KABANATA 8 Still like you “Magkano pogi?” ngisi ko sa cashier sa convenience store sa baba. Kung hindi lang sa suot niyang uniporme mapagkakamalan ko siyang isa sa mga customer kong hot na rich pa. Tumawa siya at pinapilantik ko naman ang mga mata ko ipinapakita sa kanya ang alindog ko. Hindi ko pa naman nasasagot si Lim pwedeng pwede pa akong makipaglandian. Enjoy while it lasts sabi nga nila. Oh pak! English yan! “That would be 350 pesos, Ma’am.” Mahal naman! Dinukot ko ang 500 sa wallet ko at inilapag iyon. “Huwag na Ma’am, Sanya na lang pwede rin namang babe.” “Sanya na lang baka may magalit ‘eh,” pakikisakay niya sa akin na ikinakilig ko naman. Weakness ko talaga ang lalaking matangkad, labanos ang kutis at higit sa lahat chinito! “Ay wala ah! Ikaw anong name mo?” “P