Kabanata 4

1659 Words
KABANATA 4 Ex MUKHANG hindi gumana ang pananakot ko sa pesteng lalaki na nasa harap ko dahil hindi man lang siya umalis sa pagkakaharang sa dadaanan ko. Bagkus ay sinalubong niya ang masamang tingin ko. “What happen to you? Why are you…” Tila hirap na hirap siyang maipagpatuloy ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siya. “Stripper? Pokpok? Bayarang babae? GRO? Ano pa nga bang tawag sa akin?” kunwang balewala kong magkakasunod na saad ng mga pangalang tinatawag sa akin ng mga nakakaalam ng trabahong meron ako. “Sanya, I—” “Alam mo Yuan kung ako sa ‘yo lumayo ka na sa akin ngayon at baka mangati pa ‘yang kutis mayaman mong balat. Hindi nga ba’t bukod sa takot mo sa mga multo, allergic ka rin sa mga dumi at marurumi. Nakita mo naman ang trabaho ko hindi ba?” taas-kilay kong pagpapatuloy walang balak na pagsalitain pa siya. Hindi na siya nakaimik pa kaya’t ipinagpatuloy ko na ang pag-alis at talagang isang pigil niya pa sa akin. Sisiguraduhin kong tatamaan na siya sa akin. Muli kong sinuot ang maskarang hinubad niya at kakatok na sanang muli sa pinto nang maramdaman ko muli ang pagkapit niya sa braso ko. Iaangat ko na sana sa ere ang kamay ko para malasap niya na ang ganti ng isang babaeng hindi matuloy-tuloy ang booking nang mapatigil ako sa sinabi niya. “I’ll double your pay for tonight.” Tila may pinong kumurot sa puso ko sa sinabi niya pero binalewala ko iyon. Sa trabahong meron ako hindi naman ito ang unang beses na narinig ko ang sinabi niya. Kaya hindi ko alam kung saan nagmumula ang punyemas na hapding nararamdaman ko sa puso. Kaartehan mo, Sanya Dimabuyu! Ibinaba ko ang kamay ko at nakangiting hinarap na siya. “Double? Sure ka?” Nagdikit ang labi niya at nagtatagis ang bagang na tumango siya. “Yes.” “Cash or credit?” tanong ko na akala mo nasa department store kami at binabayaran niya na ang binili niyang gamit. Well, parang ganoon naman ang sitwasyong meron kami ngayon. Binabayaran niya ako. Hinubad ko ang maskara ko at tinali pataas ang buhok ko. Dinukot ko ang sponsored na cellphone ng isa sa customer ko at dinayal ang numero ni Mamang. “Hoy bruha mabuti naman at tumawag ka. Kakatanggap ko lang ng mensahe na hindi ka pa raw dumarating—” “Bigyan kita trenta mil bukas, Mamang. Hanap kang papalit sa akin tonight, may mas malaking gig ako,” putol ko sa kanya at kinuha ang bubblegum ko sa bag na hindi pwedeng mawala. Nginuya-nguya ko iyon at hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Mamang. Hinarap ko si Yuan na tinalikuran ako matapos ko siyang taasan ng kilay. “Anong room natin?” Hinarap niya ako at kinunutan ng noo. “Anong room pinagsasabi mo?” “Room kung saan tayo maglalaro ng apoy, Mister. Bilis-bilisan mo at inaantok ako. Sinasabi ko sa ‘yo hanggang second round lang—” “Sanya Dimabuyu!” sigaw niyang buo sa pangalan ko kaya sa gulat ko’y napapitlag pa ako. “Problema mo?!” balik-sigaw ko sa kanya. “I’m not going to have s*x with you.” Ayan na naman ang epal kong damdamin na na-hurt na naman! Kailan ka pa naging balat-sibuyas, Sanya Dimabuyu?! “Bakit? Takot ka? Malinis ako uy—” “Isa pang salita mo at hahalikan kita nang makita mo ang hinahanap mo.” Ngumiwi ako. “Ay, feeling mo nasa palabas tayo? Akala mo naman matatakot ako sa kiss mo. Chuserong ghoster na ‘to.” “Ghoster?” Inismiran ko lang siya at iniwanan na. “Bilisan mo na. Kung anong trip mo, go. Pero siguraduhin mong walang labis walang kulang ang bayad mo sa akin.” Natigil ako sa paglalakad nang humarang na naman siya sa lalakaran ko. Napatingin ako nang hawakan niya ang takong ng stiletto ko at putulin iyon. Ganoon din ang ginawa niya sa isa. Tangkang luluhod na siya nang agawin ko ang instant sandals kong kagagawan niya. “Sabi ko sa ‘yo wala tayo sa palabas lalo na sa fairytale. Hindi ako si snow white na kailangan pang suotan ng duwende para magising lang,” saad ko’t sinuot na ang sapin ko sa paa. Pagtingin ko ay napapailing siya. “Sweetheart, are you referring to Cinderella or Sleeping Beauty?” Sinimangutan ko siya sa narinig kong itinawag niya sa akin. “Sweetheart mo mukha mo! Wala akong pake kay Cinderella o sleeping beauty. Huwag mo akong i-correct at hindi naman kita teacher! Kung anong sinabi ko ‘yun ‘yon! My choice, my music!” Bakit ba kapag kinakabahan ako kung anu-anong walang kwentang salita ang lumalabas sa matabil kong dila? Tinabig ko siya para itago ang pagkapahiya at nagpatuloy na sa pag-alis kahit hindi ko alam kung saan ang gusto niyang puntahan namin. Gusto kong sampalin ang sarili para magising ako at hindi mawala ang pag-iinit ng mukha