KABANATA 3
Stripper
"I love you..."
Nilingon ko si Yuan at hindi itinago ang pagkakilig ko sa binulong niya sa tenga ko.
Ang haba talaga ng hair ko! Tunay ngang isa akong diyosa dahil nasilaw ko ang isang Yuan Lee.
"Ikew nemen napaka-sweet mo! Baka masanay ako niyan. Mahihirapan makamove on ang beauty ko kapag iniwan mo ako."
Tumawa siya at mas lalong hinapit ang bewang ko. Kasalukuyan kaming nasa park imbes na sa sosyal na restawran na pagdadalhan niya sana sa akin.
Kahit may pagkasocial climber ang peg ko mas bet ko pa ring kumain ng tokneneng at dirty ice cream habang nakikitsismis sa mga ganap sa paligid.
"Promise? Walang iwanan?"
Hinalikan niya ang noo ko at pinagsalikop ang kamay naming dalawa.
Walang-wala ang Kathniel sa landian namin oha oha.
"Promise."
"Cross your heart hope to die?"
Tumawa siya at itinaas pa ang kanang kamay at ginaya ang sinabi ko.
"Miss, what floor?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang baritonong boses. Pagtingin ko sa nagsalita ay taas ang kilay niyang mukhang kanina pa ako kinakausap pero nag-throwback ako kaya hindi ko siya narinig.
Imbes na sagutin siya ay nagpanggap akong walang narinig at ako mismo ang pipindot sana sa 14th floor pero hindi na pala kailangan dahil napindot niya na 'yon.
Tuloy pahiyang bente na bumalik ako sa pwesto ko kanina.
Sino ba ang pesteng nagpauso ng hope to die na linya?
Kung sino man siya sarap niyang sampalin kasi hindi naman legit. Buhay na buhay pa rin ang lalaking nagsabi sa akin noon.
Heto nga at major glow up pa ang hudyo.
Akala mo kung sinong modelo kung makasandal sa elevator.
Gwapong-gwapo pa rin si Yuan Lee.
Makapal na kilay pero hindi sabog ang ayos. Matang hindi kalakihan pero di rin matatawag na singkit. Matangos na ilong na bumagay sa labi niyang mamula-mula at medyo may kanipisan.
Maskulado na rin ang katawan niya hindi tulad noon na two packs pa lang siya. Sa suot niyang polo shirt ay nababakas ko ang six packs sa loob no'n.
Yummy—
"Quit staring, Miss."
Englishero pa rin.
"Ako ba kausap mo?" turo ko pa sa sarili ko iniipit ang boses ko kahit na hindi ko alam kung bakit kailangan kong gawin 'to para lang hindi niya makilala.
"Can you see other people here besides me?"
Pilosopo!
"Nasa Pilipinas ka Koya, magtagalog ka pwede. Saka oo may nakikita ako bukod sa 'yo," seryoso ang boses kong sagot sa kanya at tumitig pa sa gilid niya.
Pinigilan kong mapangisi nang makita ang paglunok niya halatang natatakot sa sinabi ko.
"What the hell are you saying!?" sigaw niya kaya mas pinag-igihan ko ang pag-arte ko.
Akalain mo nga naman 'yon magagamit ko pa ang pagkwekwento niya noon sa akin na takot siya sa multo.
Sa nakita kong reaksyon niya mukhang hanggang ngayon kahit aakalain mong walang sinuman siyang kinatatakutan sa tindig at ayos niya, meron pa rin pala.
Ang ghoster na si Yuan Lee ay takot sa multo.
Funny.
“I’m asking you woman!”
“Nakatingin siya sa ‘yo namumula ang mga mata niya at puting-puti ang suot niyang damit. Hindi mo nakikita?” Kunwang arte kong gulat sa kanya.
“If you’re trying to be funny—“
Natigil siya sa pagsasalita nang tumunog na ang elevator nang makarating kami sa 14th floor. Nginitian ko siya at inunahan ko siya sa paglabas.
