Kabanata 9 Club “You may now kiss the bride...” This is it! Makikita ko na ang aking mapapangasawa. Excited na inantay ko ang pagtatanggal niya ng belong nakatabing sa mukha ko para magtagpo na ang aming mga labi. “San...” Napasimangot ako sa narinig na boses. Hindi pwede! Kailangan ko nang makita ang aking groom. “Sanya?” “Sanya Dimabuyu?” Wala na. Ang maganda kong panaginip ay napalitan na ng bangungot. Pagdilat ng mga mata ko ay ilang pulgada na lang ang layo namin ni Yuan at ramdam kong para pa akong tangang nakausli ang nguso. “Itawa mo na ‘yan! Baka kung saan pa lumabas ‘yan,” saad ko nang makitang nagpipigil siyang pagtawanan ako. Ewan ko ba naman. Ilang taon nang palagi akong dinadalaw ng panaginip na ikakasal ako pero kailanman ay hindi ako nagtagumpay na makita kung si