KABANATA 41: Cries “DON’T forget to put some medicine, baka mamaga pa ‘yang dila mo. Bakit mo ba kasi kinagat?” Sinamaan ko ng tingin si Vlad sa sinabi niya. “Do you think I’m that dumb to bite my tongue–” Sinimangutan ko siya nang patigilin niya ako sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagsubo ng ice cream sa bibig ko. After eating pizza, the kids wanted to eat ice cream. Gusto pa nilang maglaro pero sa wakas ay napakiusapan ko naman silang sa linggo na lang at idinahilan ko ang sakit ng ulo ko kahit ayos naman ako. “That’s chocolate mint?” tanong ko kay Vlad nang mas magustuhan ko ang binili niya kumpara sa strawberry cheesecake ko. “Yup. You want it?” tanong niya sa akin at tumango naman ako. “Masarap, palit tayo.” “Okay patikim muna ko ng sa ‘yo,” ngumanga siya matapos sabihin