Challenge IYONG pakiramdam na merong nakalagay na hollow blocks sa ulo mo. Ayon ang naramdaman ko nang imulat ko ang mga mata ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko at ramdam ko ang sobrang pag-iinit at bigat ng katawan ko. “Sanya?” Takang tingin ang ibinigay ko kay Yuan nang siya ang mabungaran ko. Iginala ko ang tingin sa paligid at natantong nasa hospital ako nang makita ang doktor at nurse sa paligid ko. “Nurse, check her pulse and blood pressure.” “Doc, one hundred over sixty. Pulse rate is seventy-six.” Napatingin ako sa braso ko at sa dibdib kong isa-isang inalisan ng hindi ko matandaan kung anong tawag na aparato. “Is she okay, Doc?” may pag-aalala sa mga matang tanong ni Yuan. “She’s fine. Bumalik na rin sa normal ang mga vitals niya. She’s out of danger. Maiwan ko muna kayo,