KABANATA 25.2: Sanya 2.0 “MISS NA MISS NA MISS kita Mer!” mahigpit na yakap ang sinalubong ko kay Meredith na halos mapipi ko na sa higpit ng yakap ko. “Kung makayakap ka naman sa Misis ko, parang hindi kayo nagkita last christmas.” Tumawa ako sa sinabi ni Ashton at binitiwan na ang asawa niyang agad hinila’t inakbayan. “Careful San sa pagyakap sa asawa ko, baka malamog ang baby namin,” aniyang hinaplos pa ang tiyan ni Mer. Pinagpalit ko ang tingin sa kanilang dalawa at napanganga. “You’re pregnant again?” namimilog ang mga matang tanong ko sa kanya. Nahihiyang tumango sa akin si Meredith habang natatawa naman ang asawa niyang si Ashton. “Aba Ashton, balak mo bang gawing bahay-paanakan ang matres ng bestfriend ko. Four years old pa lang sila Gabbie ah.” “Can’t help it, my wife is s