SPG: Bend PARANG may paru-parong nagkakagulo sa tiyan ko habang pinagmamasdan ko ang nakapinid na pinto. Hindi mawala sa isip ko ang pang-iiwan sa akin ni Yuan. Inakala kong mawawala na ang pamimigat ng puson ko sa ginawa niya ngunit parang mas tumindi pa ang paghahangad kong higit sa ginawa niya kanina ang gawin niya sa perlas ko. Nahihibang ka na Sanya Dimabuyu! Kung makatanggi-tanggi ka sa lalaking ‘yon at sabi-sabi ka pang hindi mo papatulan gaganyan ka? Dahil nga ‘to sa pesteng droga na ‘yon ‘eh! Nalilibugan ako! Normal lang ‘to! Bumangon ako at minasdan ko ang sarili sa salamin sa kwarto ni Yuan Lee. Pulang-pula ang buo kong mukha at gulo-gulo ang buhok ko. Inangat ko ang suot kong oversized shirt ni Yuan Lee at pinagmasdan ko ang katawan ko. Hindi pa naman ako mataba kahit na