Bea “ANG BABABOY N’YO!” Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ang malamig na likidong bumagsak sa mukha ko. Nanlalaki ang mga matang gulat kong sinulyapan ang babaeng umiiyak na pinagsasampal ako at hinila ang buhok ko. “Bea!” dinig kong sigaw ni Yuan na kalalabas lang ng banyo at bihis na bihis na habang ako ay akala mo bagong panganak na sanggol na walang saplot. “Malandi kang babae ka! Pokpok! Marumi ka!” hagulgol ng babaeng hinayaan ko na lang sa pagsabunot at pagsampal sa akin. “Bea, enough!” sigaw ni Yuan at hinila papalayo ang babaeng muntikan nang ubusin ang buhok ko. Kinailangan pa siyang buhatin sa bewang ni Yuan dahil mukhang wala siyang balak tumigil sa pananabunot at pagkalmot sa akin. Kinuha ko ang kumot at ibinalot iyon sa hubad kong katawan. Nang mabistahan k