KABANATA 17: Paghihiganti “NOW, this is surprising, Kuya Lee. You’re really here?” Napalunok ako nang tuluyan ng rumehistro sa isip ko ang katotohanan sa katauhan ni Yuan Lee. Minasdan kong tumayo si Lily at salubungin si Yuan. Yumuko ako at itinago ang kamay kong nag-umpisang manlamig at manginig sa gulat. “I don’t want to miss this family dinner. Minsan lang kasi mag-invite ang ama natin na kumain sa labas.” “Yeah, kahit birthday nga natin hindi niya magawang pumunta sa family dinner unlike Mom–” “Kung babastusin nyo lang din ako at pag-uusapan na parang wala ako dito. Bakit hindi na lang kayo umalis na dalawa nang makakakain na kami?” putol ni Lim sa mataray na pagsasalita ni Lily na puno ng panunumbat ang mga mata. “Ge, take a seat. Lily, you too.” Anak siya ni Lim? Pero p