Maling akala “I’m asking you, is he your--” Nginiwian ko si Yuan at hinampas sa braso para matigil siya sa pagsasalita. Sumeryoso ang mukha niya at pinakatitigan si Ash na hindi na napagpatuloy ang sasabihin niya dahil sa asungot na lalaki. “Puwede ba Yuan Lee? Lumayas-layas ka nga sa unit ko, hindi ka welcome dito pun—” Nakagat ko ang labi nang maalala ang presensya ni Ash. Hinarap ko ang inaanak at hinaplos-haplos ko ang pisngi niya. “Anong kailangan mo baby?” “Water po.” “Sige sige, kukuha lang ako. Nagugutom ka na ba?” Umiling siya. Nilingon ko si Yuan na nagbago na ang ekspresyon ng mukha. Sinamaan ko siya nang tingin ng iwagayway niya ang kamay niya sa harap ni Ash. “Sino po iyong kausap nyo?” Tumikhim siya at iniwas ang tingin kay Ashriel. “Ah wala ‘nak. Iyong delivery