KABANATA 26: Accident Umuukilkil ang mga salitang binitiwan kanina ni Yuan. The way he said na nakabalik na ako, it’s like he knew I left Philippines. Ayon ang napagtanto ko kanina matapos naming makaalis sa resto. Laking pasasalamat ko nang hindi na kaming muling magtagpo pa. I don’t want my kids to see him. “You’re thinking about him?” Napalingon ako kay Meredith mula sa pagtitig ko sa kopita na hawak-hawak ko. Hindi ako makatulog kaya napagpasyahan kong magtungo sa mini bar nila at uminom ng wine. “Bakit gising ka pa? Masama sa buntis ang magpuyat,” saad ko nagpanggap na hindi narinig ang sinabi niya. “Nagugutom ako eh kaya kumuha ako sa pantry nang makakakain then I saw you here.” Naupo siya sa katabi kong silya at inalalayan ko naman siya dahil medyo mataas iyon. Pinaglala