Naramdaman ko ang yabag niya sa likod ko ngunit nagpatuloy lang ako sa paglakad.
“Miss!”
Rinig kong tawag niya sa akin pero bingi-bingihan akong hindi siya nilingon hanggang sa maramdaman ko ang paghawak ng kung sinong poncio pilato sa braso ko.
“What?!” matinis ang boses kong tanong hindi na naitago ang tunay kong boses.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya kaya naman malakas kong hinila ang braso ko at binilisan ang lakad patungo sa room number. Isang katok ko pa lang ay bumukas agad iyon at iniluwa no’n ang isang mestisong lalaki na pamilyar sa akin.
Ay shuta! Artista!
Natanto ko nang ngumiti siya at maalala ko ang commercial niyang isang kagat tiyak na malalasap ang sarap.
Chocolate yorn. Namaga ang lalamunan ko nang sandamakmak ang binili ko noon at isa-isa kong nilamon dahil sa pa-contest na date sa kanya.
“Hi! You’re the stripper?”
Ay shuta naman anong stripper, dancer ako! Hindi naman ako certified hubadera for tonight mag-iiwan pa rin naman ako ng panty at bra!
Pero siyempre hindi ko sinabi ‘yon at malandi ko siyang nginitian.
“Ako—“
“No, she’s not Vincent,” agaw ng isang boses sa moment ko.
Napanganga ako at nilingon ang walangya na dumedesisyon sa buhay ko sa mga oras na ‘to.
“Lee pare! Hindi ka naman nagsabi na makakapunta ka pala. Pero what do you mean she’s not the stripper?”
Dancer!
“She’s with me.”
“Hoy! Anong pinagsasabi mong hayp ka?”
Bago pa siya makalmot ng mga kuko kong pagkatalas ng fake nails ay nahila niya na ako palayo sa trabaho ko ngayong gabi.
“Lee!”
“Send my regards to Berry, Drey!” sigaw niya habang patuloy sa pagkaladkad sa akin.
Siyempre tuloy din naman ako sa pagpupumiglas sa hawak niya. Sa kakapabigat ko ng katawan ko bumigay ang takong ng sapatos ko at nabali iyon.
“Punyeta ka, Yuan Lee! Bibitiwan mo ako o itutusok ko sa mga mata mo ‘tong kuko ko!” sigaw ko na mukhang umepektib dahil binitiwan niya naman ako.
Yumuko ako at kinuha ang sapatos kong binili ko sa ukay dahil sabi no’ng tindera ay matibay daw ang brand na ‘to. Joke time lang pala!
Bumagsak ang suot kong maskara na natanto kong tinanggal ng hudyo sa pagkakatali. Pagtingala ko ay nakita ko ang pag-awang ng labi niya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
“Sanya?”
Sinimangutan ko siya at binato ko sa kanya ang sapatos kong warak na dahil sa pagiging atribido niya.
Dinampot ko ang maskara na tinanggal niya at muli kong isinuot iyon. Siyempre dahil mukha naman akong tanga kung isusuot ko pa iyong isa. Hinubad ko na rin iyon at ibinato sa kanya.
Tinalikuran ko siya at pumihit ako pabalik sa booking ko.
“Sanya! I knew it, ikaw nga ‘yan—“
“Pwede bang peste ka tantanan mo ako!” sigaw ko sa kanya. “May trabaho pa ako! Panira ka!”
Wala akong dapat ikahiya sa trabahong meron ako sa harap niya.
Sino ba siya?!
Humarang siya sa lalakaran ko kaya muntikan ko na talagang ihambalos sa mukha niya ang bag ko pero sabi nila huwag daw patulan ang animal kaya hindi ko ginawa.
“Tabi!”
“No, you’re not going to come back—“
“Tigilan mo ang kakaingles kasi nasa Pilipinas tayo! Naririndi ako sa ‘yo! Tatabi ka o paduduguin ko ‘yang mga mata mo gamit ‘to?” pagbabanta ko at inangat ang daliri ko ipinakita sa kanya ang shining shimmering long nails ko.