ko, papabilis na t***k ng puso ko at ang panlalambot ng tuhod ko. Si Yuan lang ‘yan ghorl! Kumalma ka! Ex lang ‘yan! At kapag ex na meaning niyan isa siyang malaking ekis sa buhay mo. Isang pagkakamali kaya tantanan mo ang pag-aarte mo, Sanya. Habang nasa elevator ay ramdam ko ang titig niya sa akin pero siyempre deadmatology lang ang beauty ko hanggang sa makalabas kami ng elevator. Gusto kong sabunutan ang mga taong tumitingin sa amin na akala mo alam na alam na ang buhay ko mula pagsilang ko. Paglabas namin ng hotel ay pumarada ang kumikintab na kotse sa harap namin. Nang maiabot ng bell boy ang susi niya ay inunahan ko na si Yuan at pumasok na ako sa front seat. Kinunutan ko ng noo si Yuan nang saglit niya lang imaneho ang kotse niya at igilid niya sa hotel kung saan wala kaming maaabalang ibang papaalis na sasakyan. “Ano magtititigan na lang tayo dito sa kotse mo?” tanong ko kay ex na bumuntonghininga lang at hindi na nagmaneho pa. Baka naman natanto na niyang ang tanga niya para doblehin ang bayad sa akin ‘eh hindi niya naman bet na makipagchukchakan sa akin. Nandidiri malamang. Sa naisip ayan na naman ang karayom na nagtusok-tusok sa puso ko. Tigilan ang arte, Sanya! Nabalik ako sa reyalidad nang may ibato siya sa hita kong litaw na litaw at halos makita na nga ang underwear ko sa sobrang ikli ng suot kong dress. “Mainit—” tangkang aalisin ko ang jacket pa lang inilagay niya sa hita ko pero pinigilan niya ang kamay ko. “Huwag nang matigas ang ulo mo, Sanya. Huwag mong alisin ‘yan. Itatapat ko sa ‘yo ang aircon.” Napatingin ako sa kaartehan niya pero napangiti nang maisip ang dahilan ng pag-iinarte niya. Napatingin ako sa gitnang bahagi ng katawan niya kung nasaan si Junjun. “Bakit? May nagigising ba?” “Sanya Di—” “Di ka na sisikatan ng araw kung itutuloy mo na naman ang pagtawag sa buo kong pangalang peste ka.” Ewan ko ba naman sa nanay ko na sumalangit nawa ang kaluluwa. Hindi man lang inakma ang kagandahan ko sa apelyido ko. Maano bang hinanap niya ang tatay ko at inalam ang apelyido no’n. Baka sakaling ang pangalan ko ay mala-hollywood. Sanya Jolie. O kaya Sanya Stewart. Narinig ko ang pagtawa niya na umani ng simangot sa akin. Feeling close amps. “Saan tayo pupunta? Hindi ako pwedeng umagahin, may naghihintay sa akin,” saad ko nang magsimula na siyang magmaneho. “Sino?” tanong niya at nag-iba ang timpla ng mukha niya. Dumilim iyon at tila ba anumang oras ay ibabangga niya ang kotseng sinasakyan namin sa sama ng hitsura niya. Shuta! Hindi kaya naging psycho na ‘tong Yuan na ‘to? Baka ako pala ang hindi na sikatan ng araw! “Ay kasama ba sa bayad mo ang pagsagot ko sa mga tanong mo?” balik-tanong ko hindi pinansin ang saglit na takot na naramdaman ko sa malakontrabida niyang tingin. “Ay! Kingama ka!” tili ko nang bumilis ang pagmamaneho niya. Akala mo nasa video game kami na nakipagkarerahan siya sa mga kotseng kasabayan namin. “Hayp ka! Kulang ang isandaang libo kapag naaksidente tayo at masira ang magandang mukha ko!” sigaw ko sa kanya at kung nalimot ko lang ang magsuot ng seatbelt siguro nag-shortcut ako sa pag-exit sa kotse niya dahil hahagis ako papalabas sa biglaang preno niya. “We’re here. Let’s go,” seryoso ang boses niyang saad hindi pinansin ang reaksyon kong gusto na siyang sakalin. Bumaba siya at iniwan akong hawak-hawak ang leeg ko dahil nanakit ang lalamunan ko sa kakasigaw ko kanina dahil sa pakikipagkarera niya. Natigil ako sa pagbaba nang makita kung nasaan kami. Putsa! Dodoblehin niya ang bayad sa akin para pumunta sa isang buffet restaurant? Sa unli-samgyupsal. Hindi yata’t sa nakalipas na siyam na taon nahanginan ang utak ng lalaking ‘to at ang lakas ng trip ngayon. Kahit hindi ko maintindihan ang trip niya ay wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya papasok. Kasi for tonight, siya ang customer ko. My ex-boyfriend is now my customer. Tama ba English ko? Shala ng title lakas maka-drama rama sa hapon! Pero napangiwi ako nang makita ang outfit at ang kainan na papasukin namin. Hindi nababagay kaya naman kinuha ko ang jacket ni Yuan at in fairness kahit ghoster siya hindi naman pang-patay ang amoy niya. Ang bango-bango at walang pinagbago sa amoy niya noon. “Plano mo bang ubusin ang bango ng jacket ko? I could give you my perfume—” Pinandilatan ko siya ng mga mata makaraan ay umiirap ko siyang tinalikuran at inunahan ko pa siya sa pagpasok sa kainan. Pabor din sa akin ang trip niya. Dahil imbes na usok ng sigarilyo ang malalanghap ko ngayong gabi, usok ng masarap na karne ang mapapala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD