KABANATA 27: Crying HINDI ko mapigilang matawa habang kumakain ng mansanas sa eksenang hindi mawala-wala sa isipan ko. “Ashton, do you think kailangan nating ipaulit ang ct-scan ni Sanya? Mukhang naapektuhan yata ng aksidente ang utak niya.” “Hon, matagal nang may something sa utak ng kaibigan mo–” Bago pa matapos si Ashton sa pagsasalita ay binato ko siya ng mansanas. “Wow, kung magsalita kayo parang hindi ko kayo naririnig. Paalala lang sa inyong dalawa huh? Hindi naapektuhan ang pandinig ko sa aksidente.” “Eh kasi naman San, kanina ka pa tawa nang tawa diyan tinatanong ka namin puro tawa lang ginagawa mo.” Tumikhim ako at tinuro ang flat-screen tv. “Nakakatawa kasi iyong palabas!” “Ano namang nakakatawa sa train to busan?” “Iyong zombie!” Nasa mukha ni Meredith na hindi siya n