KABANATA 5 Insulto WALA akong pake sa tingin na ibinibigay sa akin ng mga tao nang pumasok ako. Ganoon talaga kapag maganda kahit nasaan ka titingnan ka. Feelingera! Malamang tinitingnan ka nila dahil diyan sa suot-suot mong gaga ka! Mukha kang hampaslupa! “Ma’am table for—oh Sir Lee, nandito po pala kayo. Good evening, Sir.” nilingon ko ang tinutukoy ng guwapong server na sumalubong sa akin. Pagtingin ko ay sunod-sunod ang bumati kay Yuan Lee na nagtatrabaho sa lugar. Kandidato yarn? Umismid ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko at hilahin ako. Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata ng mga server na babae sa ginawa niya sa akin. Problema ng mga ‘to? “Uy saan tayo pupunta?” tanong ko nang imbes na maupo kami sa isa sa mga table sa samgyupsalan ay huminto kami sa isang pinto at m