KABANATA 7 Neighbor KULANG ang sabihing nagulat ako sa lalaking inaalok ang kamay niya sa akin para itayo ako. Walang iba kung hindi si Yuan Lee. Takteng ‘yan! Anong ibig sabihin nito? Nang makahuma ako sa pagkakagulat ay dali-dali akong tumayo walang balak tanggapin ang alok niyang tulong ngunit napangiwi ako nang maramdaman ang sakit na dumaloy sa bukong-bukong ko kaya muntik pa akong muling bumagsak kung hindi niya maagap na nahawakan ang braso ko. Tila napapasong hinila ko ang braso ko sa kanya at pinilit ang sariling maituwid ang tayo. “Are you okay? Mukhang napuruhan ang paa mo—” “Wala kang pake kung malumpo pa ako. Anong ginagawa mo rito?” taas-kilay kong tanong sa kanya. Tumawa siya. “I’ve been staying here for two months. There.” Turo niya sa katapat kong unit na ikipi