuan ng condo unit ko ay sila agad ang bumulaga sa akin kaya nagulat pa ko. Bodyguards sila ni daddy kaya I'm so nagtataka kung ano ang ginagawa nila dito. "What's good in the morning? Bakit ba nandito kayo? Nasaan si Mang Bryan?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila. Alam na alam nilang lahat ng ayoko ng may mga nakabantay sa akin tapos ngayon ay tatlo pa sila. "Ma'am si Bryan at si Boy po ay nasa mansion ngayon. Pinag report po sila ni sir dahil sa nangyari kagabi," sagot sa akin nung isa. Nung marinig ko ang sinabi nya ay kinabahan ako. I know, dahil sa akin ay napagalitan ang dalawang iyon. "Whatever! Basta ayoko ng nakasunod kayo sa akin! Kaya sige na, umalis na kayo!" Taboy ko sa kanila. "Ma'am sabi po ng daddy ninyo ay hindi daw po kayo pwedeng umalis dito ng hindi nyo kami kasama," agapay na sagot naman nung isa. Nasa mga mukha nila ang labis na pag aalala dahil alam nila na ayaw ko ng pinipilit at sinasagot ako. Pag kasi ako ang na bwisit, malamang sa ora mismo ay mawalan na sila ng trabaho. "I don't care! Hindi ba sinabi ko sa inyo na pag ako ang kasama nyo ako ang amo nyo? Kung si daddy lang pala ang susundin nyo edi bumalik na kayo sa kanya! The hell I care! So sige na! sige na at umalis na kayo!" Kulang sa pasensyang taboy ko sa kanila tapos ay nagpatiuna na akong lumakad. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD