KABANATA 16: Naglaho Part Two ISANG buwan ang matuling lumipas at wala pa ring nagbabago sa senaryo ko gabi-gabi. Nandito ako sa VIP room at inaaliw si Lim Godongwei na nakabalik na mula sa ibang bansa. “Talaga bang hindi na kita mapipilit na tumigil sa pagtatrabaho dito sa club?” Pinagsalin ko ng alak si Lim at inabot ko sa kanya iyon habang nakaplaster sa labi ko ang isang ngiti. “Malaki pa utang ko kay Mamang pero malapit-lapit–” “I’m willing to pay your debt.” Seryoso ang mukhang alok niyang nagpaawang ng labi ko pero tumawa lang ako at umiling. “Talaga ba? Kahit milyon ang halaga?” biro ko. Tumango siya. “A million? Or even millions? That won’t be a problem to me, Sanya, pero alam mo naman na siguro ang kapalit,” aniyang ipinatong ang kamay sa hita ko at humaplos-haplos doo